November 14, 2016 (Philippines)
"Sheer gising na!!! Pasukan na anak!!" Rinig kong boses ni Yaya at naramdaman kong may humihila ng kumot ko. "Mamaya na yaya...."Malumanay kong sagot. Pasukan na naman kasi!! "Dali na nak, malalate pa ang papa mo sa trabaho. Ihahatid ka pa niya!" Dagdag pa ni Yaya. Hay o sige na nga! Bumangon ako at napansin kong nakangiti si Yaya sa akin. "Dali na anak, isang year mo na lang ito oh tas matutuloy na ang pangarap mo sa Italy, Dalii!! Kilos-kilos na nak." Sabi niya at biglang niya ako pinalo sa braso ko. Ouch!!!
"Oo na!!! Bababa na ako!!" Sabi ko na may tonong galit. "Yan dapat!! Baba na ako ha at ihahanda ko lang yung gagamitin mo." Dagdag pa niya at umalis na siya sa kuwarto ko at nakaupo pa rin ako sa kama. Ugh! Another day..of school..boring..hindi naman ako matalino..so why bother...pero may pangarap ako. Hay! Tumayo na ako sa aking kama at saka lumabas na ng kuwarto ko para mag-ayos na ng aking sarili.
Ang pangalan ng aming kasambahay ay Lourdes Amagracio pero ang tawag namin sa kanya ay Yaya dahil yun daw ang gusto itawag sa kanya. Nakita lang daw nina papa at ni mama siya sa isang gabi at dinala siya dito sa bahay at inalok kung puwede ba siya maging kasambahay dito at pumayag naman siya. Ang suot lagi ni yaya ay lagi pambahay, ayaw ni mama at ni papa na bumili ng uniporme ng mga maid kagaya sa US para hindi maramdaman ni yaya na kasambahay talaga siya kundi parte rin si yaya ng aming pamilya. Nasa halos 50 ang edad niya at wala siyang asawa. Maikli ang buhok niya hanggang balikat, may pagka-kulubot ang kanyang balat at kayumanggi din, Mapayat siya at wala siyang lahi.
Ako nga pala si Arolle Sheer Calaguas oh mas kilala bilang Sheer, yun lang dapat ang itawag sa akin! Nasa labing-anim ang aking edad, maputi, itim na itim ang buhok, average lang ang aking pangangatwan at ako ay nakatira sa loob ng isang malaking nayon na ang pangalan ay Las Villas de Manila, ito ay nasa Biñan, Laguna. Nag aaral ako sa Future Generation Philippine International School, or FUGEN at ito rin ay nakapuwesto sa Biñan, medyo malayo-layo siya sa aming nayon. Nag-aral ako dito noong Grade 7 pa at ngayon Grade 10 na ako, after ko dito mag aral ay pupunta na ako sa Italy para ituloy ko ang aking pag aaral. Gusto ko doon pumunta dahil nandoon ang aking kinabukasan at walang makakapigil sa aking desisyon! dahil ako lagi tama. Sadyang masungit din ako kapag niloloko ako at kaya kong gumawa ng masama.
"Yaya!! Yung pagkain ko okay na ba??" Sigaw ko habang naglalakad papunta sa kusina, suot ko na rin ang aking uniporme at pati na rin ang bag ko. Si Yaya ang naghahanda ng damit ko at pati na rin baon ko araw-araw at inaasahan ko na tapos niya asikasuhin bago ko man kuhanin. Nung pagpunta ko sa kusina ay nakita kong naghuhugas si Marga ng kanyang plato sa may lababo.
Marga Calaguas is my cousin, maikli ang buhok niya at may mga curls sa bandang dulo, mapayat siya, makinis ang balat, maputi rin. Wala din siyang lahi kagaya ko dahil ang pamilyang Calaguas ay dugong Pilipino noon pa man. Isa siyang college student na nag aaral sa De La Salle Medical and Health Sciences Institute or in short, DLSU- MHSI? Or DLSU - HSI ya dont care, ang course siya ay BS Med Technology as a pre med course, dahil ang gusto niya talaga ay Doctor, and she will continue her medicine course in UST. Pero ako, tamang Italy, Doctor na ako, yes gusto ko rin maging doctor sa future ko. Enough of her information, because this is my spotlight so yeah, its mine not hers.
"Saan si yaya?" Tanong ko at tumingin sa akin si Marga habang nagbabanlaw na ng plato. "Nasa hardin na nagdidilig, ang baon mo ay nasa hapag-kainan, hindi mo ba nakita?" Sabi niya. Weh?? Pakabulag ko naman. "Tingnan ko." Sabi ko at tumalikod na ako at akmang lalakad na ako ngunit nagsalita ulit siya. "Tingnan mo kasi ng mabuti ha! At huwag mong sigawan si Yaya! Bawasan mo nga ang katarayan mo." Rinig kong tugon upang tumingin ulit ako sa kanya na ngayon ay nakatingin pa rin sa akin.

BINABASA MO ANG
I Promise | (boytoboy)
Novela Juvenil[BXB] Bakit bawal magsama ang dalawang parehas na kasarian sa mundo ngayon? Meet Arolle Sheer Calaguas, isang baklang estudiyante na spoiled brat, masungit at tamad mag-aral kaya binigyan siya ng tutor ng tatay niya, kailangan pa ba pag-aralin ang...