Kabanata XXXIV

369 17 7
                                    

Kabanata XXXIV

Insecurities

Mabilis ang lakad ko palabas ng kwartong iyon habang gigil ang hawak sa excuse na letter.

Nag-uumapaw ang galit ko. Parang gusto kong sumigaw sa sobrang galit at inis. Galit para kay Dmitri at inis para sa sarili ko.

Hindi manlang ako nakapagsalitang muli noong sinabi niya iyon! I'll admit that I felt a pang of pain when I heard him said that. Maybe that's also the reason why I wasn't able to talk back to him.

Anong sa tingin niya? Sinungaling ako? Ganon ba?! At kailan ako nagsinungaling sa kanya?! I've been so honest to him before! Naiinis ako. Sobra akong naiinis sa sarili ko dahil parang tinanggap ko lang ang sinabi niya iyon na para bang totoo ang sinasabi niya!

Ano bang ine-expect ko? He'd beg in front of me for forgiveness? He'd kneel in front of me? Gusto kong sabunutan ang sarili sa katangahan kong iyon.

Hindi manlang akong nakapagsalita. Kahit isang salita manlang walang lumabas sa bibig ko. Ang tanging nagawa ko na lang ay umalis! Damn it!

Special treatment my ass! I don't need that! Sino bang nagbibigay sa akin niyan? Wala! At hindi ko iyon kailangan lalo na mula sa kanya kahit kilala ko pa siya! Sino ba siya?!

Sa sobrang inis at galit ko ay nadala ko iyon pati sa photoshoots ko. Kaya naman medyo tumatagal kami. I tried to focus on my work but I can't! Nanggagalaiti ako sa galit.

Alam kong napansin iyon nina Ram at Leigh pero hindi na nila nagawang sabihin sa akin dahil pare-pareho kaming pagod at siguro ay natatakot sila na mas lalo akong mawala sa ginagawa.

Pero sigurado akong mayroon nang idea si Ram tungkol doon dahil sa mga tingin na ibinibigay niya sa akin. Hindi siya nagsasalita pero alam kong nararamdaman niya iyon. Siguro ay pinapalipas niya lang muna ang mga importante naming ginagawa. Kapag maluwag ang schedule, paniguradong magsisimula na iyang intrigahin ako.

Nakumpirma kong may ideya nga siya nang kinausap ko si Miya tungkol sa i-ca-cancel na schedule para makapasok ako sa klase ni Dmitri. I didn't tell Ram nor Leigh about it. Siguro ay nabanggit iyon ni Miya sa kanila dahil noong inaayusan ako ni Ram ay may nabanggit siya tungkol doon.

"Hmm.. Nagcancel ka pala ng schedule para pumasok? Mukhang nakapili ka na, huh?" malanding tawa ang pinakawalan niya.

Hindi ako dumilat ng mata dahil alam kong pang-aasar na tingin lang ang ibibigay niya sa akin. Anong nakapili? Why would I choose him? Over my dead body!

"Kaya rin ba mukhang wala ka sa sarili mo these past few days? Nako.. Mukhang comeback na nga ata? Ang rupok mo naman, Eleanor!" tawa nito.

Doon na ako dumilat at matalim siyang tiningnan. Napaatras siya at mas lalong natawa. Mukhang tuwang-tuwa at satisfied sa naging reaksyon ko.

"Shut up, 'di ako gaya mo," irap ko.

Nanlaki ang mata niya at kunwari napahawak sa dibdib kahit wala namang dibdib.

"Ay palaban! Gusto ko 'yang mga ganyan.." he laughed.

I rolled my eyes before closing it. Alam kong hindi niya na ako titigilan sa pang-aasar niyang iyan lalo na kung pinapatulan ko siya. Mukha kasing iyan na lang ang kasiyahan niya ngayon. Should I look for someone I could set him up with? It will be troublesome. Masyado itong pihikan kala mo naman maganda.

But truth to be told, Ram is a handsome guy. Habulin pa rin nga ito ng mga babae kahit lalaki naman ang tipo. But he's also pretty if he'll become a girl which is his dream! Alam kong alam niyang maganda siya kaya ganyan na lang siyang mapili pagdating sa magiging partner niya. Siguro dahil na rin minsan siyang naloko kaya naging maingat na rin siya sa pipiliing tao.

Still into you (Professor Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon