Kabanata XVI
Free
"Dmitri..." mahina kong sabi.
He chuckled and stood properly. Sumulyap siya lamesa at tinuro ang notebook na naroon.
Agad akong umayos ng upo at pinagpatuloy ang pagtingala sa kanya. I can't believe he's here right now! Umalis na sila kanina, ano pang ginagawa niya rito? Did he forget something?
"Nag-aaral ka ba? Kailangan mo ng tulong?" he asked and glanced on the table. "Calculus?" ngisi niya.
Napasulyap tuloy ako roon at nakaramdam ng hiya nang makita ang kung ano-ano kong sinulat sa notebook ko katabi ng notebook ni Quen! Dahan-dahan kong kinuha ang notebook ko at sinarado iyon.
Kasabay non ay ang marahang paghila niya ng upuan sa tabi ko. He slightly faced the chair towards me and sat. Napatitig ako sa kanya dahil sa biglaan niyang ginawa.
"I... I was just s-scanning Quen's notes. Binigay niya kasi sa akin baka raw makatulong sa akin sa exam namin sa calculus," marahan kong sabi habnag pinagmamasdan siyang tinatanggal ang backpack sa pagkakasabit sa kanyang likod.
Nilagay niya iyon sa likod ng upuan at tumitig sa akin. Tumikom ang bibig niya at parang napaisip sa sinabi ko.
"Manliligaw mo?" mabagal niyang tanong.
Napasinghap ako at agad na napailing. What absurb thought he has!
"Hindi!" tanggi ko.
Medyo napalakas iyon kaya agad kong natikom ang bibig ko nang lumingon ang iilang estudyante sa amin. Ang iba ay nakailang beses na lingon pa sa amin at may ibang bumubulong. Hindi ko sila pinansin at tiningnan na lang si Dmitri.
Napanguso siya at napatango bago lumipat ang mata sa notebook na naroon sa lamesa.
Napatitig ako sa kanya at pinagmasdan siya sa ginagawa niya.
"May I?" he asked and pointed Quen's notebook.
Dahan-dahan akong tumango at hinayaan siyang kunin iyon. He turned the pages and I saw how his eyes scanned everything that was written on it.
"Mag-isa ka lang?" tanong niya habang patuloy pa rin sa paglipat ng pahina ng notebook.
"Uh.. Oo. Tapos naman na ang klase ko ngayon araw. I just wanted to stopped here and..." sleep and think and rest.
Hindi ko natuloy ang sinabi ko. He lifted his head and found me looking at him.
"And..?" he slowly asked.
"Rest?" ngisi ko kahit nahihiya sa sinabi.
Nakita ko ang pag-angat ng kanyang labi at mahinang pagtawa.
"Hindi ka ba mag-aaral? Exam na bukas, ah?" he curiously asked.
I pouted and avoided his gaze. I reached for my pen.
"I was thinking of studying tomorrow," aniko habang tinatakpan ang ballpen ko.
I don't know why I just can't lie to him. Pwede ko namang sabihin sa kanya na mag-aaral ako mamaya pag-uwi pero paramg pakiramdam ko ay malalaman niyang nagsisinungaling ako.
"Sa mismong araw ng exam? Bakit naman? Bakit hindi ngayon?"
Mas lalo akong napanguso. Tiningnan ko siya at nakita kong titig na titig siya sa akin. Pinaglaruan ko ang ballpen ko.
"I.. I don't feel like studying at all?"
I saw his lips rose up. I saw that he was kind of amused of what he heard. He closed Quen's notebook. He hold onto it and nodded.
BINABASA MO ANG
Still into you (Professor Series #2)
RomanceEleanor Ria Fortes is every man's dream. She has everything that a guy could ask for---the beauty, the brain, the personality and good manners. Maswerte rin ito sa buhay lalo na't mayaman at may mga kaibigan na maaasahan. Pero kung iisipin, Eleanor...