Kabanata XXII

295 10 2
                                    

Kabanata XXII

Truth

Dmitri:

Mag-ingat ka.

Napangiti ako habang tinitingnan ang text niya sa akin. We have been texting each other for the past few days. Kapag mayroong oras ay nare-replyan ko siya. Ganon din siya sa akin. Dahil alam kong mas naging abala na talaga siya ngayon.

Papunta ako ngayon sa bahay nila Yvonne. Of course, my driver's with me. Ang sabi kasi ni Yvonne ay balak niyang ipakilala ulit sa akin ang manliligaw niya dahil nandoon din iyon ngayon kasama ang barkada.

Dapat nga ay mas maaga ako dahil balak ko sanang hindi na pasukan ang huli kong subject. Pero noong sinabi ko iyon kay Dmitri ay agad siyang tumawag sa akin para sabihing huwag ako magcut ng klase at pasukan iyon dahil makapaghihintay naman daw ang mga kaibigan ko.

Wala akong nagawa dahil sa gulat na bigla rin siyang tumawag! It was the first time he called me! At natatakot din akong kapag sinuway ko siya ay baka magalit sa akin. Kaya wala na akong nagawa kundi sundin na lang talaga siya.

Though I am not complaining about it. Kasi parang dahil sa kanya ay mas gusto kong mag-aral kahit minsan ay tinatamad talaga ako. Pero kapag naaalala ko siya at kung gaano siya kaabala para pagsabayin ang pag-aaral at pagta-trabaho ay parang nahihiya ako sa privilege na mayroon ako na wala siya.

Sinalubong ako ni Yvonne gate ng malaking bahay nila. She's all excited as she walked towards me.

Sinabihan ko ang driver ko na ite-text ko na lang siya kapag magpapasundo na ako para makauwi muna siya at makapagpahinga dahil baka medyo gabihin ako lalo na't nandito kami ngayon sa bahay ni Yvonne.

"Akala ko ay hindi ka na pupunta, e!" natutuwa niyang salubong sa akin.

Ngumisi ako, "Balak ko sana magskip ng class kanina kaso hindi pwede..." kibit balikat ko.

"Buti na lang at nagchat ka na pupunta ka kanina! We were planning pa naman na magpool ngayon kaya baka hindi namin mapansin iyon," she said and started walking

Nagulat ako sa sinabi niya. I thought we are just eating and having a movie? What happened?

"Change of plans? Kala ko movie lang?" nalilito kong tanong habang sinasabayan siyang maglakad.

She laughed. "You know Benedict. Ayaw niya raw magmovie ngayon dahil baka tulugan niya lang. Kaya umalis sila para bumili ng pagkain na lulutuin daw..."

Pagpasok namin sa loob ay dumiretso agad kami sa sala nila. And there I saw everyone busy with their things.

Andoon din si Neri na kausap si Rein sa kung ano. May lumapit na lalaki sa amin at sinalubong ni Yvonne. Doon ko lang napagtanto na baka iyon ang manliligaw niya.

Chinito iyon at hindi nalalayo ang tangkad niya kina Benedict. Sa tingin ko ay isang taon lang ang tanda nito sa amin.

Ngiting-ngiti na tumayo si Yvonne sa tabi nito at ipinakilala sa akin.

"Si Neil nga pala, Eleanor. Neil... this is Eleanor..." she said.

Agad na naglahad ang lalaki ng kamay niya sa akin. Tinanggap ko iyon at agad na sinuklian siya ng ngiti bago muling tumayo ng maayos.

Napatitig ako sa kanya, pinagmamasdan siya. Pakiramdam ko ay may iba sa kanya. Pero agad ding nawala ang tingin ko sa kanya nang magsalitang muli si Yvonne.

"Ayos lang ba sa'yo magswimming ngayon, Eleanor? I have bikinis that never been worn. Nakapili na sina Rein at Neri roon..." aniya.

Nakita ko ang excitement sa mukha niya. Napaisip ako at tumango. Wala namang problema sa akin at kami kami lang din naman ang nandito.

Still into you (Professor Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon