Kabanata 7

60 7 3
                                        

CHAPTER 7



"Sheer, may dala akong sulat para sa iyo." Sabi niya sabay punta sa akin.


Ha?? Sino naman yan?


Kinuha ko sa kanya at nabasa ko sa harapan ang pangalan kong 'Sheer'. Tumingin din ako sa likod ngunit blanko siya. Sino nga ba ang magpapadala nito?

"Inutusan ako ni yaya na isara yung gate sa labas. Nung pumunta ako nakita ko iyan na nakasipit sa pagitan ng dalawang gate. Nakita ko yung pangalan mo kaya hindi ko na lang binuksan." Dagdag niya pa. Binuksan ko na para malaman kung sino ba ang nagpadala nito ngunit nagulat ako sa kanyang sulat.


Magandang Gabi, Ginoo

Batid ko nagulat ka ngayon dahil sa aking istilo ng pagsusulat ko at bakit rin hindi ko ipinakilala yung aking sarili ngunit, magpapakilala din ako sa iyo sa tamang panahon. Una sa lahat, patawad dahil sa aking pinaggagawa sa iyo. Hindi ko nais talaga gawin iyon. Sana mapatawad mo talaga ako ng buo. Salamat dahil pinagbigyan mo ko na kausapin kita nung mga nakaraang araw, at huwag kang mag-alala babawi ako sa iyo. May ginawa rin akong tula para sa iyo.


¿Qué tienes?

Cuando nos conocimos, mi corazón latía con fuerza

Estaba aún más loco cuando estaba contigo

¿Qué significa esto?



Tiniklop ko ulit yung papel na iyon at nilapag ko sa mesa ko at gulat pa rin ako sa aking binasa. Shems! sino ito? Naalala ko tuloy yung mga ganitong writing style sa ating sinauhang panahon. Teka! Shocks! May nagpaparamdam ba galing doon sa akin?!?!? Hala anong ginawa ko?!?!?

"Kilala mo ba kung sino?" Hindi ako makasagot dahil nakikilabutan ako na baka nga may nagpaparamdam sa akin sa panahon ng mga Kastila!

"Oy Sheer, kinakausap kita. Kilala--" Tumingin ako sa kanya at nagsalita.

"Maytaongnagpaparamdamsaakinnagalingsasinauhangpanahon!!!"

"Baliw!" Sabi niya. Naintindihan niya yung sinabi ko?!?!?

"Walang magpaparamdam sa iyo na nanggaling sa sinauhang panahon." Sabi niya.

"Pa-paaano mo naman na-naasabi?" Tanong ko habang nanginginig. Talot na tako ako guys!!!

"Teh, malay mo ganyan lang siya magsulat. Ikaw talaga. Huwag kang mag-isip ng ganyan." Sabi niya. Nilapag ko na lang yung sulat sa mesa at may kumatok ulit sa aking pintuan. Tumingin kami at pumasok si Papa.

"Oh! Bakit hindi pa kayo natutulog? May pasok pa kayong dalawa bukas diba?" Omg! Kailangan hindi malaman ni Papa ito! Nakakahiya!

"Ah--ehh--"

"Nag usap lang kami po ni Sheer tungkol sa career niya in the future." Sabi ni Marga. Wait what?! Napansin kong tumango na si Papa.

"Ah! Yun nga! Muntik ko na makalimutan. Ang alis natin dito ay mga Marso." Ngiting tugon ni Papa. Natuwa din ako dahil sa kanyang balita! Yes!! Makakapunta na ako sa Italy!

Tumayo ako at lumapit sa kanya para yakapin.

"Salamat papa!!!" Sabi ko.

"Wala yun anak. Basta mag-aral mabuti ha. Intindihin mo ang mga sinasabi ni Joshua sa iyo." Shems! Narinig ko na naman siya.

I Promise | (boytoboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon