Kabanata XXXVII
Run
Tahimik akong nakikinig sa tinuturo ni Dmitri. Gaya ng gusto niya ay pumasok ako sa klase. Sinabihan ko na rin si Miya na huwag magschedule sa ganitong araw dahil kailangan kong um-attend ng klase.
Nakita ko ang pagsulyap niya sa gawi ko. Agad akong nag-iwas ng tingin at umayos ng upo bago ibaba ang tingin sa lamesa at magkunwaring magsusulat.
Ngayon ko lang na-realize ang sinabi ko noong huli naming kita. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nagmukhang gusto ko pa rin siya sa sinabi ko. Na hindi pa rin ako nakakalimot sa kanya.
Ano kayang iniisip niya? Na sobrang assuming ko para kalimutan siya? Na dapat lang talaga kalimutan siya dahil meron na siyang Maricar ngayon? Hindi ba siya nakokonsenya? Hindi ba siya nagsisisi sa ginawa niya sa akin? Kasi mukhang hindi.
I quietly stood up. Maaga niya kaming dinismiss ngayon at hindi ko maintindihan kung bakit. Tumaas ang tingin ko papunta sa kanya at nagulat ako nang makitang nakatingin siya sa akin.
Kahit pa marami ang estudyanteng dumadaan sa harap niya ay hindi siya natitinag. Naalarma ako nang makitang maglalakad siya papalapit sa akin kaya naman agad agad kong kinuha ang bag ko at umalis doon gamit ang back door.
What the hell is that? Anong gagawin niya? Kakausapin niya na naman ako? For what?! Pumasok ako gaya ng sinabi niya kaya hindi ko maisip ano ang dahilan para lumapit siya sa akin!
Sa sumunod na mga klase ko ay napansin ko ang iilang sulyap niya ulit sa akin lalo na nang nagsasagot ako ng seatwork. I caught him a few times looking at my direction. Hindi siya umiiwas ng tingin kaya ako na lang ang gumagawa kapag nagkakatitigan kami.
Tumayo ako at kinuha na ang lahat ng gamit ko. When I'm all set, hindi ko sinasadyang mapatingin sa pwesto ni Dmitri. I saw him intently looking at me. Hindi siya gumalaw gaya nang ginawa niya noong nakaraan. At ang nakakagulat ay siya ang umiwas ng tingin sa aming dalawa!
Sarado ang back door. Hindi ko alam kung bakit. Kaya naman wala akong choice kundi sa pintuan sa harap lumabas. Huminga ako ng malalim bago sinukbit ang bag at naglakad na papunta roon.
Madadaanan ko siya. He's not looking because he's busy looking ta the papers in this table. Nakaupo siya at kalmadong hinahawi ang mga papel na naroon.
Kinakabahan ako habang papalapit sa table niya. I think he did not notice me because he didn't even glance in my direction. Kahit noong lumagpas na ako sa kanya.
Para akong nabunutan ng tinik. Nang malapit na ako sa pintuan ay agad akong napahinto nang marinig ko ang pagtawag niya sa akin. Agad akong umusog dahil may mga ka-block akong palabas na rin.
Kumabog ang puso ko. Nilingon ko siya. Nakatingin pa rin siya sa mga papel pero dahan dahang itinaas ang tingin sa akin. Hindi ako nagsalita.
I saw his eyes moving. Tinitingnan ang mga ka-block kong dumadaan sa gilid ko. Then he stood up and looked at me while his hands are busy playing with the edge of the papers.
"Pauwi ka na?" he said in a low tone.
Nabigla ako sa tanong niya. Hindi agad ako nakapagsalita. Parang nagbuhol buhol ang isip ko sa posibilidad na rason kung bakit niya ako tinatanong niyan. Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko. He's waiting for my answer.
"May klase pa ako," mahinahon kong sagot.
He slowly nodded. Nag-iwas ako ng tingin at tumalikod na dahil mukhang wala na siyang sasabihin pa. Umalis ako roon ng may pagtataka.
Hindi ko lubos maisip ang dahilan kung bakit niya ako tatanungin. Hindi ko maintindihan kung bakit. Dahil curious lang siya? O may iba pang dahilan?
BINABASA MO ANG
Still into you (Professor Series #2)
RomanceEleanor Ria Fortes is every man's dream. She has everything that a guy could ask for---the beauty, the brain, the personality and good manners. Maswerte rin ito sa buhay lalo na't mayaman at may mga kaibigan na maaasahan. Pero kung iisipin, Eleanor...