CHAPTER 2
"Damn! Uh hindi ko--"
"OH NAPAKABASTOS MO!" Binuksan ko yung bote ko at binuhos ko sa vest niyang suot at binato ko din sa kanya yung bote. Binigyan ko din siya ng what-the-hell-did-you-just-do look.
"KAINIS!" Sigaw ko at naglakad ako pabalik kay Kylie. Nakita ko siyang nakatayo at nakatingin din sa akin. Siguro nakita din niya yung ginawa ko pero wala ako pakielam. "Sheer??? Bakit--" hindi ko na siya pinatapos dahil sumagot ako.
"DONT BUTT IN KYLIE! SAMAHAN MO AKO SA BANYO UGH!" Sabi ko at lumakad ako papunta ng banyo at tinanggal ko yung sweater kong nabasa na may juice.
UGH BWISET SIYA BWISET SIYA, WALA BA SIYANG MATA, IS HE A DUMBASS?!?! ANO SUSUSOTIN KO NA SWEATER EVERYDAY?!?!! Buti na lang hindi nabasa nung tao na yun yung polo ko, baka hindi lang tubig naibuhos ko sa kanya, baka isang platong pagkain ang naihampas ko pa sa kanya, bwiset siya PAKA BWISET!
"Huy Sheer, tahan na diyan, sigaw ng sigaw sa loob, baka maano pa tayo ng janitor dito." Sabi ni Kylie, lumabas ako ng banyo at nakatayo don at hawak yung baunan ko. "EH ANO BA, WALA AKO PAKE DON, LOOK AT ME!" Sigaw ko, kapag galit ako ay walang makakapigil sa akin! Dapat lang ako sumigaw!
"Hindi nabasa polo mo okay, yung sweater ang nabasa."Banat niya."THIS IS A DISASTER OKAY." Sabi ko pa, sabay padyak sa sahig. "Hay...tahan na. Ilabas mo yang galit mo." Sabi niya at huminga ako ng malalim at nilabas ko.
"Ipatuyo mo muna, tas pagkauwi, labhan na lang." Sabi niya ngunit napakunot ang aking noo."EHHH--" Tumigil ako dahil tinaasan niya ako ng kilay at yumuko ako sa kanya. "Eto na po..."
"Hm. Sundin mo plano ko at saka halika na, malalate pa tayo sa subject ni Miss Bing." Inilahad niya yung baunan sa harap ko at kinuha ko. Nilagay ko muna yung sweater sa may balikat ko at naglakad na kami pabalik sa classroom.
Kapag Monday, Wednesday, at Friday ay laging first subject namin siya at kapag Tuesday and Thursday, every third subject namin siya, after ng recess.
Nung bumalik kami sa classroom ay pumunta ako sa aking upuan at inaayos ko yung baunan ko sa bag at inayos ko rin ang aking sweater.
"SHEER!!!" Napatingin ako sa kaliwa ko at si Jenny lang pala. Bwiset! Mamatay man ako sa gulat ng bati niya. Sa itsura niya ay kilig na kilig at tuwang tuwa. Ano na naman peg nito.
"Suwerte mo ah! Na-encounter mo siya kahit di mo siya kilala gaano!" Sabi sa akin. Baliw ba siya? "Ha? Baliw ka ba? Panong encounter?" Tanong ko at napatawa siya. "Ano kasi ang miracle nun!!!" Sabi niya at biglang sinampal niya yung braso ko. Aray ah!
"Panong miracle yun?? Ano siya si Bathala?" Sabi ko pa, anong miracle doon? Parang ewan naman itong kinakausap ko. Kung may gusto siya doon, jowain na lang niya. "Gaga hinde ibig kong sabihin, sa lahat ng estudiyante dito na gusto siyang makausap, ikaw pa ang na-encounter niya dahil sa buhos na yun." Sabi niya at binali ko na lang tingin ko ulit sa bag ko para mag-ayos.
"Waw ha buhos ha." Sabi ko at napatawa siya. "Ano kasi, naging classmate ko yan nung Gr 6, gusto ko kasi siya kausapin pero lagi siyang busy, laging nasa isang sulok o nagbabasa ng libro, studious siya lagi at lagi siya nasa top for the past levels" wow as If I care, talino lang yan, hindi ugali.
"And soo?" Sabi ko na may tonong sarcastic. "Eto naman eh! Sungit mo!!" Tumingin ako ulit sa kanya at nag cross arms. "Jenny. I dont care kung matalino siya, wala siyang ugali dahil nga nabuhusan ako, hindi man lang siya nagpatawad sa harapan ko, buwiset yun!"
![](https://img.wattpad.com/cover/218171391-288-k803015.jpg)
BINABASA MO ANG
I Promise | (boytoboy)
Teen Fiction[BXB] Bakit bawal magsama ang dalawang parehas na kasarian sa mundo ngayon? Meet Arolle Sheer Calaguas, isang baklang estudiyante na spoiled brat, masungit at tamad mag-aral kaya binigyan siya ng tutor ng tatay niya, kailangan pa ba pag-aralin ang...