Kabanata XXXIX
Whys
Sinubukan kong lumayo kay Dmitri sa buong oras na nasa reception area kami. Mas lalo akong naguluhan. Mas lalo akong nalito. Hindi ko alam kung tama ba na mag-assume ako na ako ang tinutukoy niya. Kung tama bang umasa na naman ako sa pangalawang pagkakataon.
Tinaas ko ang kamay ko para harangin ang sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Ibinaba ko lang nang makasilong na kami sa ilalim ng malaking puno para hintayin si Quen at Rich.
Tahimik at walang masyadong estudyante. Inayos ko ang barrettes ko sa buhok at humalukipkip.
"Ang tagal..." reklamo ni Pery sa tabi ko.
Napangisi ako, "Sila ata ang may birthday," I chuckled.
Birthday kasi ni Pery at niyaya niya kaming lumabas. Magro-road trip kami gaya ng gusto niyang gawin. Tatanggi nga sana ako pero nasaktuhang maluwag ang schedule ko ngayong araw ng birthday niya kaya sumang-ayon na lang na ako.
Ang iilang mga estudyante na napapadaan ay tumitingin sa amin. Pery rolled her eyes when we saw Rich running to us.
"Kanina pa kami tinitingnan dito. Alam niyo namang bawal ma-expose si Eleanor. Nasaan na si Quen?" reklamo nito nang makalapit si Rich.
Natawa ako nang makita ang napakamot sa ulo na si Rich. I don't know what's the score between them pero hindi ko na kailangan itanong iyon dahil mukhang nagkakamabutihan naman ang dalawa.
"Susunod na lang daw siya, may dadaanan lang saglit," Rich said.
Naglakad na ako at sumunod sila. I can still hear Pery complaining to Rich.
"Pa-importante talaga 'yang si Quen. Kaya na-f-friendzone ni Eleanor, e." Pery said.
Napanguso ako at napailing habang naririnig ang mga reklamo niya mula sa likod ko. I heard their footsteps trying to keep up with my pace.
"Sorry na..." suyo ni Rich ngunit may ngiti sa labi. "H'wag ka na magalit. Birthday mo naman, pagbigyan mo na si Quen kahit ngayon lang,"
"Get a room, please..." side comment ko at umirap sa kanilang dalawa.
Natawa si Rich sa sinabi ko pero si Pery ay nanatiling iritado sa kanya.
"Nakakainis ang tawa mo," ani Pery na nakapagpatawa sa akin.
Iyan ang hindi nagbago sa kanya. She's still scary when she gets angry and when she's pissed. Mukhang maldita pa kahit naman walang ginagawa. Sa unang tingin mo mukhang mabait pero habang tumatagal nagiging mukhang mangangain na ng tao.
But after being with them for a long while, I had the chance to get to know them better.
Sabay sabay kaming napatigil at napalingon nang may tumawag sa akin. Sa gilid malapit sa lalakaran namin naroon si Rein at kumakaway sa akin. Lumibot ang paningin ko sa mga kasama niyang nakaupo sa bench at lamesa bago ngumiti at kumaway pabalik.
I stopped when I'm already in front of them. Gano'n din ang ginawa nina Rich at Pery na biglang tumahimik sa tabi ko.
Kumpleto sila. Agad na tumayo at lumapit sa akin si Keiffer para akbayan at guluhin ang buhok kong ayos na ayos. Naramdaman ko ang paggulo rin ng barrettes ko kaya agad kong natampal ang kamay niya.
Benedict is leaning on the table while Rein is sitting on it. Si Neil naman ay nakasandal din sa lamesa at sa tabi niya ay si Yvonne na nakaupo sa upuan. Habang ang nasa harap ko naman ay si Neri na nakatagilid dahil nasa harap niya si Deither na nakaupo at kausap niya pero natigil lang nang makita kami.
BINABASA MO ANG
Still into you (Professor Series #2)
RomanceEleanor Ria Fortes is every man's dream. She has everything that a guy could ask for---the beauty, the brain, the personality and good manners. Maswerte rin ito sa buhay lalo na't mayaman at may mga kaibigan na maaasahan. Pero kung iisipin, Eleanor...