Kabanata XXI

290 11 2
                                    

Kabanata XXI

Same

Hindi ko alam pero sa mga sumunod na araw at linggo ay madalas ko nang makita si Dmitri. Minsan ay bigla bigla na lang siyang sumusulpot sa kung nasaan ako. I was thinking that it's only a coincidence pero dumalas ang ganoong pangyayari.

"Umpisa na ng practice ng varsity?" ulit kong tanong kay Dmitri.

Dahan-dahan siyang tumango. Nandito kami ngayon sa library. Mag-isa ako kanina rito. Hindi tulad dati na natutulog, ngayon ay sinubukan kong mag-aral. Dmitri influenced me in this part and I'm happy about it.

Nagulat na lang ako na may biglang humila ng upuan sa tabi ko. Mamayang gabi pa kasi ang klase ko. Nagulat nga ako kasi alam ko na may klase rin siya ngayon. Ang sabi niya ay wala ang professor niya kaya nandito siya ngayon at sabay kaming nag-aaral.

"Oo..." mahina niyang sabi at tinitingnan ang reaksyon ko.

Nakagat ko ang labi ko. "Edi hindi na tayo makakapag-aral ng sabay?"

Binasa niya ang kanyang labi, "Pwede pa rin naman tayo mag-aral, Ely..." marahan niyang sabi.

My heart skipped a beat. Hindi pa rin ako nasasanay kahit pa ilang beses niya na akong tinatawag na ganon.

"May practice na kayo araw-araw," nalikito kong sabi.

Ngumiti siya sa akin at umiling, "Gagawan natin ng paraan..."

A few days passed and he texted me that if I'm available every Sunday. Balak kasi niya na sa ganong araw kami magkita dahil parang imposible nga na magkaroon siya ng oras kapag weekdays.

Dmitri:

I'll see you next week.

Pwede naman ako sa ganong araw dahil wala naman akong pasok. Wala rin naman akong commitments sa tuwing Sunday.

Itatago ko na sana ang phone ko nang biglang magpop-up ang group chat namin nina Rein.

Rein:

Japanese Resto tayo maya?

Rein:

Pwede ka mamaya, Eleanor?

Ilang ulit kong binasa iyon. Pwede ako pero late ang labas ko hindi gaya sa kanila. Mabilis na dumaan sa isipan ko ang hindi kaaya-ayang narinig noon. Baka bumabawi dahil doon? Balak ko naman silang yayain din sa linggo na ito pero ngayon lang ata ang araw na pwede sila?

Ako:

Late na ang tapos ng huli kong klase. Anong oras ba?

Rein:

Okay! Ano oras last class mo? Ganong oras na lang tayo magkita-kita.

Nagulat ako sa nabasang chat niya. What? For real? Lumundag ang puso ko sa tuwa kaya naman dali dali ko nang tinipa ang reply ko sa chat niyang iyon.

Nakakabigla kasi alam kong bihira lang mangyari iyon. Ayaw kasi ata nilang ginagabi kaya nakakagulat na mabasa kong ayos lang na ganong oras kami magkita kita.

Kumpleto kaya kami mamaya? Kapag sila naman ang nagyayaya ay siguradong kumpleto. Na-excite tuloy ako lalo. Ang tagal ko na rin talagang hindi sila nakakasama ng kumpleto. Kapag kasi ako ang nagyayaya ay minsan hindi sila pwedeng lahat kaya wala rin.

Kaya naman pagtapos na pagtapos mismo ng klase ko ay agad na akong lumabas ng classroom. Napatigil na lang ako nang may biglang tumawag sa akin.

"Eleanor!"

Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakita ko si Rich na nakangiti sa akin. Si Pery naman ay walang ekspresyon ang mukha at parang naiinip pa. May mga kaibigan din silang naghihintay at nakatingin sa akin.

Still into you (Professor Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon