Kabanata XXXVIII
Come back
Tulala ako sa labas ng bintana ng sasakyan ko. My mind is still thinking about it. Ilang oras na ang nakalipas. Kanina pa kami rito naiipit sa traffic pero parang hindi pa rin ako tapos mag-isip.
Pagod na pagod ako. I'm emotionally and physically exhausted. Gusto kong ipikit ang mata ko pero ang mukha ni Dmitri ang nakikita ko. Gusto kong magpahinga kahit nasa sasakyan pero hindi ko magawa dahil ramdam ko pa rin ang kamay ni Dmitri sa aking palad.
Maingay akong bumuntong hininga. When will I ever stop thinking about him? When will I get tired?
I just want to shut down my system so I wouldn't be able to think anything at all. Gusto kong gawin iyon kung pu-pwede lang. Gustong gusto kong gawin kaso imposibleng mangyari.
Bigat na bigat ako sa katawan ko habang naglalakad papasok ng bahay. Hindi ko alam kung ilang oras ang naging byahe ko. Basta ang alam ko lang ay late na ang dating ko.
Pero nagulat ako nang makita na nandoon sa sala sina Daddy at Mommy. Naroon din sina Kuya Ethan at Ate Ester na ikinagulat ko.
Sabay sabay silang napalingon sa akin. Agad akong nagtaka. It's already late but everyone is here. And they seem so serious. Mukhang may pinag-uusapan at nahinto lang nang dumating ako.
Kuya Ethan looked at Mommy. That same intense eyes I saw him walking away from our house that night. Bumalik din ang tingin nila sa isa't isa.
"When are you planning to get married?" tanong ni Daddy.
Nagulantang ako sa narinig. Who's getting married?! Napalakad ako papalapit sa kanila at tiningnan ang dalawa kong kapatid. Ate Ester is getting married with her boyfriend? Pero bakit wala rito ang boyfriend niya?
"As soon as possible," sagot ni Kuya Ethan na mas lalo kong kinagulat.
Wait. I'm lost! Kuya Ethan is the one getting married?! Nagpalinga linga ako sa kanilang apat. Umaasang may magkukumpirma sa naririnig ko pero masyado silang seryoso para pansinin pa ako.
Nalilito ako kung ano ang nangyayari. Kaya ba nandito sila ngayong gabi? But Kuya Ethan doesn't even have a girlfriend! Kaya paano?! Paanong ikakasal siya?!
"What? Hindi naman kailangan magmadali, Ethan. O si Thalia ang may gusto-" si Mommy.
Seryoso siyang tiningnan ni Kuya Ethan. Ibang iba ngayon. Parang may halong galit ang tingin pero nandoon pa rin ang respeto.
"Ako ang may gustong maikasal kami agad, Mommy. Gusto kong bumawi sa kanya at sa anak ko sa mga panahong wala ako sa tabi nila," may halong hinanakit sa boses ni Kuya Ethan.
Parang ang lahat ng pagod ko ay nawala dahil sa narinig muli. Parang nagising ang diwa ko sa mga bagay na biglaang nalalaman ngayong gabi.
"You're marrying the girl because of your son?" tanong ni Daddy.
"No. I am marrying her because I love her. I won't marry her just because I have responsibilities,"
Tumango si Daddy. He seems satisfied with Kuya Ethan's answer. Gusto kong magtanong. Bakit may ganito? May girlfriend si Kuya Ethan? 'Yong Thalia ba? Kailan pa? At may anak siya! When did all of this happen?
"Kailan mo ba balak magpakasal? Masyadong maraming preparations iyon. Pumayag ba si Thalia?" si Ate Ester.
What? Even Ate Ester know this Thalia?! Nagugulantang ako sa mga pangyayari! Para bang nawala ako ng ilang taon at ngayon lang bumalik. Minsan na lang nga kami magkita kita tapos ganito pa? I can't believe what I'm hearing!
BINABASA MO ANG
Still into you (Professor Series #2)
Lãng mạnEleanor Ria Fortes is every man's dream. She has everything that a guy could ask for---the beauty, the brain, the personality and good manners. Maswerte rin ito sa buhay lalo na't mayaman at may mga kaibigan na maaasahan. Pero kung iisipin, Eleanor...