Kabanata XXXI

322 9 4
                                    

Kabanata XXXI

Different

When Mommy asked me again if I'm willing to do modelling, I said yes even if I'm not into it. Gusto ko lang may gawin. Ayaw ko lang matengga sa bahay kapag walang ginagawa. Gusto ko lang maging busy. Gusto ko lang maging okupado ang isip ko.

Doon ko rin pormal nang nakilala si Ram, 'yong nakita ko sa bar. He was my make up artist and hair stylist. Sobrang coincidence na 'yong naghahandle sa akin ay siya ang kinuhang make up artist. Ram became my friend since then. He actually became my bestfriend.

Siya 'yong naging takbuhan ko sa lahat. Kapag nalulungkot ako, kapag bigla bigla na lang ako nagb-break down. He was there trying to cheer me up. Nasaksihan niya lahat. Kung pano ako umiyak dahil sa mga iniisip. Kung paano ako panghinaan ng loob. Lahat ng insecurities at doubt ko sa sarili ko, alam niya. Kasi sa unang pagkakataon, may natakbuhan akong ibang tao bukod sa sarili ko.

Naging mahirap sa akin harap ang bawat araw. Ginagapang ko kahit sobrang hirap ako. Minsan ko na ngang hiniling na kunin lahat ng alaala sa isip ko nang matigil na 'yong sakit at pangungulila.

Hindi madali. Hindi ako nakausad agad. Akala ko madaling pagsabayin ang modelling at pag-aaral. Akala ko makakatulong 'yon para mabawasan 'yong sakit. Noong una, walang silbi. Walang kwenta iyon. Dahil palagi ko pa rin siyang naiisip, sila. Pero paunti-unti... nakapag-adjust ako. Nasanay ako. Naenjoy ko kahit papano.

It lessen the pain. The loneliness. And my attention to everything that makes me crazy.

Ram met Winston when he suddenly stopped by in one of my photoshoots. Iniiwasan ko noon si Winston pero sadyang mapilit siya. Wala akong nagawa kasi pagod na rin akong sabihan siya. Kaya hinayaan ko na lang na ulit siya. Dahil gusto ko man siyang pagsabihan hindi ko na kaya dahil pagod na ako sa lahat.

Kuya Ethan passed the board exam. He got a job immediately after passing the boards. Everyone around me became really busy including myself.

Wala na akong masyadong naging balita sa mga kaibigan ko. Simula noong lagi kong dine-decline ang mga yaya nila, dumalang na iyon nang dumalang. Hanggang sa occasionally na lang silang nagyaya. I deactivated my facebook when I entered modelling kaya wala rin akong alam sa social media life nila. And I won't bother anymore.

It's fine with me because it helped me to somehow ease the pain and move forward even if my path's unclear.

Alam nilang naglalakad ako sa runways at talagang naging busy simula noong pinasok ang industriyang ito kaya may valid excuse rin ako para tanggihan sila.

Noong una ang hirap tanggapin lahat ng nangyayari pati 'yong nangyayari sa pagkakaibigan namon pero habang lumilipas ang panahon... nasanay na lang ako.

Days became weeks. Weeks became months. And months became years.

It's almost two years since it happened. Maikling panahon pero napakahaba na para sa akin sa sobrang daming naganap at nagbago. And here I thought... I would never be able to see his face again. Hiniling ko, oo. Pero ngayon.. parang ayaw ko na ulit. Kasi sa pagbalik niya, parang lahat ng nangyari bumalik ulit. Lahat ng nangyari naging sariwa na naman sa alaala ko.

Tulala ako sa taong nasa harap ngayon. Hindi ko alam kung anong pakulo niya at kailangan pa namin magpakilala isa-isa. As if he'd remember all of their names.

Nasa gitnang upuan kami nakaupo ni Rein. Hindi siya tumitigil kakasalita tungkol kay Dmitri na ngayon ay nasa sulok sa harap at nakatingin sa nagpapakilala roon. Malapit na kami. Dalawang tao na lang at si Rein na tapos ako.

Hindi ko mapigilang tingnan si Dmitri ngayon. Napalunok ako. Ang daming nagbago sa kanya. Mula sa pananamit, sa buhok, hubog ng katawan, itsura at tangkad nito. Mas naging pino na rin ang galaw at mas lumalim ang boses.

Still into you (Professor Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon