Kabanata XXX
Path
Parang akong lumulutang habang naglalakad ng mabilis paalis sa party na iyon. Nakayuko ako takot na makita nilang namumula at namumugto ang mata. Sinusubukan kongg pigilan ang luha ko pero hindi ko kaya.
Habang naglalakad paalis ay nakaramdam ako ng kakaiba. Para akong naliligaw. Pakiramdam ko nasa maling lugar ako ngayong gabi. Ngayon ko lang naramdaman ito. Because I always feel that I belong to where I am, to where I'm standing at, ngayon ko lang naramdaman na parang nawawala ako.
And it's as if the world is crying with me. Dahil paglabas na paglabas ko ng bahay ni Rein ay bumuhos ang ulan. Sunod sunod ang patak ng ulan sa aking ulo at damit hanggang sa dumami ito at tuluyan na nga akong nabasa.
Malamig ang patak ng tubig pero hindi ko iyon inalintana. Hinayaan kong mabasa ako ng ulan. Hinayaan kong malunod ako ng luha ko roon. Sa sobrang bigat ng damdamin ko hindi ko na alam kung saan ako dinala ng paa ko.
I was lost. I was crying and pouring my heart out. The dark night and the cold rain are my only friends that night. Hindi ko alam paano ako nakauwi sa sobrang lutang at sabog ko. I just knew that I took a bath and went to sleep. Kinabukasan ay inaapoy na ako ng lagnat.
I didn't tell Dmitri about it because I know that he'll be worried. I ignored all the text messages I received from my friends asking where was I last night. Tumagal ang lagnat kong iyon ng ilang araw and Mommy did not want me to go to school unless I'm completely fine.
I missed a lot of lessons but my professors gave me considerations. Naging abala ako dahil doon. I was sad and hurt. Hindi ko iyon maiwasan lalo na kapag nag-iisa na lang na ako. I'm still thinking what have I done to Yvonne to make her compare me to Neri. At kung paano niya naramdamang parang inaagaw ko ang mga kaibigan niya sa kanya.
Alam kong magkakaibigan na sila bago pa man nila ako maging kaibigan. Sila sila na ang magkakasama bago ako mapasama sa grupo nila. Pero hindi ko naman naisip na mamasamain pala ni Yvonne ang pagiging sobrang malapit ko sa kanilang lahat. Akala ko kasi parte na rin nila ako. Akala ko as one na kami.
Naputol ang pag-iisip ko nang maramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. Kinuha ko iyon at sumilip sa professor kong abala sa pagtuturo. Patago kong tiningnan ang phone ko para tingnan kung kanino galing iyon.
Benedict:
Sama ka bukas? Tagaytay raw tayo. Roadtrip.
Napatitig ako roon ng ilang segundo bago iyon mabilis na itago muli. Natulala ako sa harap at napangalumbaba. I've been turning down them since then. I can't look at them the same way. Kasi kapag naiisip ko sa kanila, naiisip ko kaagad 'yong sinasabi ni Yvonne na inaagaw ko sila sa kanya. I can't act like I'm fine. I'm done and tired acting like I am fine. Gusto ko lang ng katahimikan, gusto ko lang 'yong tulad ng dati na walang problema o kung ano man.
Pero ayaw siguro makisama sa akin ng panahon. Dahil kung kailan iniiwasan ko sila, doon ko talaga sila makikita.
Nasa isang cafe ako. I thought I could use my free time to let myself relax and enjoy being alone. 'Yong walang iniisip. Pero mukhang hindi iyon para sa akin.
"Eleanor!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Dala-dala ko ang isang tray na may lamang kape at tinapay. Nanaginig ang kamay ko dahilan ng pagtapon ng kaunti ng kape sa tray na hawak ko. Si Rein ang kumakaway sa akin. Kumpleto sila. Andoon din si Neil at Neri.
Kumabog ang puso ko. Parang dumaan muli ang sakit sa puso. Parang bumigat ulit. 'Yong katahimikan na akala ko magkakaron ako, wala.. parang mas lalong nayanig lang ang mundo ko.
BINABASA MO ANG
Still into you (Professor Series #2)
RomanceEleanor Ria Fortes is every man's dream. She has everything that a guy could ask for---the beauty, the brain, the personality and good manners. Maswerte rin ito sa buhay lalo na't mayaman at may mga kaibigan na maaasahan. Pero kung iisipin, Eleanor...