Chapter 27
ANO ANG IBIG SABIHIN NITO???????????!!!!
.
.
.
.
.
Nandito kami ngayon sa kuwarto nina yaya, at nandito rin si Tita Natasha, nandito kami ngayon dahil nga sa nangyaring engagement nina Adrian at ni Marga. Bakit naman may engagement?? Eh nag-aaral pa lang si Marga at hindi pa siya twenty-five para magpakasal at mas lalo namn si Adrian. Ano naman ang pumasok sa kanilang isipan para mapaisip ng ganon??? "Ate Natasha, kinausap mo ba talaga si Marga?" Tanong ni Yaya na nakaupo sa gilid ng kama niya at umalis si Tita Natasha sa kanyang sinasandalan sa padir. "Oo, sinabi niya sa akin noon na ayaw niya talaga magpakasal kay Adrian nay an at nakakagulat na lang na ngayon siya pumayag. Lagi niyang kinukwento sa akin noon na hindi niya gusto ang kanilang date kapag sila lang." Sabi ni Tita Natasha.
Oo nga pala, naalala ko nung isang araw na kinuwento niya sa akin ang kanilang pagsasama na binigyan ng chocolates ni Adrian si Marga at ang flavor nga ay may halong almond, Eh ayaw naman ni Marga ang mga almonds kaya iniwan niya si Adrian at umuwi siya. Hay! Panliligaw pa lang ni Adrian, ekis na. Dapat niya kasi alamin ang mga gusto ng isang babae. Ay wow! Expert ako ah! Charot!
"Hindi ko rin talaga maintindihan kung bakit siya um-oo sa proposal ni Adrian. Alam naman sa sarili nila na bata pa silang dalawa at mas lalo naman si Marga, alam niya ang kanyang gagawin." Sabi ni Yaya. Hindi naimik si Tita Natasha at pansin kong napatulala na lang siya sa sahig, hindi rin ako makaimik dahil hindi ko rin alam kung bakit ng aba iyon. "...Hindi ba siguro na may plano..ba sila?" Sabi ni Yaya at napatingin naman si Tita natasha sa kanya at ako rin. "Anong ibig mong sabihin Lourdes?" Tanong ni Tita Natasha at hindi man nakaimik si Yaya.
"Ibig kong sabihin...siii Adrian..may pakiramdam ako na may plano siya kasi noon pa lang nung makita ko siya, may kutob na akong kakaiba sa kanya." Sabi ni Yaya. Whew! Buti na lang hindi lang ako ang may ramdam na masama tungkol kay Adrian. Sadyang may kakaiba na rin akong nararamdaman sa kanya. "...Ayaw ko muna bigyan ng konkluysyon ang ugali niya....hahanap ako ng oras ang aking anak na makausap ko siya tungkol doon." Sabi ni Tita Natasha at hindi kami nakaimik, medyo na-weirdan ako sa sinabi niya dahil bakit parang ayaw niya isipin na masama si Adrian?
"Musta ka naman, Sheer? Ano naman ang nangyari sa inyong exam?" Biglang tugon at tingin sa akin ni Tita Natasha. "uh...okay naman..at naipasa ko yung exam." Sabi ko at ngumiti man siya. "Ay salamat, may school ka na!! Maitutuloy mo na ang pangarap mo." Sabi ni Yaya at napangiti ako. Oo nga pala, maitutuloy ko na rin pala ang aking pangarap na maging doktor dahil mag-aaral na ulit ako. "...Wala ka bang nakitang na kakaiba ngayon sa inyong pag-uwi?" Tanong sa akin ni Tita Natasha at hindi ako nakaimik. Anong ibig niyang sabihin na kakaiba? Wala naman ah? At ilang sandali ay may pumasok sa aking isipan.
"Ito na Hijo." Sabi niya at saka inilabas yung ensaymada at binigay sa akin. "Magkano po yung ensaymada." Sabi niya habang kinukuha ko yung pera s aaking bulsa ng pantalon. "Huwag mo na ako bayarin." Sabi niya upang magulat ako at mapatingin ako sa kanya na ngayon ay nakangiti. "P-p??? Hindi po!! Nakakhiya—"
"Huwag na Hijo dahil binibigay ko talaga yan sa iyo, gusto kita bigyan ng regalo dahil napansin ko pa lang sa iyo na...marami kang pinagdaanan..." Sabi niya sabay ngiti at nagulat akong sa sinabi niyang "Marami kang pinagdaanan"
"M-may nakausap akong tindero ng tinapat at medyo binigyan niya ako ng life lessons." Sabi ko at umiwas sa tingin si Tita Natasha at pansin kong ngumiti siya. Huh? Bakit siya napapangiti? Don't tell me na may bagong lalaki siya. CHarot haha!
![](https://img.wattpad.com/cover/218171391-288-k803015.jpg)
BINABASA MO ANG
I Promise | (boytoboy)
Novela Juvenil[BXB] Bakit bawal magsama ang dalawang parehas na kasarian sa mundo ngayon? Meet Arolle Sheer Calaguas, isang baklang estudiyante na spoiled brat, masungit at tamad mag-aral kaya binigyan siya ng tutor ng tatay niya, kailangan pa ba pag-aralin ang...