Kabanata II
Ingat
"Hindi ba't may sinasagutan ka? Tapos ka na ba?" tanong ni Kuya Ethan.
Halos makahinga ako ng maluwag nang marinig ang tanong niya. So he's not mad? At all? Baka sabihin pa niya na pinapalinis ko talaga ng kalat ko ang kaibigan niya!
Ngumuso ako at tumango. "Malapit na.. Isang number na lang pero patapos na rin.."
"Hindi mo na kailangan ng tulong?"
Umiling ako. "Hindi na, Kuya. Uh..." tumingin ako kay Dmitri. "Salamat ulit, pasensya na sa abala... Mauna na ako sa taas, Kuya.." pagpapaalam ko bago maglakad paalis doon.
Nahihiya pa akong ngumiti kay Dmitri dahil hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kanya. Should I also call him kuya? He's in the same age with Kuya Ethan...
Napatingin ako sa pintuan ng library nang bumukas 'yon. I'm done with solving. Nililigpit ko na lang ang gamit para umalis na roon.
Si Dmitri ang unang pumasok. He's talking to Kuya Ethan but when he saw me, he stopped and just smiled. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako pabalik o ano? We're not even close.
Pero agad ding nawala ang tingin ko nang makita si Kuya Ethan na papalapit sa akin habang si Dmitri naman ay papunta sa pwesto nila kanina.
"I think you're forgetting something..." Kuya squinted his eyes and raised his brow.
Nangunot ang noo ko. "Huh? Ano naman?" taka kong tanong.
Kinuha ko ang gamit ko at tumayo na para umalis doon.
"Your vlog?" he said. "Ano, naggagala ka lang talaga, 'no?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Iyon lang naman pala. Bakit hindi niya na lang na sinabi agad?
"Meron ako, Kuya Ethan. My phone's in my room. I'll send it in your messenger." I said and stuck out my tongue.
He make face as if he's not believing what I just said. I tried to mock him and laughed. Pero agad ding napatigil nang marinig ang pag-echoe ng tawa sa library.
I looked at their table and saw that they are looking at us. Bigla akong nahiya habang si Kuya Ethan ay natawa.
Sinimangutan ko siya. "Diyan ka na nga, Kuya. Ang pangit mo talaga," irap ko at umalis na roon.
Abala ako sa mga sumunod na linggo. Sunod-sunod na ang gawain lalo na't malapit nang matapos ang school year na 'to.
Ganun din ang nangyari kay Kuya Ethan. He was so busy before their semester end. Kaya naman nang magsummer ay sinulit na talaga namin ang bakasyon. Though, Ate Ester is still busy with her work.
She still have some cases even in our summer vacation. Kaya naman hindi namin siya maisama kapag umaalis kami. When we left the country for vacation, Ate Ester only had to be with us for a week. Bumalik din siya agad ng Pinas dahil sa trabaho.
"Hindi ba talaga pwedeng i-extend ang bakasyon mo rito, Ester? Sayang naman at hindi ka na naman makakatagal dito.." sabi ni Mommy nang paalis na si Ate.
Ate Ester got her features from Mommy. She's curvy, has a fair skin and a brown hair. Kuya Ethan got most of his features from Daddy while I got their combination.
I got a cat like eyes like Mommy while my skin color is from Daddy--morena. Ako lang ang naiiba dahil talagang halo ang mukha ko ng magulang namin. I have a long black hair, pinkish lips and tall, too.
"My.. I can't. Alam mo naman, 'di ba, busy ako... Babawi na lang ako sa susunod." sabi ni Ate Ester at tumingin din kay Daddy na nakikinig at nakaabang.
BINABASA MO ANG
Still into you (Professor Series #2)
RomanceEleanor Ria Fortes is every man's dream. She has everything that a guy could ask for---the beauty, the brain, the personality and good manners. Maswerte rin ito sa buhay lalo na't mayaman at may mga kaibigan na maaasahan. Pero kung iisipin, Eleanor...