Kabanata 31

9 0 0
                                        

Kabanata 31


"SUNOGGG!!!!!!!" Sigaw ng isang magsasaka. Nagkakagulo ang lahat, nagtatakbuhan, natakas palabas ng bahay, nagsisigawan. Mabilis kumalat yung apoy upang umapoy na din ang palay at mga pananim. "TULUNGAN NIYO KAMI!!!" Sigaw ng isa pang masasaka.

"HALIKA NA SHEER!!" Sigaw sa akin ni Joshua upang kuhanin niya kamay ko at tumakbo kami gitna ng field. Sinarado ko ang aking bibig at ilong dahil makapal na yung usok ng apoy. Nung malapit na kami sa mansion ay nakita naming na natakbo papunta sa amin si Tita Natasha, Ruth, Tita Felicidad at si Benjamin. Teka! May kulang!

"Nasaan ang aking kapatid?!?!" Takang tanong ni Joshua. "Nung malaman namin sa iang ale na may apoy habang nag-aayos pa sa kusina ay agad kaming nagkagulo! Napasama si Mark kina Tonyo at ngayon hindi pa namin sila makita." Sabi ni Tita Felicidad at napaface-palm na lang si Joshua. "HINDI KO MAPAPATAWAD ANG AKING SARILI KUNG SAKALING MAWALA PA ANG AKING BUNSO! SINO ANG NAGPASIMUNO NG APOY NA ITO!?" Sigaw ni Joshua.

"Joshua! Tahan muna! Alam kong hindi pababayaan ni Tonyo si Mark! Ang kailangan natin gawin ngayon ay—" Hindi na natapos yung sasabihin ni Benjamin dahil may sumigaw upang mapatingin kami kung saan nanggaling iyon.

"MGA KASAMAHAN!!!!" Sigaw ni Mang Raul na galing siya sa isang banda ng palayan papunta sa gitna at ilang sandali ay may nakita kaming mga lalaki na naka-armas at may mga baril. "JUSKO, NANDITO ANG MGA TAUHAN NI JOSE! NALAMAN NIYA KUNG SAAN TAYO NAGTATAGO!" Sigaw ng isang matandang babae. "LABANAN SILANG LAHAT!!!" Sigaw ni Senor Marcus at yung iba pa ay sumigaw din. "AKALA NIYO NA MALAKAS NA KAYO? KAHIT HINDI KAMI HANDA! SA DAMI-DAMI NAMIN AY HINDI NIYO KAMI MAPAPATAY!!!" Sigaw pa ni Senor Marcus Nagulat kaming kumuha sila ng mga matatalim na gamit para sa mga pangkatay ng hayop  at para sa pagsasaka at sumugod silang lahat sa mga kalalakihan na naka-armas.

"WALANG SUSUKOOO!!" Sigaw ni mang Raul at nakipag-away na sila sa kanila. Nagsusuntukan, nagbabarilan, nagsisigawan. Sa dami-dami kong pinanood na action movies sa tv ay maangas tingnan pero nakikita ko ngayon ay hindi pala maangas, madaming nagpapatayan.

"GUSTO KO LUMABAN! KAILANGAN KO SAMAHAN ANG AKING ASAWA!" Sigaw ni Tita Felicidad ay agad siyang tumakbo papunta sa kanila. "INA! HUWAG!" Sigaw ni Benjamin at akmang susundin niya si Tita pero pinigilan ni Tita Natasha. "huwag! Dito kayong lahat! Hindi ligtas ang gagawin nila!" Sabi ni Tita Natasha. "PERO KAILANGAN KO ILIGTAS ANG AKING INA AT AMA! AYAW KONG MAWALAN NG MAGULANG!" Sigaw pa ni Benjamin pero hinawakan siya ni Ruth sa kamay. "Benjamin! Kung mapapapunta ka doon, puwede kang mamatay! Paano na kung sakali na mabuhay ang magulang mo! Paano sila?! Paano ako?! Handa ka ba na mawala ako sa tabi mo!?" Sabi ni Ruth at hindi na nakaimik si Benjamin.

"Halika na kayo! Dito muna kayo sa isang tabi! Huwag kayong lalapit sa may sunog! Umalis na tayo dito! Kumuha na tayo ng tulong para tumigil ito!" Sigaw ni Tita Natasha at wala na kaming choice kundi sundin. Nauna kami maglakad at sa likod namin si Tita. Iniwas naming yung mga naghuhulugan na bagay galing sa bahay at mga ilang minuto ay nakalabas kami ng gate. Paglabas ay nasulubungan naming si Tonyo at si Mark.

"Kuya!" Sigaw ni Mark upang magyakapan silang dalawa ni Joshua. "Salamat sa Diyos na ikaw ay ligtas!" Sabi ni Joshua at parang naiiyak na siya. "Oo nga Kuya, akala ko naman na kayo pa ang mawawala!" Sabi ni Mark at naiiyak na rin ako dahil parang anak na niya si Mark. Mapagmahal na ama kung sakaling siya ay nagkaroon ng anak...kagaya ni Tito Anthony...

"SHEER! NATASHA! RUTH! ANONG GINAGAWA NIYO DITO?!?!" Rinig kong sigaw at kinabahan ako agad dahil pamilyar sa akin yung boses. Dahan-dahan akong tumalikod at nahulog ang aking mga lamang-loob.


SI PAPA at nasa likod lamang niya si BLYTHE!


Galit na galit ang kanyang itsura sa akin at napalunok na lang ako dahil parang susuntukin na talaga ako ni Papa. Teka muna! Bakit niya kasama si Blythe?! Pagkalapit niya ay agad niya akong sinampal sa pisngi upang mapahawak ako sa aking pisngi. "ANONG GINAGAWA MO DITO! AKALA KO GUSTO MONG MAGPAHINGA!" Sigaw niya sa akin! "Tito Edward, huwag niyo pong—" Hindi na natapos yung sasabihin ni Ruth dahil nakita kong sinampal siya ni Papa. "ISA KA PA, MANANG-MANA KA SA NANAY MO NA MANLOLOKO!" Sabi niya at nakita ko rin na sinampal rin niya si Tita Natasha upang mapadapa siya sa lupa at lumaki ang aking mga mata.


I Promise | (boytoboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon