Kabanata XVII

336 11 0
                                    

Kabanata XVII

Fun

Pagkauwing pagkauwi ko ay agad akong kumain at pumanhik sa aking kwarto. Nagbihis ako at mabilis na tiningnan ang schedule ko.

Agad akong napanguso nang makita na dalawang schedule lang ang maaga ang uwi ko. And maybe that's the only time that I could say I'm free.

Kinuha ko ang phone ko at binuksan iyon. Ipupunta ko na sana sa messenger pero agad kong nakita ang isang bagong message sa inbox ko.

It's from an unknown number. Tiningnan ko kung anong laman non at halos mangunot ang noo ko nang makita ang mensahe na naroon. May lumang message pa.

Unknown Number:

Nakauwi ka na ba?

Pinilig ko ang ulo sa pagtataka at agad na nagtipa ng mensahe. This number is what Kuya Ethan used to text me back then. 'Yong nalimutan niya ang phone niya...

Whose number is this? And do I even know whoever is this?

Ako:

Who's this?

Ipupunta ko na sana sa messenger iyon pero bago ko pa magawa ay nagulat ako sa mabilis na reply ng number na iyon! Agad kong tiningnan iyon at halos mahulog ko ang phone sa gulat sa nabasa!

Unknown Number:

It's Dmitri, Eleanor.

Kumabog ang puso ko sa sobrang gulat at taranta. Napatitig ako sa mensaheng iyon at halos hindi pa rin makapaniwala.

All this time... Kuya Ethan used Dmitri's phone to text me?! At hindi ko alam! Wala akong alam! Ngayon ko lang nalaman!

Paulit-ulit kong binasa iyon dahil hindi pa rin makapaniwala. Pakiramdam ko ay nananaginip ako o ano. Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko bago magtipa roon.

Ako:

Sorry, hindi ko alam na ikaw pala 'yan. And yes, I'm already home. Ikaw ba?

I registered his number right away and put his name on it.

Nilapag ko iyon at tumitig ng ilang minuto habang hinihintay ang reply niya. Pero nang umabot ng kalahating oras ay tumigil na ako at humiga na lang na sa kama.

Wala na ba siyang load? Busy? O tulog na?

'Yan ang tumatakbo sa isipan ko habang nakatitig sa kisame at pinaglalaruan ang phone na nakapatong sa aking tiyan.

Muli kong binuksan ang phone ko at nagtipa roon. Hindi ko pa pala nasabi sa kanya kung kailan ako free. Masyado akong nabigla kanina na nakalimutan ko na iyon gawin.

I typed the time and days that I'm available. Nilagay ko na rin ang lugar kung saan pwede kaming mag-aral. Syempre, saan pa ba kundi ang library?

Sinend ko iyon sa kanya at naghintay na baka muling magreply sa text kong iyon.

Nakatulog na lang ako sa gabing iyon kahihintay sa text ni Dmitri na hindi dumating. I do not know what time I drifted off to sleep. Nagising na lang ako na umaga na.

Pikit pa ang isang mata ay inabot ko ang phone ko na nasa side table. At mabilis na dumilat ang mata ko na makita na may message roon!

I immediately opened my phone to see who texted me. At parang nagising ang buong diwa ko nang makita ang pangalan ni Dmitri roon! Hindi lang isang mensahe kundi dalawa!

Dmitri:

Pauwi pa lang galing trabaho.

Dmitri:

Still into you (Professor Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon