Wakas I
"Pwede ka na raw ma-discharge mamaya, anak," sabi ni Daddy at sinuklay ang buhok ko.
I smiled at him and nodded. Nag-aayos sila ni Mommy ng gamit ko at nagliligpit na rin dahil nga pwede na akong lumabas ng hospital mamayang hapon o mamayang gabi. Wala naman nang problema at okay na ang mga result.
Umalis si Daddy sa tabi ko at tinulungan si Mommy. Nang buksan nila ang bintana, napatitig ako roon.
The light coming from outside made my eyes squint a little bit. Pero nang humupa ay nakapag-adjust naman na.
It's been two days since the last time I talked to Dmitri. Hindi ko pa siya ulit nakikita at hindi pa siya ulit pumunta rito.
I clearly remember the silence between us that night I broke up with him. No one dared to talk. Ang paghikbi at pag-iyak lang ang tanging naririnig. He was hurting quietly that night, he was crying silently. Alam ko kahit madilim. Rinig ko kahit sa gitna ng pag-iyak ko. Hindi man niya sabihin, alam kong sobra ko talaga siyang nasaktan sa naging desisyon kong iyon.
Hinayaan ko siyang masaktan. Hinayaan niya akong umiyak. Ilang minuto ang lumipas at tumayo siya ng dahan dahan. In between my tears, I looked up to him and saw that he's not looking at me anymore. Tanging ang likod na ang nakaharap sa akin.
Narinig ko ang paghinga niya ng malalim at pagtingala bago ako lingunin. Sa huling pagkakataon.
Akala ko may sasabihin siya. Akala ko pipilitin niya akong bawiin ang sinabi ko. Akala ko tututol siya. Pero hindi. His eyes is full of pain. Kumikinang sa pagtama ng ilaw doon.
Hinintay ko. Hinintay ko ng ilang segundo. Pero walang dumating. Walang salitang lumabas sa bibig niya. He just turned his back on me and started to walk to the door. And then he left.
Iyak ako nang iyak ng gabing iyon hanggang sa makatulog ako. Kinabukasan, sobrang late ko na nagising at mugtong mugto ang mata ko. Kuya Ethan didn't ask, kahit sina Mommy at Daddy. Si Ate Ester na dumaan din saglit ay hindi ako tinanong kung bakit ganon ang itsura ko.
When I looked at the mirror, I saw my puffy and tired eyes. Agad akong kumurap nang magsimula na namang mamuo ang luha sa mata. Pero pagkalabas ko ng restroom, nagulat akong nandoon si Rein at naghihintay habang nakaupo.
May mga dinaanan sila kaya ako na lang ang nandito sa kwarto ko. It's fine. Hindi ko rin naman sila makakausap sa lagay kong ito.
Agad na napatayo si Rein nang marinig ang pagsara ng pintuan. She looked at my way and I noticed a basket on the table. Siguro ay dala niya. At parang nabasa niya ang sinabi ko at binanggit nga niya na dala dala niya iyon.
Tumango ako at dumiretso sa tapat ng upuan niya. Malaki ang kwarto ko, may tv, sofa maski center table, ref at cabinet. Sinigurado iyon nila Daddy para raw mas komportable ako. I don't mind a small room, though.
Hindi nagsalita si Rein pagkaupo ko sa tapat niya. Tinitigan ko siya at nakitang parang nag-iisip pa siya ng sasabihin.
The Rein I know actually don't mind what comes out of mouth. Straight to the point, medyo pranka. But the Rein sitting across me is hesitating, silent, and uncomfortable. I inhaled sharply.
"Napadaan ka rito?" I asked her trying to help her start the conversation. "Keiffer's in the other room, discharged na, baka 'di mo maabutan kung hindi mo hahabulin ngayon," aniko at sumulyap sa orasan doon.
Napatitig siya sa akin. Hindi ako sigurado kung gulat ba ang nakita ko at guilt. Pero agad siyang napaiwas ng tingin. Hindi mapakali. Lumipas ang ilang segundo, huminga siya ng malalim at tinitigan ako ng diretso sa mata.
BINABASA MO ANG
Still into you (Professor Series #2)
RomanceEleanor Ria Fortes is every man's dream. She has everything that a guy could ask for---the beauty, the brain, the personality and good manners. Maswerte rin ito sa buhay lalo na't mayaman at may mga kaibigan na maaasahan. Pero kung iisipin, Eleanor...