Kabanata XIV

332 9 0
                                    

Kabanata XIV

Rain

Dala-dala ko pa rin sa isip ko ang sinabi ni Winston hanggang sa makalapag kami sa Pilipinas.

Nakatulala ako habang hinihintay ang luggage ko na dumaan sa harap ko. At hindi ko namalayan na sa pagkatulala ko ay kinuha na iyon ni Winston!

"Where should I put this?" tanong niya at ngumiti.

Gulat ko siyang tiningnan at napakurap. Agad kong tinuro ang para sa aking luggage trolley. Tumango siya at agad na nilagay ang maleta ko roon.

Kukunin ko na sana ang isa kong bag na naroon pero naunahan niya na ako. Walang kahirap-hirap niyang kinuha iyon at pinatong sa maleta ko.

"Kaya mo ba 'to? Medyo mabigat..." sabi niya at sinubukang itulak iyon.

Agad akong tumango at ngumiti, "Oo.. Kaya ko 'yan. Thank you, Winston,"

Akala ko roon na iyon matatapos pero nang makalabas na kami at maghihiwalay na ang pamilya namin ay agad siyang lumapit sa akin.

Nilahad niya sa akin ang isang maliit na box at ngumisi, "I thought this would look good on you,"

Kinuha ko iyon at binuksan. And there I saw a silver barrette. Ang design non ay araw at may half moon sa kalahati ng sun na iyon.

Bumalik ang tingin ko sa kanya. "Hindi ka na sana nag-abala..."

Nagkibit balikat siya, "I remember you the moment I saw it. I remember yesterday. So I was hoping you'll be reminded of what I told you yesterday when you see this," he chuckled. "I'll see you soon, Eleanor," he smiled before he went to my parents and Kuya Ethan.

Akala ko ay mangyayari ulit ang ginawa niya noon na paghalik sa pisngi ko kaya agad akong napaatras pero hindi. Dumiretso nga lang na talaga siya kina Kuya Ethan.

Napatingin ako ulit sa binigay niya. Now... how can I be cruel to him again after all that happened?

Pag-uwi namin sa bahay ay agad kaming umalis ni Kuya Ethan para mag-enroll. In four days, magsisimula na ang pasok namin. Kaya naman medyo nahirapan ako sa schedule na natira para sa akin. Panghapon at pang gabi na lang kasi ang available dahil puno na ang iba.

"Civil na talaga?" si Kuya Ethan at tumaas ang kilay.

Ngumuso ako, "Bakit? Hindi ba pwede?" irap ko.

I heard him chuckled. Tinago ko ang papel ng enrollment ko sa aking sling bag at binuksan na ang pintuan ng sasakyan niya. Padabog ko iyong sinara.

Anong akala niya? Hindi ko kaya itong course na kinuha ko? Inis ko siyang tiningnan na masama na rin ang tingin sa akin dahil sa ginawa kong malakas na pagsara ng pintuan ng sasakyan.

"Will you please be more gentle in closing the door?" he said and shook his head.

"Gasgasan ko pa 'to, e..." bulong ko.

"What?"

He started the car and drive.

"Sabi ko kumain na muna tayo bago umuwi, nagugutom na ako,"

Kaunti na lang na ang tao sa school kumpara sa mga karaniwang araw. Siguro dahil late na rin ang date na ito para mag-enroll sila. Sina Rein ay nakapag-enroll na noong unang buwan pa lang naming alis.

I bet that their sched is different from mine. Magkakaiba kami ng course pero kung siguro ay sumabay ako sa kanila, baka may iilang subjects kaming magkakasama.

Now that I think about it, parang ang bilis ng panahon at ngayon ay college na ako. Kung kailan lang ay naghihirap pa ako sa thesis namin at kung ano-anong homework na hindi ko nagagawa, ngayon ay parang pumikit lang ako at pasukan na agad!

Still into you (Professor Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon