Kabanata XXIII
Gap
I wasn't able to meet Yvonne. Siguro ay gawa ng exam week na rin kaya hindi siya maka-oo sa mga aya ko sa kanya.
I tried to tell her about it over a call but I just couldn't spit out the words. Hindi ko kayang sabihin sa kanya sa tawag lang kaya pinilit ko talaga na kumuha ng araw kung kailan siya pwedeng kitain.
"It's okay. Magkikita naman na kayo sa susunod na araw, 'di ba?" ani Dmitri nang sabihin ko sa kanya ang frustrations ko dahil hindi ko pa nasasabi ang dapat sabihin kay Yvonne.
Tumango ako at inayos ang strap ng aking bag.
"Paano kung magalit siya sa akin dahil hindi ko agad sinabi sa kanya? I should have really told her about it over a phone call..." namomroblema kong sabi.
Madalas kasi ang chat ni Yvonne sa group chat namin na kasama niya si Neil na nag-aaral. Ilang beses ko nang muntikan sabihin sa chat ang panloloko ng lalaking iyon. If only it would be appropriate to tell her over a chat, I could have done it a long time ago! Pero mahirap magpaliwanag kapag hindi kayo magkaharap.
I sighed. Dmitri chuckled.
"Hindi iyon magagalit sa'yo... Mas mabuti ring sa personal mo na sabihin dahil mas madaling ipaliwanag lahat kapag magkausap kayo ng harapan..." he said assuring me.
Gumaan ang loob ko sa sinabi niya. Gabi na at hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit palagi niya akong hinihintay matapos sa klase ko kapag ganitong araw. Simula noong sabay na kami lumabas ng building ay wala nang nagtangkang magyaya sa akin na magsabay kahit sina Bert at Mark. That's a good thing though.
Hindi ko na kailangan magdahilan at mahirapan na umisip kung anong irarason ko sa kanila para matanggihan lang ang alok nila.
Nang matapat na kami sa sasakyan ko ay binuksan niya iyon. Minuwestera niya sa akin ang loob para pumasok na ako. Kaya naman humakbang na ako papasok at umupo roon.
"May pasok ka mamaya, 'di ba?" agad kong tanong.
Ngumiti siya at tumango, "I-tetext kita mamaya kapag papunta na ako roon. Ayos lang ba iyon?"
Nagulat ako sa tanong niya at napakurap. "O-Oo naman! Okay lang sa akin..." aniko habang pinipigilan ang ngiti. "I-tetext kita kapag nakauwi na ako.." bawi ko.
He bit his lips and nodded again, tila ba natuwa sa sinabi ko, "Okay... Ingat ka.." he softly said.
"Ikaw rin... Ingat ka," I said before he finally closed the door.
Nagtext ako sa kanya pagkauwi at mabilis siyang nagreply roon. Tulad ng sabi niya ay nagtext din siya sa akin nang papunta na siya sa trabaho niya. That became a routine. Madalas siyang nagte-text sa akin, minsan ay kapag may pupuntahan siya o 'di naman kaya ay nag-uumpisa siya ng pag-uusapan kapag may libreng oras.
Sa ginagawa niya ganon ay naalala ko si Winston. Lagi siyang nagti-text sa akin tungkol sa mga bagay na ginagawa niya. Ang pinagkaiba lang ay hindi ko siya masyadong nirereplyan hindi gaya kay Dmitri.
"You really skipped your class for this?" nagugulat na tanong ni Benedict.
Ngumisi ako sa kanya at nagkibit balikat bago inuman ang isang baso ng tubig na naroon.
I have still have class, minor subject lang naman. I didn't tell Dmitri about it though. Hindi ko naman kasi matanggihan ang sinabi ni Yvonne na ngayon lang daw siya free at sakto ay nagyaya rin si Rein ng gala sa barkada. And that includes Neri.
"Ayos lang naman kung hindi ka makasama, e. Pwede namang next time kapag may libreng oras ka," sabi ni Rein.
"It's fine..." aniko.
BINABASA MO ANG
Still into you (Professor Series #2)
RomanceEleanor Ria Fortes is every man's dream. She has everything that a guy could ask for---the beauty, the brain, the personality and good manners. Maswerte rin ito sa buhay lalo na't mayaman at may mga kaibigan na maaasahan. Pero kung iisipin, Eleanor...