Kabanata XXXV

359 14 4
                                    

Kabanata XXXV

Flaws

Tahimik ko silang pinagmamasdan na nag-uusap. Wala akong maintindihan at wala rin naman akong balak intindihin pa. Tiningnan ko si Miya na masayang kausap ang babae sa harap ko.

Maybe they were close. Or not. Baka sadyang magkakilala lang sa industriya. Pero alam kong hindi kailan lang iyon dahil sa nakikita ko ay parang matagal tagal na silang magkakilala.

"Kamusta na pala si Robert? Hindi ko na nakikitang kasama mo..." Miya said.

The girl beside Dmitri glanced at him. Nahihiya siyang tumawa at tinakpan ang bibig niya habang tumatawa. Pinanlakihan niya ng mata si Miya.

Napaiwas ako ng tingin. Naiinis ako. Dahil masakit sa matang makita silang dalawa na ganyan. Dahil masakit sa puso at kalooban ko. Hindi ako natutuwa sa nararamdaman ko.

First time kong makita si Dmitri na may kasamang babae simula nang bumalik siya. Hindi ko inakala na isang araw makikita ko siyang may kasamang iba. Hindi ako handa sa araw na 'to. At sa tingin ko hindi kailanman magiging handa pa.

"Ano ka ba... Wala na 'yon matagal na.." saway ng babae.

Nagulat si Miya, "Oh my gosh, Maricar! Wala na kayo ni Robert? Why did you break up?"

Maricar pala ang pangalan niya? She glanced at Dmitri once again and faked a cough. She waved her hand as if she's trying to dismiss Miya's questions.

Parang hindi ako natutuwa sa naiisip ko lalo. Kaya ba rin sila magkasama ngayon dahil nanliligaw si Dmitri sa babaeng ito? Is that why she's reacting like this?

Tumingin sa akin si Dmitri at agad akong napaiwas ng tingin. Imbes na matuwa ako sa gabing ito ay parang sumasama lang ang loob ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil ganito ang nararamdaman ko.

At nagagalit ako. Dahil pakiramdam ko pinamumukha sa akin ni Dmitri ang babaeng gusto niya talaga, ang babaeng tipo niya na malayong malayo sa akin. Naiinis ako dahil nanliliit ako. Lalo na habang tinitingnan ko si Maricar na walang kapintas pintas.

Bakit ba sila nandito pa? Bakit ba sila nandito sa table namin? Kung balak nilang magdate, bakit nandito sila?! Gusto ko silang paalisin dahil kami kami lang dapat ang narito at nagcecelebrate! Kung hindi lang magiging bastos ay sasabihan ko silang umalis sa table namin!

"Bakit pala kayo nandito? Baka nakakaistorbo kami, ha?" she said and looked at me.

Nag-iwas ako ng tingin dahil baka kapag hindi ako nakapigil ay mairapan ko siya ng wala sa oras. Siniko ako ni Ram pero hindi ko siya pinansin.

Miya giggled and looked at us, "Well.. May nag-offer kasi kay Eleanor as a magazine cover and commercial so we're celebrating it! Baka naman kami ang nakakaistorbo sa inyo?" malisyosang sinabi ni Miya.

Umiling si Maricar at hinampas ng mahina si Miya bago tumingin sa akin.

"Congrats, Eleanor! Big break 'yan lalo na't bago ka lang sa industriya. Usually you can't be that famous if you're new in the industry.." she said a matter of factly.

Hindi ko alam pero ang dating sa akin ng sinabi niya ay para bang may ginagawa ako para magkaroon ng ganoong offers.

"Nako.. We don't have any connections to do that kind of magic. It's all Eleanor's hardwork and talent." sagot ni Ram.

Napatingin ako sa kanya dahil alam ko ang tono ng pananalita niyang iyan. Pinanlakihan ko siya ng mata at ganon din ang ginawa niya sa akin bago ulit tumingin kay Maricar.

"Sorry, Maricar, ha. Pero baka maungusan ka nitong alaga ko..." biro ni Miya at tumawa.

Natawa si Maricar at napatingin sa akin. I know that look. It's like she's belittling me. O baka ako lang iyon?

Still into you (Professor Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon