Kabanata 18

43 1 0
                                    

CHAPTER 18



"May dapat kang malaman ngayon Sheer." Seryosong tugon niya upang magising talaga ako at ilang sandali ay may pinakita siyang maliit na papel. Kinuha ko sa kanya at binasa ko.


Sheer,

Pasensiya sa liham na ito pero nak nalaman na kung sino ang pumatay sa tatay ni Miguel...ang Papa mo....


Pagkatapos kong basahin ay nabiawan ko ang liham dahil parang nabagsakan ako ng mga malalaking bato sa langit at naguguluhan na din ako sa aking isip.


Totoo ba ito?!


Tama ba yung aking hinala?!?!


Si Papa nga ba ang pumatay kay Tito Vincent??!!


Pero sa totoo lang, ayaw ko maniwala dahil alam kong hindi magagawa ni Papa iyon.


"...pasensiya pamangkin sa aking nagawa dahil...hindi ko ito binigay sa iyo agad...." Kailangan niyang itago sa akin?? Bakit???? "...binigay sa akin yan ng guwardiya noong Huwebes ng gabi at galing daw iyan kay Yaya...nung mabasa ko yung liham...ay naisip ko na itago ko muna sa iyo dahil ayaw ko maniwala....alam kong hindi magagawa ng Papa mo iyon...." Sabi ni Tita Natasha habang hindi ako nakatingin sa kanya. What??!! Ako ang anak! Kailangan ko pa rin malaman ang lahat!

"...pero nung tumawag sa akin si Yaya kaninang alas-singko...ay naisip ko na kailangan ko na sabihin sa iyo dahil...hindi lang si Papa ang kinasuhan...pati na rin ang kapatid ni Miguel...at ang nobya niya..." Sabi ni Tita at ilang sandali ay napabagsak ako sa sahig dahil lang sa narinig ko.


Kakasuhin rin si DALE?!?!!?


At may nobya siya?!?!?


Ang sariling anak ay magagawang patayin ang sariling ama niya?!?!


Ilang sandali ay napansin kong napaluhod din si Tita Natasha at bigla niya ako niyakap. "Pasensiya pamangkin....kung hindi ko pinaalam sa iyo...pero naniniwala ako na walang kasalanan ang kapatid ni Miguel sa nangyari...pati na rin ang Papa mo...kahit may malaking galit siya sa kanila....maniwala at magdasal tayo sa Diyos...nakita niya kung sino talaga ang pumatay...." Sabi niya at hinimas niya ang aking likod. Hindi man ako makagalaw dahil sa tinding pagkagulat at nakirot din ang aking loob. Ayaw ko mawala sa akin si Papa at mas lalo si Kuya Dale dahil alam kong wala siyang kasalanan.

Nandito kami ngayon sa bus ng aming sinakyan nung pumunta kami dito. Ngayon din ang araw ng trial nina Papa, Kuya Dale at ni Ate Amy sa may munisipyo ng Biñan, Laguna. Nagpaalam din kami kay Madam Felicidad kanina at pumayag naman siya. Kasama din namin ni Tita si Joshua dahil inimbita daw siya ng pamilya niya dahil ang mismong tinutukoy na nobyo ni Kuya Dale ay si Ate Amy.

Kasalukuyang alas-osto y media na at alas-diyes daw ang simula. Nakaupo lang ako mag-isa at nakatingin lang sa bintana habang nasa isip ko yung kaso ni Papa at ni Kuya Dale at ni Ate Amy. Nerbyoso din ako ngayon dahil kung sakali si Papa nga ang may pakana kay Tito Vincent. Paano na ako? Paano na si Mama? Alam kong hindi makakatrabaho siya ng maayos doon sa Italy. Kung si Kuya Dale at si Ate Amy ang may gawa...pero sana naman hindi...ehh paano naman si Miguel...

I Promise | (boytoboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon