Kabanata III

502 13 1
                                    

Kabanata III

Quiz Bee

We survived that semester. Medyo mahirap at nahirapan kami pero mabuti na lang at nakayanan.

The reason why when our sem break started, bumawi talaga ako sa tulog at pahinga. Syempre hindi mawawala ang pagpupunta sa mall at paggagala. Dalawang linggo lang ang break namin kaya gusto kong sulitin na.

"Where are you going?" tanong ni Kuya Ethan nang maabutan niya akong nagsasapatos.

Sinintas ko iyon bago siya nilingon. I'm wearing a high waisted denim shorts and a loose polo shirt. Balak ko kasi sanang kitain ang mga kaibigan ko lalo na't nagyayaya sila na kumain kami ngayong hapon sa labas.

"I'm going out with my friends... Sinabi ko na 'yon kina Mommy at Daddy, pumayag naman na sila," sabi ko.

Alam ko kasing tatanungin niya na naman ako kung nagpaalam na ba ako kaya inunahan ko na siya.

Pinasadahan niya ako ng tingin bago magsalita. "Tutuloy ka pa rin kahit may bisita ka ngayon?" tanong niya.

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya pero hindi non napigilan ang pagdampot ko sa sling bag ko. I'm not expecting anyone here. Nag-usap na kami ng mga kaibigan ko na magkita-kita na lang sa kung saan kami kakain.

"Don't fool around, Kuya. I already told you, nagpaalam naman na ako at pinayagan," sabi ko at nilagpasan siya pero agad ding nilingon. "Gusto mo ihatid mo ako?" nakangisi kong sinabi.

Napangisi at natawa siya sinabi ko at agad na umiling. "Someone's waiting for you downstairs, I'm not kidding." aniya.

Sinimangutan ko siya. "Ang sabihin mo ayaw mo lang akong ihatid," kunwari nagtatampo kong sinabi at bumaba na talaga.

Didiretso na sana ako sa pintuan palabas ng bahay pero agad akong napatigil nang may tumawag sa akin. Nilingon ko iyon at nagulat ako nang makita si Winston na nakatayo roon at nakangiti sa akin.

He's wearing a striped shirt and maong shorts. Maayos ang buhok at nang lumapit ay agad kong naamoy ang pabango niya.

Pinasadahan niya ako ng tingin. "I wanted to surprise you today since we were both busy with school... Namiss kita," he said.

Narinig ko ang iilang yapak papunta sa amin. Kuya Ethan is giving me the I-told-you-so look before turning his eyes to Winston that is now looking at him, too.

"Aalis ako. May ipasasabay ka ba?" tanong ni Kuya Ethan.

Umiling ako kaya agad naman siyang tumango. Tumingin siya kay Winston na ngayon ay nakatingin din sa kanya.

"Aalis ba kayo o rito lang?" tanong niya kay Winston.

Sumulyap siya sa'kin bago muling tumingin kay Winston nang magsalita ito.

"Kung gustong lumabas ni Eleanor, ayos lang naman. Pero kung hindi ay ayos lang din..." sabi ni Winston at ngumiti sa akin.

Ngumuso ako. I can't bring him along with my friends. But I don't want to stay here, too. So what should I do, then?

"Dito lang ba kayo, Eleanor?" tanong ni Kuya Ethan sa akin.

Mommy and Daddy are not here. They're busy with our business while Ate Ester is busy with her work.

"Baka... umalis na lang kami, Kuya." I said without thinking.

Tumaas ang dalawang kilay ni Kuya Ethan at tumango.

"I'll see you later, then... I-text mo na lang ako kung may kailangan ka..." he said before leaving us.

"Uh.. sandali lang, ha. I'll just chat my friends," sabi ko at kinuha ang phone ko.

Still into you (Professor Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon