Kabanata 16

22 1 0
                                        

CHAPTER 16



What the heck?!?!


Isa siyang sakristan?!


Bakit hindi niya ito kinuwento sa akin?!?!


Pumunta siya sa mga ibang sakristan na nakatambay ngayon at ilang sandali ay natauhan ako bigla dahil narinig kong nagsalita si Tita Natasha. "Halika muna kayo! Lapit kayo!" Sabi niya at sinenyasan kami gamit ang kamay niya. Pagkakapit namin ay may katabi siyang matandang babae na ang suot niya ay gray na pang-madre at may suot din siyang kuwintas na may krus. "Magandang umaga sa inyo lahat! Magpapakilala ulit ako, ako ay si Natasha R. Calaguas at ako ang may-ari ng Young Apostles Org. Nagpapasalamat ako sa inyo dahil kayo ay nakisali dito...at gusto ko rin ipakilala sa inyo ang may-ari ng kumbento na ito...si Madam Felicidad." Sabi ni Tita at sabay turo kay Madam Felicidad at yung iba sa amin ay bumati sa kanya.

Mapayat ang kanyang pangangatwan, maputi ang balat niya, nakasuot din siya ng salamin at nasa halos singko ang kanyang edad. "Magandang umaga din sa inyo!! Salamat dahil nakapunta kayo dito!! Ikinagagalak ko kayong makilala lahat! Alam kong marami kayong matutunan dito kaya halika na kayo para ibigay ko na yung patakaran namin dito, yung kasaysayan ng kumbento na ito at ano ba gagawin niyo dito." Ngiting tugon niya at saka naunang lumakad si Padre Valentino, Tita Natasha, si !adre Felicidad, sakristan at kami ang panghuli papunta sa may malaking building na katapat lang ng hardin.

Pinagmasdan ko yung hardin habang naglalakad at wow ang ganda niya talaga. May isang istatwa ng anghel na nakaluhod na nakapuwesto sa pinakagitna ng hardin. May mga istatwa ni Jesus, Mama Mary, at iba pang mga santo na nakapalibot sa hardin. Marami rin mga bulaklakin at mga puno rin. Tumigil kami at nagform kaming lahat ng pabilog. Yung iba naman ay tumamabay na lang sa likod namin dahil hindi pala lahat makakasali sa bilog namin dahil ang liit. "Ako nga pala ulit si Sister Felicidad Sanchez. Puwede niyo kong tawagin Sister o Sister Felicidad." Sabi niya at tumango kami. "Peroo mga kabataan, ang tawag niyo sa akin ay Madam Natasha ha." Sabi niya at napatawa kan yung iba. Grabe talaga itong tita ko!

Ilang sandali ay may narinig kami na may tumawag ng pangalan ni Tita upang mapatingin kami sa may gate at laking-gulat ko na nandoon si Natalie na may hawak siyang isang maleta habang nalakad papunta sa amin tas kasunod lang niya si Blythe na may dalang dalawang maleta. Grabe! Pupunta kayo sa beach mga bes? Pagkarating nila sa amin ay nagbigay espayo yung iba at saka nila binaba yung hawak nilang mga maleta at hingal na hingal din sila. "Oh! Natalie! Blythe! Kala ko hindi kayo sasama, sinabi niyo sa akin kagabi." Sabi ni 'Madam' Natasha. "...pa-pasensiya po ngunit nagbago na yung de-desisyon ko po...sana ho puwede pa po kami makisali sa inyo..." Sabi ni Natalie at hindi nakaimik si Madam Natasha. Seryoso ba sila? Nagbago ng desisyon? Tapos pumunta pa sila dito? Wow ha.

"...oo naman...puwede naman kayo sumali pa...dahil napagtanto niyo na...mahalaga para sa inyo ang Panginoon...kaya papayagan ko kayong dalawa..." Sabi ni Sister. "...o sige. Papayag ako....pero siguraduhin niyo na huling desisyon na iyan...ha...ayaw ko ng padalos-dalos ang desisyon." Seryosong tugon ni Madam Natasha at tumango sina Natalie at Blythe. "...halika na kayo. Malalaman niyo pa ang patakaran dito sa kumbento na ito." Sabi ni Sister Felicidad at nagsimula kami ulit maglakad. Napansin ko na kinuha ulit nina Natalie at Blythe yung mga maleta nila at lumapit sa tabi ni Joshua..at nakaramdam na naman ako ng....selos.

Nako! Sana maging maayos itong lakbay ko sa kumbento na ito. Please lang Lord.



I Promise | (boytoboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon