Simula
Everyone has the right to leave. But leaving someone without any explanation will never be right.
I know that staying is a choice. Staying will always be harder than leaving because you have to endure everything. You have to survive while being sane. You have to be strong even if you're already broken. You have to be alive even if you feel like you're slowly dying.
But how can you leave someone without any warning? Without any word? Without any explanation?
"Aray!" daing ko nang kinurot ni Ram ang pisngi ko.
Sinamaan ko siya ng tingin nang tinawanan lang ako nito bago muling magpatuloy sa pagmi-make up sa akin.
"Sinusubukan ko lang. Baka kasi pwedeng natural na pula na lang ng pisngi mo para hindi na natin lagyan ng blush on," tawa niya at muling kinurot ang kabilang pisngi ko.
Hinampas ko ang kamay. Mas lalong lumakas ang maliit na tawa niya.
"Lagyan mo na lang ng blush on. Isang oras na lang bago ang event pero hindi pa ako tapos ayusan.." simangot ko sa kanya.
"Sinusubukan ko lang naman. Kahit hindi ka naman na kasi lagyan ng make up maganda ka pa rin. Kahit kagigising lang pwede na rumampa dahil sa natural beauty.." tawa nito.
Pumikit ako at hinayaan siyang lagyan ng kolorete ang aking mukha.
"Stop it, ayan ka na naman sa ganyan mo. Hindi ko nga mapantayan ang ibang models diyan, how could you say that I'm beautiful without any make up on? Paano pa sila?" bulong ko at dumilat para tingnan ang ibang mga modelo.
Everyone in this room is busy preparing for the event. Ang iba'y papatapos na habang ang iba naman ay nagbibihis at nag-aayos pa tulad ko.
May gaganaping event ngayong hapon. Si Ram ang nag-aayos sa'kin kadalasan sa mga ganito. He's my bestfriend and make up artist as well.
Ang hassle ng schedule ngayon dahil unang araw din ng klase ko ngayon. Buti na lang talaga at mamaya pang gabi ang class ko at dalawang subject lang 'yon.
"You're the most beautiful girl in this room! What are you talking about?" nagugulat na sabi ni Ram.
Ngumuso ako at sinimangutan siya. I know he's just bluffing. Hindi mapagkakaila na magaganda ang iba pang modelo na kasama ko rito kaya alam kong binobola niya lang ako.
Umiling ako at pumikit na lang para matapos na siya sa ginagawa sa aking mukha.
Sa tinagal-tagal ko sa industriyang ito, marami na akong nakita, nakasalamuha at nakasabayan na ibang modelo na masasabing maganda talaga.
I don't have that beauty though. 'Yong sobrang ganda talaga. I know a lot of people tell me that I am beautiful but I feel like I'm not. I am never that confident when it comes to my physical features. Kung ikukumpara kasi sa akin ang iba ay walang wala talaga ako.
Agad na akong tumayo at naghanda nang sinabihan na kaming magsisimula na ang event.
Bago ako tuluyang lumabas sa backstage at lumakad sa maraming tao ay nilibot ko muna ang paningin ko.
Tulad ng nakaraang event ay marami rin ang tao ngayon. I was never exposed in this kind of crowd before. Hindi sanay na ang mga mata ng mga taong narito ay nasa sa'kin. Pero habang tumatagal ay nasasanay at nasanay na rin naman.
I moved my feet forward to walk. Ang kislap ng camera na lamang ang nakikita ko at wala ng iba habang lumalakad.
Kung dati ay kabadong-kabado ako bago rumampa at kung ano-ano pa ang iniisip na baka matapilok o maaksidente. Pero ngayon ay normal na ang tibok ng puso ko kahit pa nasa gitna ako ng maraming tao at pinagtitinginan.
BINABASA MO ANG
Still into you (Professor Series #2)
RomanceEleanor Ria Fortes is every man's dream. She has everything that a guy could ask for---the beauty, the brain, the personality and good manners. Maswerte rin ito sa buhay lalo na't mayaman at may mga kaibigan na maaasahan. Pero kung iisipin, Eleanor...