Kabanata XXIX

264 11 3
                                    

Kabanata XXIX

Better

Dmitri:

Kakauwi ko lang. Tulog ka na ba?

Dmitri:

Goodnight, Ely.

Dmitri:

Good morning. Mamaya pa ang klase mo, 'di ba? Have your lunch before going to school.

Iyan ang text message na bumungad sa akin paggising ko. Naging madalang na ang pagkikita namin ni Dmitri dahil parehas na kaming busy lalo na siya.

He's got a lot of things to do since he's a graduating student. Parang si Kuya Ethan din na madalang ko na lang na talagang makita at makausap. Sa tingin ko ay nag-uumpisa na silang magseryosong magreview para sa board exam nila. Mahigit kumulang dalawang buwan na lang din kasi ay graduation na nila.

I typed a reply to his texts before taking a bath. Dahil nga hindi na kami nakakapagkita ng madalas ay palagi na lang kami nagti-text. Not that often but he updates me often where he's going. Kaya naman noong sinabi niyang hindi siya makakarating sa pinag-usapan namin lugar para sana magdinner ay nalungkot ako.

"Do you wanna join us? Pupunta kami sa mall malapit, may bibilhin," tanong ni Pery.

Hindi ko alam kung gusto niya ba talagang kasama ako sa lakad nilang dalawa dahil ganoon na naman ang itsura niya. Her usual poker face. Umiling ako.

"Sorry, may lakad ako," palusot ko kahit kakabasa ko lang sa text ni Dmitri na hindi siya makakapunta.

Nagkibit balikat si Pery, "Okay, next time na lang," she said and waved at me before going to where Rich is.

Kinalabit niya si Rich na abala na nakikipag-usap sa mga ka-block namin. Pery said something to him and that's when he excused himself to talk to Pery. Hindi nagtagal ay umalis na rin sila roon.

I sighed and walked to get out of the building. Uuwi na lang na ako. Excited pa naman ako dahil ilang linggo ko na ring hindi nakikita si Dmitri pero biglang naghalo na parang bula iyon dahil sa nabasa kong text mula sa kanya.

Isang tawag mula sa pamilyar na boses ang nakapagpaangat ng ulo ko. Nasa labas na mismo ako ng building namin at papunta na sa kung saan ang sasakyan ko naghihintay. Pero iba ang nakita ko roon.

"Eleanor..." marahang tawag ni Winston sa akin habang papalapit siya.

I haven't seen Winston since that day. Wala na akong natanggap na texts o tawag simula noon mula sa kanya. Ngayon na lang ulit. Ngayon ko na lang ulit siya nakita.

Napahinto ako sa paglalakad. Iilang estudyante ang napapatingin sa amin. Siguro marahil ay dahil kay Winston at sa sasakyan niyang nakaparada roon.

"Bakit ka nandito?" tanong ko nang makalapit siya sa akin.

Nakita ko ang pagbuntong hininga niya nang hanapin ng mata ko ang sasakyan namin.

"Dumaan ako sa bahay niyo. Akala ko naroon ka. Your mom told me to pick you up instead of your driver..." he said.

Bumalik ang tingin ko sa kanya at napailing. "I clearly told you to not come again in our house.." marahan ngunit may diin kong sinabi.

"I just wanted to talk to you, Eleanor. Please..." he said as he took a step closer.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Winston. Pinaliwanag ko na lahat sa'yo noong huli tayong nagkita-"

"Pero ako.. hindi pa ako pumapayag sa sinasabi mo. Gusto pa ring subukan, Eleanor. Please, let's talk..."

Still into you (Professor Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon