Kabanata 4

76 10 2
                                    

CHAPTER 4


Ala-otso na ng gabi at nandito ako ngayon na nakaupo sa aking kama habang pinagmamasdan ko yung mga pahina ng aking diary. Bigla na lang galit at arte ang naisulat ko noong nakaraang linggo dahil...sa taong iyon...

Napatingin naman ako sa Physics book ko na nakalagay sa sulok ng aking study table tas naalala ko yung sinabi niya kanina sa dining table.


"...oh ayan, subukan mong sagutin ang practice tests dito gamit ang lapis muna sa book....tinupi ko na siya..yung sagot ng sasagutin mo ay nasa likod lang ng libro na ito...huwag mo na tingnan muna para mapraktis ka...at tapos na tayo ngayon." Napalaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Oh bakit? Ano problema? Gusto mo pa mag-aral?" Aba hindi na! Hindi na kaya ng brain cells ko na makatanggap ng marami pang impormasyon. Pero Shocks!! Baka mali naman pag sinagot ko ito!!

"Eh...hindi ko kaya...." Napayuko ako sa mesa ako ng aming dining table at napasandal sa upuan.

"Huwag mong sabihin yan...kaya mo yan...okay...at saka ayos lang naman kung magkamali ka haha...dahil wala naman perpektong tao sa mundo...isipin mo mamaya na nasa tabi mo lang ako." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon. 

Iisipin kong na nasa tabi lang siya?

Tumayo na siya at inayos ang kanyang bag at saka sinabit sa kanang balikat niya at tumingin sa akin.

"Sige na, yun lang aaralin natin. May gagawin pa ako." Sabi niya at saka tumalikod na at naglakad. Tinitigan ko siyang papalayo at hindi ako makaimik dahil parang ang bait niya?

Ilang segundo pa lamang ay tumigil at tumalikod. Nagtama ang mga mata namin at biglang tumibok yung aking puso. Shocks! Ano ito?!?!

"Hindi pa pala ako nagpapakilala." OMG SASABIHIN NA NIYA YUNG NAME NIYA. OMGG NASASABIK AKO!!

"Ako pala si Joshua Asuncion." Weh. Joshua?

"Huwag mo sana ikalat yung totoong pangalan ko dahil ayaw ko malaman ng iba...kung itatanong mo kung bakit..ang sagot diyan ay..." Hala! Sasabihin na niya!

"Ayaw ko...muna..sabihin sa iyo.." Ba yan. Pinaasa!

"Ikaw pa lang nakakaalam ng aking totoong pangalan...sige na Sheer.." Tumalikod na siya at saka lumabas na ng bahay. Hindi man ako makasalita bago siya umalis dahil sa sinabi niya na 'ikaw pa lang nakakaalam ng aking totoong pangalan'. Napahawak ako sa aking puso at hindi ko alam bakit natibok ngayon ang aking puso...


Si Mr. Pogi President ay mas kilala bilang..Joshua...


Sinara ko na yung diary ko at tinabi sa aking kanan at kinuha ko yung Physics book ko. Nung mabuklat ko yung book ay bumungad sa akin yung nakatupi. Binuksan ko yung nakatuping pahina at nagulat ako na isang circuit ang tanong. Kumuha ako ng lapis na nasa lagayan ng mga writing materials ko at saka sinagot...gusto ko talagang tingnan yung sagot sa likod pero parang nanghihinala ako siyang tingnan..

Sinagot ko siya at hindi ko tiningnan yung answer key sa likod. Inalala ko yung mga tinuro niya kanina at parang nakukuha ko yung flow nito.

Halos tatlumpung minuto ako natapos. Nagdasal muna ako bago tingnan tas ilang segundo ay tiningnan ko na siya.

Laking gulat ko na...


TAMA YUNG MGA SAGOT KO HOMAYGAD!!! HALAAA!!! SHOCKS!!! ANG GALING KO. SHEMAY!! GALING KO WOOO! Tumayo ako at sumayaw at nagsitatalon din.

I Promise | (boytoboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon