Kabanata VI

407 11 0
                                    

Kabanata VI

Photo booth

Benedict:

May sagot na kayo sa number 9?

Keiffer:

Send answers, please. TYIA

Yvonne:

Wala pa rin ako.

Deither:

Sent a photo

Deither:

'Yan akin. Same tayo ng sagot, Eleanor?

Rein:

Send kayo sagot, wala pa ako nagagawa. Hahaha!

Binaba ko ang phone ko ang tiningnan ang papel kong mayroon nang sagot. I finished it all with Dmitri's help because he insisted to guide me while I answer all of the remaining numbers.

Tinitigan ko iyon. We finished the problems in just an hour. Sadyang mabagal lang talaga ako magsolve at nahihirapan kung paano iyon isolve.

I scanned my paper and looked at his handwriting. The numbers were written neatly. At kahit ang formula at solution ay malinis. Kapag may bura ay nililinyahan lang pero malinis pa rin.

Napanguso ako. I can remember his face while reading the each problem. Isang basa lang niya ay alam niya na agad ang gagawin at mabilis na isusulat ang solution at isosolve.

But before doing that, he's making sure first that I understand what is asked in the problem. Kapag hindi ko maintindihan ay ipaliliwanag niya iyon sa akin. Malinaw at tama lang din ang page-explain niya na agad kong naiintindihan.

And I don't know why I can't get his image out of my mind. The way he's explaining each of the solutions written on the paper. The reason why I should use this formula and all. The way he speaks, the way he smiles and look at me.

Pinilig ko ang ulo at kinuha ulit ang phone. Nababaliw na ata ako at kung ano ano ang iniisip? Ito ba ang cause ng mahilig magprocastinate?

Ako:

I'll send it here. Tapos naman na ako.

Pinicturan ko ang nakasulat sa mga papel. Pero nang isesend ko na ito ay parang nagdadalawang-isip ako.

I don't know why I feel like I don't want to share it with them especially that they can clearly see his handwritten.

Pero ano naman kung makita nila ang sulat niya? Hindi ko naman 'yon ikamamatay?

I quickly pressed the send button and read their chats.

Rein:

Hulog ka talaga ng langit, Eleanor!!!

Keiffer:

That's my girl! Thanks, Eleanor! Libre na lang kita bukas. Hahaha!

Yvonne:

Ang gwapo naman ng sulat. Nagpatulong ka kay Kuya Ethan?

Napanguso ako at napatitig sa chat ni Yvonne. I immediately typed that Dmitri helped me but deleted it right away.

Rein:

Parang hindi naman ata sulat ni Kuya Ethan 'yan?

Yvonne:

Sino pa bang tutulong kay Eleanor kundi ang kuya niya lang. Kaya malamang kay Kuya Ethan 'yan.

Mas lalo akong napanguso. As much as I wanted to keep it to myself, I don't want to take away Dmitri's effort in this one and Kuya Ethan will take credit on his works dahil lang sa ayaw kong sabihin ang totoo.

Still into you (Professor Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon