Kabanata IV

500 10 0
                                    

Kabanata IV

Tutor

"Kuya..." tawag ko kay Kuya Ethan at pumasok na sa kwarto niya.

He's on his study table busy with his laptop. Kanina ko pa siya hinihintay na makauwi. Sinubukan ko ring gawin ang assignment ko habang hinihintay siya para hindi mabagot pero nakatulog ako habang nagsasagot. Kaya ngayon ay halos kagigising ko lang.

"Hmm.. Bakit?" sabi niya bago tumigil at lingunin ako.

"Kauuwi mo lang?" I asked and sat on his bed.

It's already six in the evening. Hindi ko alam ang schedule niya kaya 'di ko rin alam kung kanina pa siya nakauwi lalo na't nakatulog ako habang hinihintay ang pagdating niya.

He returned to what he was doing before answering me.

"Yeah... kagigising mo lang?" he said while typing.

Sa aming dalawa, si Kuya Ethan talaga ang mas masipag. I squinted my eyes to see what he's typing. Nakita kong medyo mahaba na iyon pero hindi ko mabasa dahil medyo malayo siya sa akin.

"Yup! Hinihintay kita kaso nakatulog ako," sabi ko.

Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto niya kunwari. Hindi ko alam kung bakit malakas ang kabog ng puso ko. Itatanong ko lang naman ang tungkol sa sinabi ni Dmitri kanina pero bakit gan'to ako?

Mas lalong kumabog ang puso ko nang maalala ang sinabi niya.

He was asking me if I want to join him. Hindi niya naman ako pinipilit na sumali but I feel so pressured. Lalo na't siya ang yumayaya sa akin.

'Tsaka akala ko pa kung ano ang pag-uusapan namin. Binigyan pa ng malisya ng dalawa kong kaibigan! Tungkol lang naman pala sa quiz bee 'yon.

"Why? Is there something you need?" tanong niya habang abala pa rin.

Maybe I should ask him if I should join that contest? Iniisip ko kasi na sabihin lang sa kanya ang tungkol doon at itanong.. but what's the point of it anyways? I should also ask him if I should really join his friend.

"'Di ba may quiz bee next month? Para sa engineering week..." panimula ko.

"Hmm..."

"Well.. your friend ask me earlier... kung gusto ko ba raw sumali?" nakanguso kong sinabi.

Hindi ko alam talaga kung sasali ba ako. Pakiramdam ko kasi ay magiging pabigat lang ako sa grupo kung sasali ako.

Hindi nagsalita si Kuya Ethan kaya naman dinugtungan ko ang sinabi.

"Should I join or refuse his offer? Feeling ko kasi wala rin akong magiging ambag doon, e.."

Nilingon niya ako at nagtaka ako nang makita na nakangisi siya.

"Why owuld you refuse his offer? Ako nga ang nagsabi na ikaw ang isama nila tapos tatanggihan mo?" he chuckled.

Nanlaki ang mata ko at nagulat sa narinig sa kanya. Siya ang nagsabi?

"Bakit ako? Hindi ka ba sasali roon? 'Tsaka hindi naman ako interesado sa quiz bee kaya bakit ako ang ipapasama mo sa grupo nila?" sunod-sunod kong tanong.

"Because you're my sister. Para hindi na rin na sila mahirapan maghanap ng kasama nila. Hindi ko rin naman kailangan ang quiz bee dahil baka ang team ko pa ang manalo at matalo sina Dmitri.." halakhak niya.

Natawa ako sa kayabangan niya. Hindi ko alam kung madidismaya ba ako sa narinig ko na si Kuya Ethan pala ng nagsabi kay Dmitri na isali ako.

Ibig sabihin hindi totoo ang sinabi ni Dmitri na naisip niyang isali ako? Was that a lie? Napanguso ako. Hindi ko alam kung bakit medyo nadismaya ako sa nalaman.

Still into you (Professor Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon