Kabanata IX

383 10 1
                                    

Kabanata IX

Whipped

Paglabas ko sa kwartong iyon ay sinalubong agad ako ng mga kaibigan ko. They were asking how it went and what happened. Hindi raw nila naabutan dahil may biglang teacher kami na may pinagawa sa mga hindi sumali sa kahit ano sa sa engineering week na ito.

"Pero si Deither nandito na 'yon kanina, e.. 'Di ko lang alam saan nagsuot na naman at wala rito." sabi ni Benedict.

Hindi ko magawang kausapin sila dahil ang isip ko ay nasa nangyari pa rin kanina.

Sinulyapan ko ang loob kung saan naroon pa rin sina Dmitri. They were talking to some college students. May iilang babae rin ang lumalapit at bumabati sa kanya.

Nagulat ako nang makita ko ang paggalaw ng mata niya papunta rito. Agad akong napaiwas ng tingin.

I eased up when I went out but what I felt earlier is still here. Hindi ko alam kung bakit gan'to pa rin kahit tapos naman na ang quiz bee... gumaan naman na ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ni Dmitri pero parang pinalitan ng kung ano...

Rina told me that she wants us to celebrate. Hindi naman na ako tumanggi at sinabi na lang na sabihan ako kung kailan.

Kung matutuloy nga iyon... makakasama ko na naman sila... si Dmitri...

Pinilig ko ang ulo ko at tiningnan ang mga kaibigan ko na kausap at nakikipagtawanan kay Deither.

Narito kami ngayon sa isang room at hinihintay na mag-umpisa ang laban ni Deither para sa rubik's cube.

"Bakit parang sobrang dami naman ng kalaban mo, Deither?" sabi ni Yvonne.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong room. First batch si Deither at medyo marami nga ang kalaban niya dahil may dalawa pang batch na kasunod namin.

Kung mananalo si Deither sa laro niyang ito ay maghihintay pa kami hanggang sa huling batch para maglaban sila.

"Wala ka bang bilib kay Deither? He can win over these people." sabi ni, Benedict at inakbayan si Deither.

"Bigyan mo kami ng babae, ha," hirit ni Keiffer.

Agad siyang binatukan ni Yvonne at pumamaywang.

"Mukha ka talagang babae kahit kailan! Huwag mo nga igaya sa'yo si Deither,"

"Bakit? Nambabae rin naman 'yan, ah? 'Tsaka wala namang girlfriend 'yan, ano namang masama?" tawa nito.

Napailing na lang ako at natawa. He has a point but that doesn't mean na dahil wala silang girlfriend kailangan pagsabay-sabyain niya na ang mga babae.

"Celebrate tayo after nito, ah.. Libre na raw ni Deither at Eleanor.." sabi ni Benedict at ngumisi.

"Alright... Sure win naman na rito si Deither, e. 'Di ba?" sabi ko at siniko si Deither at ngumisi.

Unti-unti siyang ngumisi. "Sige bibilisan ko na lang ito baka mainip pa si Rein, e. Baka kainin ako," sabi ni Deither at tumawa.

Tiningnan ko si Rein na sinamaan ng tingin si Deither.

"Talagang ikaw ang kakainin ko kapag tumagal ka pa riyan!" singhal niya.

"Baka ibang kainan na ang maganap diyan, ha?" hirit ni Keiffer.

Agad kaming humagalpak sa tawa dahil doon. Malakas siyang sinuntok ni Deither sa balikat at pinaghahampas naman siya ni Rein.

"Gago ka talaga porke gawain mo 'no?" si Deither na tumatawa rin.

"You dumbshit! Puro kabastusan lang talaga alam ng bunganga mo kaya utak mo inaamag, e!" gigil na gigil na sabi ni Rein at binugbog na si Keiffer.

"Ano ano na bang nakain mo, Kei?" tanong ko at humagalpak ng tawa.

Still into you (Professor Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon