Kabanata V
Ballpen
Mas marami ang kwentuhan kaysa sa mismong pakay namin kaya kami nagkita-kita. Hindi rin naman ako na-out of place kahit higher years na sila. Lalo na't puro biro ang sinasabi at hindi nila hinahayaan na hindi ako masali sa pinag-uusapan nila.
"Anong meron kaya sa araw na 'to at manlilibre si Dmitri?" Rina laughed.
"Ask him, Rina..." sabi ni Damon at nilingon kami.
Gusto ko sana silang tawagin na ate at kuya ang kaso nga lang ay inunahan na nila ako. Ang sabi nila ay huwag ko na raw lagyan nang ganon kapag tatawagin sila dahil medyo nakakatanda raw.
Papunta kami ngayon sa cafeteria. Akala ko nga pagtapos naming mag-usap ay uuwi na kami at maghihiwa-hiwalay pero nagyaya si Dmitri ililibre raw niya kami ng merienda.
Dmitri laughed and looked at us. Rina giggled beside me.
"Bakit ka ba ulit manlilibre, Dmitri?"
"Gusto ko lang naman," nagkibit balikat siya.
"Talaga ba?"
"Oo, nililibre ko nga kayo minsan dahil gusto ko lang, e..." he laughed.
"Bakit parang may dahilan naman ata ngayon?" sabi ni Damon at tumawa.
Ngumisi si Dmitri at umiling. "Akala niyo lang..." tawa niya at mabilis na sumulyap sa amin.
Rina chuckled beside me. She murmured something I didn't understand. Nang makita niya na nakatingin ako sa kanya ay ngumisi siya.
"May gusto akong itanong..."
"What is it?" I asked.
"Do you have a crush? O anyone? Syempre celebrities or models are not included." she said.
Nagulat ako sa tanong niya pero natawa rin sa huli.
"Uh... kapag gwapo o matalino.. medyo crush ko. Pero, syempre crush lang. Nothing serious." I laughed.
Bumilog ang bibig niya at mas lalong natuwa.
"Really? E how about him?" she said and looked in front of us.
Malapit na kami sa mga bilihan ng pagkain nang tumingin din ako sa harap. Sino ang tinutukoy niya? Is it Damon?
"Damon?" I asked confused.
She laughed. "No! Dmitri, of course! And he's way too old for you. Pangit na siya for you.. dito lang sa pwede pa. So what do you think?" she asked.
"What about Dmitri? Kung crush ko ba?" natatawa kong tanong.
Napatikom ang bibig ko nang lingunin kami ng dalawa. Medyo malapit kami sa kanila. Narinig ba nila?
"Ano na namang sinasabi mo kay Eleanor, Rina?" tanong ni Damon.
"None of your business!" she said before turning to me. "Hindi mo ba crush? Akala ko ba gusto mo matalino 'tsaka gwapo?" she whispered when she saw Damon and Dmitri's eyes on us.
Kinagat ko ang labi ko at napatingin sa likod ni Dmitri. He's not bad and I think he's smart, too. Binalik ko ang tingin ko sa kanya at umiling.
"Hindi ko naman crush.. 'Tsaka kaibigan siya ni Kuya Ethan... so.." I laughed.
"Ayaw mo sa kaibigan ng Kuya Ethan mo? Mabait naman si Dmitri, matalino, varsity player tapos gwapo pa... Ayaw mo talaga?"
Muli akong umiling at tumawa. Huminto kami nang huminto na sila dahil nasa tapat na kami ng mga pagkain.
![](https://img.wattpad.com/cover/223238790-288-k704278.jpg)
BINABASA MO ANG
Still into you (Professor Series #2)
RomanceEleanor Ria Fortes is every man's dream. She has everything that a guy could ask for---the beauty, the brain, the personality and good manners. Maswerte rin ito sa buhay lalo na't mayaman at may mga kaibigan na maaasahan. Pero kung iisipin, Eleanor...