Kabanata 38

5 0 0
                                    

Kabanata 38



Kasalukuyang nasa kuwarto ako ngayon at nakaupo sa gilid ng kama. Natutulog na ang mga tao sa loob ng bahay, ako na lang ang gising. Naririnig ko pa nga ang mga hilik ni Ate Eleanor. Double-deck yung aming kama namin. Ako sa baba, si ate ay sa itaas.

Iniisip ko ngayon kung paano ko kukuhanin ang mahiwagang agimat ni Tito Jose sa kanya. Hindi ko naman puwede basta basta kuhanin ng basta basta. Napaisip ko rin kung paano ko siya sisirain....dapat daw masunog sabi ni Faustina....AY! Sige! Lagyan ko ng acido! May mga acido ako nakita sa mga drawers ng banyo dito. Puwede iyon!

Paano ko tuloy talaga kukuhanin ang agimat niya....hm baka puwede naman ngayon dahil tulog naman siya....Pero baka naman hindi....


HINDI! Kailangan kong gawin! Hayst!


Tumayo ako at napatingin ako kay Ate Eleanor na hilik na hilik pa rin siya. Kung ano man ang mangyari sa akin...pasabi kay Joshua na mahal na mahal ko siya habang buhay...Huminga ako at saka dahan-dahan akong lumapit sa pintuan, dahan-dahan ko rin binuksan yung doorknob, at saka lumabas at sinara yung pintuan.

Dahan-dahan akong naglakad at sobrang tahimik at medyo madilim yung pasilyo na ito, may ilaw naman pero kandila lamang siya. Tahimik akong naglakad at tiningnan ko rin mga likod ko kung may tao ba diyan o wala. Napapaisip dina ko nab aka may lumabas diyan na multo o mga alagad dahil baka sa gabi ay may mga supernatural creatures na naglalakad habang tulog kami diba. Pero sana naman hindi magkatotoo jusko.

Mga ilang minuto ay narating ko na yung kuwarto ni Tito Jose. Nakasara ang pintuan. Agad akong napaisip na kung sakaling binuksan ko ito ay magkaroon ng tunog upang magising siya. Hayst! Wala rin akong maisip na ibang way na para buksan ito. Wala namang bintana itong silid noong kaninang pumunta kami ni Natalie. Huminga ako muna and then ako'y naiinis dahil wala akong choice kundi na buksan ito.

Bahala na kung sakaling ako'y mahuli niya. Mag-iisip na lang ako ng ibang paraan kung paano makakatakas kung nakuha ko na ang agimat niya at kung nakita niya ako. Dahan-dahan kong nilapit kamay ko sa doorknob at pagkatapos ay parang nag-aalinlangan akong buksan pero ginawa ko pa rin, dahan-dahan ko ginalaw at nagulat akong hindi siya tumunog. Bumungad sa akin ang isang ilaw at lamig upang agad akong ginawin. Yes! Makakapasok ako! Pumasok ako ng pasilip at agad akong nakaramdam na parang binuhusan ako ng malamig ng tubig.

Nakaupo si Tito Jose sa gilid ng kama niya pero hindi nakatalikod sa akin. GISING PA PALA TOH! Paano ko ito tuloy makukuha?!?!?! Nag-isip ako agad ng ibang paraan. Mukha naman siyang hindi nagalaw. Tumingin ako ng posibleng na puwede maging distractions para makalabas siya ng kuwarto at doon tuloy ako papasok.

Sa kakatingin ko ay may napansin akong kumukislap na luntian sa may kama at katapat lamang ni Tito Jose.


IYON ATA ANG KUMIKISLAP KANINA SA KANYA!


Iyon na ang chance!! Dahan-dahan tuloy ako pumasok at sinubukan ko talaga na maging matahimik ng mga ilang segundo. Salit-salitan ako natingin kay Tito Jose at sa susi. Nung malapit na ako sa kama ay napansin kong gumalaw si Tito Jose upang agada ko dumapa sa sahig ng dahan-dahan at hiningal dahil sa kaba. Pota!

Naghintay ako ng ilang segundo at saka kong inangat yung ulo ko para silipin siya at bumalik siya sa kanyang tinitingnan. Naglabas ako ng hininga ng tahimik at saka ko nilapit yung kamay ko sa kumikislap na bagay. Nung makuha ko na yung bagay na iyon aya agad akong inalis kamay ko at dahan-dahan tumayo sa sahig. Naglakad sa kanya ng paatras at nung nas amay pintuan na ako ay tahimik kong sinara yung pintuan at saka na ako tumakbo paalis.

I Promise | (boytoboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon