Kabanata XXXIII

316 16 3
                                    

Kabanata XXXIII

Excuse

"Pack up na agad tayo kasi pupunta pa tayo sa isang venue for another photoshoot..."

"Paki-remove na lang ang make up ni Eleanor sa car, Ram,"

"Ramona nga! Gabi na!"

Abala lahat ng tao ngayon sa kwartong ito. Lahat ng gamit ko ay nililipat at kinukuha na agad para ilipat sa sasakyan. Sunod sunod kasi ang photoshoot ko and endorsement. Simula nang pumutok ang minodel kong isang sikat na brand ay nagsunod sunod na ang offer sa akin. Hindi lang basta basta ang nago-offer kundi bigating mga brands na ang mga ito.

I don't know why they liked that photo of me. Litaw na litaw ang kayumangging kulay ko roon. I thought people like white and pale skin kaya hindi ko naiintindihan kung bakit nila iyon nagustuhan.

Ang sabi naman nina Miya at Ram sa akin ay litaw na litaw daw ang ganda ko roon at dalang dala ko ang damit na minomodel kaya talaga nga namang pumatok. Pati nga raw iyong minodel kong damit ay bumenta ng sobra that the style of that clothes became a trend.

"Our new ambassador is here!" salubong sa amin.

Naging ambassador ako ng isang bigatin at sikat na brand. In that small amount of time, sobrang daming nagbago pati na rin ang schedule ko.

Hindi naman dapat ganoon kahectic at kadami ang nakalagay sa schedule ko sa foundation week namin. Pero mas nadagdagan iyon na ang iba ay pinagsisiksikan na lang para hindi makasira sa normal school schedule ko. I wasn't able to attend the foundation week because of that.

Pabor naman iyon sa akin kasi hindi naman na ako pumupunta ng mga ganyang event sa school. Because it reminds me of painful memories.

Akala namin hindi maapektuhan 'yong pasok ko sa school kapag ginawa iyon pero nang may mag-offer na naman sa akin na isang sikat na brand ay kinailangan kong umabsent ng ilang beses sa school. Kaya naman ang iilang activities ay pinapapasa ko na lang sa kakilala ko at nanghihingi na lang ako sa kanila ng handouts.

I thought everything was going well. Ang hindi ko alam, mayroon na palang hindi natutuwa sa pag-absent na ginagawa ko. Sino pa ba? Siya lang naman ang bukod tangi sa mga professors ko na reklamador!

"May tumatawag sa'yo..." sabi ni Leigh, personal assistant ko.

Simula noong dumami ang offers sa akin, naghire na agad kami ng PA. Hindi kasi kaya na sila lang ang mag-aasikaso sa akin lalo na at mas naging abala na kami kumpara noong mga nakaraang buwan.

Tiningnan ko ang nakalahad niyang palad kung saan naroon ang phone ko. I saw Rein's name on it. Simula noong nakita ko sila sa labas ng faculty ay hindi ko na ulit pa nakikita si Rein. She's sending the handouts through email kaya hindi na namin kailangan magkita pa.

Nagdalawang isip ako at napatitig doon kung sasagutin ko pa. Namatay iyon. Akala ko hindi na ulit magri-ring kaya naman aayos na ulit sana ako ng upo kaso muli iyong nagvibrate.

Huminga ako ng malalim. Taka akong tiningnan ni Leigh. Ngumiti ako sa kanya.

"Thank you..." aniko bago kinuha ang phone sa kanya at sinagot.

"Eleanor?" si Rein sa kabilang linya.

Medyo maingay ang background niya pero sapat naman na ang lakas ng boses niya para marinig ko siya.

"Bakit, Rein? Napatawag ka ata?" sagot ko dahil mukhang wala siyang balak dugtungan ang sinabi hangga't hindi ako nagsasalita.

Napatingin sa akin si Ram sa salamin at napataas ang kilay habang inaayos ang aking buhok kahit maayos na iyon. He knows everything including my issue with my friends. He knows them through pictures and their names.

Still into you (Professor Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon