Kabanata XXXII
Still Friends
Hindi ko na ulit nakita si Dmitri pagtapos ng nangyaring iyon. Because I wasn't able to attend his classes all the time. Hindi ko iyon sinasadya dahil sadyang sumasakto lang na ang schedule ko para sa iilang photoshoots ay nakaschedule ng ganoong araw.
Hindi lang naman ang subject niya ang hindi ko napapasukan kundi pati na rin ang iba. Ayos lang naman siguro iyon tutal sa ibang professors ko ay ayos lang iyon dahil pasado naman ako sa mga subjects ko kahit nakaka-miss ako ng iilang meetings.
I've asked Rein for handouts for the lessons I missed. Maybe I shouldn't have done it but she insisted. Sino ba naman ako para tumanggi pa sa pagmamagandang loob niya?
Mabuti na rin talaga at nabigyan ako ni Rein non dahil exam na ako ulit nakapasok sa subject ko kay Dmitri. Ang hirap magself study lalo na sa major pero wala akong choice kundi iyon ang gawin dahil na nga sa pagmomodel ko.
Isang mapangmatang titig ang binigay sa akin ni Dmitri nang dumapo sa akin ang tingin niya nang pumasok siya sa room. Lagi akong nasa unahan dahil mas maganda ang bigayan ng knowledge, pero ngayon ay hindi ko iyon gagawin sa subject niya.
Nasa dulo at sulok ako nakaupo kaya hindi ko maintindihan kung bakit tumigil sa aking ang tingin niya. Malayo sa akin si Rein dahil mas nauna itong pumasok.
Umiwas siya ng tingin at nilapag ang gamit sa lamesa. May hawak siyang mga papel. I assume that's our examination papers. Yumuko ako at tumitig sa ballpen kong nakalapag sa lamesa ko.
As much as I want to look at my professor when they are explaining the intructions.. I don't wanna do it. I don't want to look at the man who broke my trust and who broke me.
Natapos siyang mag-explain nang hindi ko siya tinitingnan. Akala ko mag-uumpisa na agad. Pero hindi ko alam pero parang ito atang mga ka-block ko ay walang balak na mag-exam kami.
"Sir.." tawag na naman noong isang babae.
Nilingon siya ni Dmitri kaya naman nagpatuloy siya.
Akala naming lahat tungkol iyon sa magiging exam namin. Agad na umikot ang mata ko nang marinig na tungkol iyon sa pagtuturo ni Dmitri.
"Magtatagal po ba kayo magturo rito?" ngiting ngiti niya pang tanong na akala mo hindi kami mag-e-exam.
Nagtaka si Dmitri at nag-alanganin pa dahil wala namang koneksyon ang tanong sa exam.
"Hindi.." iling niya.
"Aw, hanggang kailan lang po kayo rito?" malungkot na sabi noong babae.
Ngumiti si Dmitri, "Hindi ko pa alam. Magsasabi naman ako kung aalis na ako..." tango niya.
My eyebrows automatically moved from what I heard from him. Kunot na kunot ang noo ko panigurado. Nag-alab ang galit at inis ko sa kanya.
What a liar! How can he lie so easily? Nagsasabi kapag aalis? Wow! Sinong niloko niya? Iyang babae na 'yan? Itong mga walang kaalam alam na mga ka-block ko na minsan na siyang nang-iwan at wala manlang pasabi?! Bigla na lang siyang nawala! Tapos ngayon may lakas ng loob siyang sabihin 'yan sa klase niya kung nasaan ako?!
Sobrang daming mura na ang lumabas sa utak ko habang tinitingnan ko siyang nakangiti habang binibigay na ang exam papers at nagsasalita dahil 'yong babae ay hindi pa rin tumitigil dumaldal.
Gusto kong magdabog sa sobrang galit at sama ng loob. Pero ang tanging nagawa ko na lang ay huminga ng malalim at piliting kalmahin ang sarili bago kunin ang pinasang papel sa akin.
Sinubukan kong isara ang tainga sa lahat ng naririnig at kalimutan muna panandalian ang narinig kanina dahil kinakailangan kong makaalis na rito para makapaglabas ng sama ng loob paglabas na paglabas sa kwartong ito.
BINABASA MO ANG
Still into you (Professor Series #2)
RomanceEleanor Ria Fortes is every man's dream. She has everything that a guy could ask for---the beauty, the brain, the personality and good manners. Maswerte rin ito sa buhay lalo na't mayaman at may mga kaibigan na maaasahan. Pero kung iisipin, Eleanor...