Kabanata XVIII

321 11 0
                                    

Kabanata XVIII

Closer

"Ayos lang ba talaga sa'yo ito? I mean you don't have important things to do at this time or this day? Baka may kung anong nasasagasaan na gagawin mo dahil lang sa pagtuturo mo sa'kin..." aniko habang nililigpit ang gamit ko.

A miracle happened. Natapos ko ang problem set ko. Ang kaso nga lang ay ala sais pasado na ngayon. Bawat problem kasi ay pinapaliwanag talaga sa akin ni Dmitri. Pero noong tumagal na ay nakaya ko nang sagutan iyon mag-isa na walang tulong niya.

Tapos na siyang magligpit ng gamit niya. Pinagmamasdan na lang na ako sa ginagawa. Pagtapos ko nito ay aalis na rin naman kami at uuwi na.

"Wala naman akong ginagawa sa ganitong oras kaya ayos lang talaga, Eleanor," aniya.

Kinuha ko ang libro ko at notebook at pinasok iyon sa bag. Ang ballpen ay mabilis ko ring pinasok bago ko i-zip ang bag ko.

Tumayo na ako at kinuha ang bag. Ganon din ang ginawa niya.

"Nakakahiya naman kasi baka may naiistorbo pala akong gagawin mo,"

I heard him chuckled kaya naman nilingon ko siya.

"Ayos nga lang, Eleanor..." natatawa niyang sabi.

Nakagat ko ang labi ko at natawa. Baka nakukulitan na siya sa akin dahil sa paulit-ulit na lang ako palagi. Pero gusto ko lang naman talaga makasigurado! Magu-guilty ako kapag nalaman kong medyo nakakaistorbo pala ako sa kanya, hindi niya lang sinasabi sa akin.

Tumango ako at nginisian siya bago magsimula nang lumakad. Nang malapit na kami sa pintuan ay nagulat ako nang unahan niya ako sa paglalakad at siya ang nagbukas non.

"After you..." aniya at nilahad ang daan.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa ginawa niya at pagmasdan siya.

Hindi ko talaga mapigilang hindi pansinin ang mga maliliit na bagay na ginagawa niya. At hindi ko rin alam kung bakit napapansin ko ang mga iyon!

Pinagmasdan ko siyang lumabas at marahang isara ang pintuan. Nilingon niya ako at ngumiti sa akin.

Pinilig ko ang ulo ko, pinipilit na alisin sa isip ang nangyaring pagkikita naming iyon ni Dmitri noong nakaraang linggo. Nandito ako ngayon sa bookstore at naghahanap ng mga gamit na kailangan ko para sa ibang subjects.

I texted my friends if I could meet them so we could have coffee. Hindi ko pa nga lang nache-check pa ang phone ko dahil abala ako magtingin ng mga gamit doon.

Hindi naman marami ang pinamili ko kaya hindi rin ako mahihirapan sa pagdala non.

Nang matapos na ako sa pamimili ay lumabas na ako ng bookstore at tiningnan ang phone ko para sa reply ng mga kaibigan. Pero nakita kong si Benedict lang ang naka-seen non.

Benedict:

Can't make it. I have class. Next time na lang, Eleanor.

Bumuntong hininga ako. Ganito ba kahirap na makita ng kumpleto ang barkada kaoag college na? That's what they say....

Ako:

Okay! Next time na lang!

Tinago ko na ang phone ko at bumaba na papunta sa Starbucks. I ordered a coffee and a cake before sitting in one of the vacant tables there.

Wala naman sa plano ko na kumain pero siguro dahil sa pag-iikot ko sa bookstore kanina ay nagutom ako. Malapit na ring magdilim kaya siguro ganoon din at nakaramdam ako ng gutom.

I'll just eat later at home. Pampatawid gutom lang naman itong in-order ko.

Hindi ko na rin tinagalan ang pagkain ko roon pagdating ng pagkain ko at kape. Inubos ko ang kape bago magdesisyon na kunin na ang gamit at umalis na roon para pumunta sa parking lot kung nasaan ang sasakyan namin at naghihintay roon ang driver.

Still into you (Professor Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon