Kabanata XLIII
Selfish
Unknown Number:
Goodnight, Eleanor. You made this day extra special. Thank you.
Unknown Number:
Namiss kita.
Napabuga ako ng hangin sa nabasa. My heart fluttered. It's the number I assumed that belongs to Dmitri. Binagsak ko ang katawan ko sa kama at tumulala sa kisame.
I feel like I'm dreaming. Para akong lumulutang dahil sa mga nangyayari. The warmth of love I felt years ago is coming back. And it's still from the same man. It's still from Dmitri.
Pero natatakot ako sa totoo lang. Natatakot akong subukan ulit. I'm scared that he'll left me hanging again. Though, it was unintentional... but still... that left me a big scar and insecurities.
Pero iba naman na ngayon 'di ba? He said hurting me would be the least thing he would do. Kung dati medyo malabo.. I wasn't sure if I'm just assuming things. Ngayon he's giving me his assurance. His words and actions.
"Eleanor..." he said almost a whisper.
Agad na napatingin ang mata ko sa paligid para tingnan kung narinig ba ng mga ka-block ko ang pagtawag sa akin ni Dmitri. Mabuti na lang at abala ang lahat na gawin ang kanya kanyang seatwork at medyo maingay ang klase dahil doon.
Nakagat ko ang labi ko at humigpit ang hawak sa ballpen bago unti unting umangat ang tingin sa kanya na nakatayo sa gilid ko.
Hindi pansin ang ginawa niya dahil mukhang nagtitingin tingin lang siya ng mga pinaggagagawa namin. Pero sa totoo ay tumigil talaga siya sa gilid ko at humarap pa talaga sa akin!
A smile slowly formed on his lips when our eyes met. Tumalon ang puso ko dahil sa kaunting ngiti na lumitaw sa kanyang labi.
"Okay lang ba sa'yo kung magdinner tayo mamaya after class?" he asked me with low voice, enough for me to hear it.
Mas lalong kumabog ang puso ko. Bagong bago ito sa akin. Hindi siya ganito ka-straightforward dati. It was as if his questions before was just out of curiosity or kindness. Pero ngayon ay malinaw na hindi lang iyon dahil doon.
Muli akong sumulyap sa paligid takot na may nakarinig sa tinanong niya sa akin. Nakahinga ako ng maluwag nang makita na wala.
Napanguso ako at unti unting umiling sa kanya. Kung hindi lang importante ang dinner mamaya...
"Mag di-dinner kami nila Daddy mamaya. Birthday niya kasi. Sorry..." dismayado kong sabi.
He slowly nodded as if he completely understand my reason.
"Okay... Just text me when you're home..." he said while smiling at me.
Tumango ako at nagpatuloy na sa pagsagot kahit ang isip ko ay lumipad na sa dinner mamaya. Kung hindi lang kasi talaga birthday ni Daddy ay baka hindi ako tumanggi sa kanya.
Sinundan ko siya ng tingin na naglakad pabalik sa upuan niya sa harap. He swiftly pulled the chair and sat on it. Nang makaayos ng upo ay agad na bumagsak ang tingin niya sa akin. Nanlaki ang mata ko at agad na nag-iwas ng tingin.
Sinubukan kong sagutan ang isang number pero pagtapos ay agad na umangat ang tingin ko kay Dmitri na nakatingin din sa akin at may maliit na ngiti sa kanyang labi! His smile widened when he saw me looked at him!
Agad kong binaba ang tingin ko sa sinasagutan at hindi na lumingon pa sa kanya hanggang sa matapos iyon.
Hindi ko na nagawa pang kausapin si Dmitri pagtapos ng klase lalo na't nilapitan siya ng ibang mga ka-block ko. Alam kong may malisya pa rin para sa kanila ang photoshoot na nangyari sa amin ni Dmitri, hindi lang nila sinasabi, pero nakikita ko sa mga naabutang sulyap sa akin. And I know.. some of my batchmates know that we were close when he was a student here before. Ayaw ko nang dagdagan pa lalo na't ngayon ay totoong may kung ano ngang namamagitan sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
Still into you (Professor Series #2)
RomanceEleanor Ria Fortes is every man's dream. She has everything that a guy could ask for---the beauty, the brain, the personality and good manners. Maswerte rin ito sa buhay lalo na't mayaman at may mga kaibigan na maaasahan. Pero kung iisipin, Eleanor...