Kabanata XXV

312 10 1
                                    

Kabanata XXV

Sigurado

Keiffer:

Wala ka class mamaya, 'di ba? Sabay na tayo punta kina Benedict, gusto mo?

Napatitig ako sa mensahe sa akin ni Keiffer sa messenger. Hindi ko alam kung anong meron pero gusto raw magboodle fight nina Benedict sa bahay nila. He left a message im our group chat about that.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit lagi silang nagyayaya na umalis. Ilang beses na akong tumatanggi kay Keiffer dahil siya palagi ang nag p-private message sa akin sa mga ganitong bagay. Since intrams ended, linggo-linggo ata ang pagyayaya nila sa group chat namin.

Ako:

Sorry, I can't. Enjoy na lang kayo. :)

At linggo-linggo ko rin tinatanggihan si Keiffer. Siya lang kasi ang madalas magmessage sa akin.

Keiffer:

Hindi ka ulit makakapunta? Tagal ka na namin hindi nakakasama. Sayang naman.

Mapait akong napangiti bago ilapag ang phone at humiga sa kama.

Kahit pa siguro dumaan ang ilang linggo ay tatangihan ko pa rin sila. I'm being unfair declining when they are inviting me. But they can't blame me. Dahil alam kong kapag nandoon ako ay mararamdaman ko lang na naman ang ayaw kong maramdaman at alam kong magiging awkward lang ang atmosphere dahil sa amin ni Yvonne. I don't want to ruin the mood and spoil the day. Alam kong ayaw ako ni Yvonne na naroon kaya ako na lang na rin ang iiwas dahil pabor din naman iyon sa akin. Ayaw ko munang makasama sila dahil mabigat pa rin ang loob ko sa lahat ng naiisip ko.

Our school won in intramurals. Gaya noong sinabi noong varisity at ka-team ni Dmitri ay nanalo nga sila sa finals. I watched their games at sobrang humanga at bumilib ako kay Dmitri. He was also awarded as the MVP na hindi ko naman na ipinagtaka pa.

Nagp-practice pa rin naman silang varsity pero hindi na ganoon kadalas katulad noong mga nakaraang linggo. I get to see Dmitri in normal days. Kung dati nga ay dalawang beses ko lang siya makita at naging isang beses sa isang linggo, ngayon ay medyo dumalas na iyon.

I'm not complaining because I get to spend my free time with him. Nag-aalala lang ako dahil imbes na ipahinga niya iyon at umuwi na agad siya dahil may trabaho pa siya ay nag-aabala pa rin siyang gumawa ng oras para sa akin.

"Hindi ka lalabas ngayon? Himala at wala kayong lakad ng mga kaibigan mo?" ani Kuya Ethan nang makitang nakahilata lang ako sa aking kama.

Tamad ko siyang nilingon at hindi gumalaw sa aking pwesto. Usually kasi kapag ganitong araw ako nagyayaya sa kanila at late na talaga ako nakakauwi. Pero hindi na ulit iyon nangyari noong huli kong kita kay Yvonne. Hindi na ulit ako umulit. Ilang linggo na ang lumipas pero parang presko pa rin sa akin ang lahat hanggang sa intramurals na iyon.

"Hindi, Kuya..." I murmurred. "You need something?" pagod kong tanong.

Nakita ko ang paggalaw niya mula sa pintuan para lumapit sa akin at umupo sa study table ko hindi kalayuan sa aking kama.

"Just want to check you. You okay?" he said as he sat there.

I nodded my head and closed my eyes. "I'm okay..." I said almost a whisper.

Hindi ko alam pero medyo pagod ako these past few days. Siguro ay dahil iyon sa mga naiisip ko. Nakaka-drain din pala ng energy ang pamomroblema at pag-iisip?

"Hmm.. You cool with your friends? Hindi na sila pumupunta rito, ah..."

Agad akong napadilat sa sinabi niyang iyon at nagtama ang paningin namin. Hindi ko alam kung may alam ba siya sa nangyayari sa akin at sa mga kaibigan ko. I can't tell through his eyes if he has knowledge about it or he's just really curious. Napalunok ako at kinabahan ng kaunti.

Still into you (Professor Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon