Wakas II

573 18 1
                                    

Wakas II

"Huh? Bakit naman ganon, Papa? Nagsasawa na po ako makita palagi si Teacher kaya ayaw ko na po pumasok. Bakit si Mama miss mo na po agad, bumili lang ng almusal saglit?"

"Iba iba naman ang pagmamahal, anak. Kahit titigan ko ang Mama mo magdamag, namimiss ko pa rin siya," ani Papa.

Taka kong tiningnan si Papa sa sinabi niya dahil hindi maintindihan ang sinabi niya at parang sobrang labo. Natawa si Papa nang makita ang lito kong reaksyon.

"Makakahanap ka rin ng taong titingnan mo araw araw at hindi mo pagsasawaan, anak. Balang araw maiintindihan mo rin ang Papa mo," halakhak ni Papa at ginulo ang buhok ko.

Noong bata ako at sinabi iyan ni Papa, hindi ko talaga siya maintindihan. Nakikita niya si Mama araw araw pero na-mi-miss niya pa rin? May ganon ba?

Hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon para makipag-usap kay Papa sa iba pang bagay nang lumaki ako dahil binawi agad ang buhay. Hindi ko manlang nai-kwento sa kanya na naiintindihan ko na ang ibig niyang sabihin.

"Pakain kayo mamaya, ah! Alam naman naming kayo na mananalo, e." halakhak ng isa naming ka-block.

Napailing na lang ako at natawa habang ang dalawang kasama ko ay sinakyan ang kantyaw sa amin.

"Syempre naman kasama namin si Kuya Dmitri at Kuya Renzel, e. May iba pa bang makakapalag sa amin?" sabi ni Willy na high school pa lang.

Isa sa mga criteria ng school ay may isang high school na kasama. Hindi ko maintindihan kung bakit, siguro para sa mga basic na tanong na ilalapag nila.

"'Wag kayong mag-alala, bubusugin namin kayo sa ipapanalo namin nina Dmitri,"

Nagsitawanan sila at hindi ko na lang sila pinansin. May quiz bee ang school namin dahil engineering week. Iba iba ang mga makakalaban namin, balita ko marami ang sumali galing sa ibang school, maski na rin ang ibang department dito sa amin.

Magagaling ang mga kalaban namin. Napailing ako nang makita ang mga tanong na lumalabas. May iilan na hindi pa namin napag-aaralan kaya hindi masagutan. Tiningnan ko ang tally ng scores na naroon, lamang pa rin kami.

"'Wag mo naman kasi masyado galingan, taas na ng score natin," tawa ni Willy nang matapos ang easy at average round.

Nang mapunta kami sa last round ay medyo tumagilid ang laban. Lalo na nang hindi ko nakuha ang tamang sagot sa huling tanong na nasagot ng isang team. Malaki ang puntos ng round na ito kaya nang makuha nila at hindi namin nakuha, kahit pa lamang kami kanina, mas nataasan nila ang score namin ng isang puntos lang.

Narinig ko ang pag-apila ng dalawa kong kasama kaya agad ko silang sinaway.

"Grabe naman, pano nila nalaman 'yong sagot don, e, last topic pa ninyo 'yan?" nagtatakang sabi ni Renzel. "Hindi ko na nga 'yan maalala."

"'Yong babaeng naka-barrette ata ang nagbibigay ng sagot sa kanila kanina pa, e. Taga-sulat lang ang lalaki na kasama."

"Sigurado ka ba riyan? May isa pang babae baka hindi mo nakikita?"

"Sigurado ako, kanina ko pa nakikita," pagtatalo nila. "Pero mukhang ka-edad ko lang ata 'yon?"

Kaya naman nang tawagin ang mga panalo at tumayo sila, agad na bumagsak ang paningin ko sa babaeng may suot na barette.

"Baka kaya naman nagpatalo si Dmitri kasi maganda 'tong kalaban natin?" kantyaw nila at nagtawanan.

She's walking gracefully with a confident smile on her face. Mukhang masaya silang nanalo sila sa quiz bee na ito. Hindi ko na natanggal pa ang paningin ko sa kanya hanggang sa picture-an sila habang hawak hawak ang mga premyo.

Still into you (Professor Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon