Kabanata 37

6 0 0
                                    

Kabanata 37




Si Miguel.


"A-anong ginagawa mo dito??" Takang tanong ko at nagsenyas siya na huwag siyang maingay habang papunta sa akin. Ang suot niya ngayonay parang nakasuot ng mga guards. Hindi naman ako nahirapan na mamukhaan siya dahil hindi ko siya makalimutan ang kanyang tangkad at itsura. "Shh...huwag ka maingay..baka mahuli nila ako..." Sabi niya at ginaw ako utos niya. Baki tba siya naka-ganyan?

"Ba-bakit iyan suot mo? Akala ko malaki ang galit mo dito?" Sabi ko at napabuntong hininga muna siya bago nagsalita. "...Bumalik ako para tulungan ka....naging parte na ako mga baliente, at responsibilidad kong iligtas ka at ibalik ka sa kanila ng buhay." Sabi niya upang magulat ako. Parten a siya ng mga rebelde kay Tito Jose???? Kailan??? At Paano??? Ano reaksiyon ni Joshua???

"...Itatakas ka namin pero...hindi ngayon dahil naisipan ni Señor Marcus na...patayin na rin mismo....Kung iniisip mo kung paano kami ni Joshua ay walang naganap na away....ako na humingi ng tawad sa kanya at kalimutan na ang mga nakaraan, sinabi ko na rin na ililigtas kita para ibalik kita sa kanya...kaya huwag ka na mag-alala..." Sabi niya at nagulat man ako. Hindi ko aakalain na iyon ang mangyayari sa pagitan nilang dalawa.

"...may kasama din mga rebelde dito na nakasuot din na kagaya ko at sila din ang magbabantay sa ating dalawa...alam din ni Ate Eleanor ito at ni Natalie rin...kaya huwag ka gaano mangamba..." Dagdag niya pa at nagugulat ako sa nangyayari. "Pa-paano niyo nalaman na nandito ako???" Tanong ko at napansin kong ngumisi si Miguel. "Siyempre, kay Natalie at kay Ate Eleanor." Sabi niya at napatawa ako ng konti. OO nga Sheer, shunga shunga mo.

"...May rason din pala ako kung bakit gusto kita makausap....gusto ko lamang humingi ng tawad sa iyo....Alam kong madami akong kasalanan s aiyo at kay Joshua...pero gusto ko na itama ang lahat...gusto ko na bumawi s aiyo kaya ko ito ginawa...kahit hindi mo man maibalik ang aking kahilingan na mahalin mo ako....pero kahit magkaibigan tayo....sapat na iyon para sa akin...." Sabi niya at nag-isip isip muna ako. Dapat ko nan ga siya patawarin dahil hindi ko na talaga maibabalik ang nakaraan...wala rin may kasalanan ng lahat ng ito.

Kinuha ko yung kamay niya at binigyan ko siya ng konting ngiti. "....Oo puwede pa tayo maging kaibigan....pinapatawad na kita..." Sabi ko at ngumiti siya sa akin at bigla akong niyakap upang magulat ako at niyakap ko na din siya. "....maraming salamat...hindi ko ito makakalimutan...gagawin ko lahat para mailigtas ko kayo...pangako ko iyan kay Joshua at...sa iyo...."

Napangiti na lang din ako sa sinabi niya dahil nagbago na siya. Bumaklas na kami sa isa't isa at hindi namin mapigil ang aming mga ngiti, ramdam namin na good terms na kaming dalawa at...okay lang naman iyon. "bago ko pala makalimutan ay...huwag mo akong tatawagang Miguel...pero tawagin mo ko as Richard." Sabi niya at napataka ako. Ha? Bakit babaguhin pangalan?

"Hindi nila malaman na ako si Miguel. Magbabago lang din ako ng anyo sa pamamagitan ng paglalagay ng pekeng balbas at pati rin yung aking ayos sa buhok. Ganundin ang ginawa ng mga ibang kasama ko. Alam din ito ni Ate Eleanor kaya huwag mong tatawagin ako ng totoong pangalan. Masisira ang plano natin." Sabi niya at tumango ako.

"Pero bakit mo naman naisipan Richard?" Tanong ko tapos hindi siya nakaimik ng ilang segundo. "...Wala lang..." Sabi niya at ngumiti ako. "Weh, parang gusto mo maging Richard Gutierrez eh." Sabi ko at napatawa siya at ako. "At least, pogi pa rin." Banat niya pero nag "weh" face ako sa kanya. "Hindi ka nga model eh." Sabi ko tas nagulat siya. "Naporma ako huy. Huwag ka nga." Sabi niya at tumawa ako lalo at ilang sandali ay tumigil ako at tumahimik yung aming paligid. Nakatingin lamang si Miguel sa akin.

I Promise | (boytoboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon