Kabanata 33
ANOOOO?!?!?!?
"Bakit ito naisipan ng aking ama?!??! Nasaan siya?! Gusto ko siya makausap!" Sabi ko. "Nasa baba lamang po siya." Sabi ng isang guwardiya at rektang dumeretso ako papunta sa hagdan at saka bumaba. Nung nababa ako ay nakita ko si Mama at napatayo siya nung makita niya ako. "Sheer, anong problema mo??? Umagang-umaga ay iyan na ang itsura mo." Sabi ni Mama.
Pagkalapit ko sa kanya at ako'y napahalukihip. "Bakit may guwardiya sa may gilid ng kuwarto ko. Hindi naman itong isang palasyo para magkaroon ng guard sa kuwarto. Bakit ito naisipan ni Papa?!??!" Tanong ko at hindi nakasagot si Mama ng ilang segundo.
"Anakk..—"
"Dahil ayaw kong may makapasok dito na mga rebelde, baka patayin tayong lahat." Narinig kong tugon ni papa upang mapatingin ako sa kaliwa, nakatambay sa gilid ng hagdan habang nakahalukihip at may suot na salamin. "Pero Pa bakit pa rin, hindi naman sila makakapasok dito." Sabi ko at ilang sandali ay nilagay niya yung kamay sa pockets ng pantalon niya. "May paraan ang mga walang modong taong iyan kaya ngayon pa lang, i-praktis natin ang kaligtasan sa loob ng bahay para wala ng madamay pang iba." Sabi niya at hindi naman ako nakaimik dahil ayaw ko na lumala ang usapan namin.
"Siya nga pala, buti maaga ka nagising. Pupunta tayo sa Alaminos para sa isang picture ng bawat pamilya natin. Magsuot ka ng casual o kahit ano, basta maayos. Ang alis natin ay maya-maya na, kaya maghanda ka na." Sabi niya. "Maglalagay ulit tayo ng panibago sa may sala, dahil sinunog na ni Yaya yung gawa ng Vincent na iyon noon." Dagdag niya pa.
"Sino magpipicture sa atin?" Tanong ni Mama. "Ewan ko, may kinuha si Mateo na photographer dahil wala si Kuya Rodel. Hindi ko na alam kung anong nangyari sa kuya ko, wala man lang paramdam." Sabi niya at saka umalis papunta sa itaas. Napaisip tuloy ako. Hindi pa rin ba alam ni Papa na si Tito Rodel ay isang rebelde?? Galing mag-ano ni Tito Rodel ah
"Osiya anak, kumain ka na at mag-ayos, maliligo lang ako." Sabi ni Mama at umalis na siya papunta sa banyo. Pumunta ako sa kusina at nakita ko si Yaya sa may lababo na naghuhugas at ilang sandali ay napatingin siya sa kanyang likod.
"Oh! Kain ka na diyan, nagluto ulit ako ng itlog para sa iyo." Sabi ni Yaya at nakita ko sa isang mesa dito ay may plato na itlog. Ang bait ni Yaya, pinagluto niya ulit ako kahit tapos na sila kumain. "..Salamat yaya..." Sabi ko at saka umupo na ako sa upuan na katabi at kinuha ko yung plato na may itlog at nagsandok ako ng kanin. Ilang sandali ay tumabi sa akin si Yaya. "oh Yaya bakit?" Sabi ko. "..Puwede mo bang hinaan yung boses mo muna?" Sabi niya upang mapataka ako.
"ha bakit?" Sabi ko at nilapit niya yung kanyang bibig sa aking tainga. "...Narinig ko sa mga tao kanina sa palengke na...hinahanap na nila ngayon si Eleanor dahil may ginawa siya sa pamilya Montecillo." Sabi niya at lumaki mga mata ko, at dahan-dahan tumingin sa kanya. "...Tapos ang ginawa niya ay...nagnakaw siya ng isang bagay, hindi alam ang totoong rason kung bakit siya nagnakaw." Dagdag pa ni Yaya upang hindi na ako makakain. Lalo ako natatakot para sa kanya, sa kamay pa lang ni Tito Jose, alam na ang kapalaran.
Alas-diyes na kami nakarating sa bahay ni Tita Natasha at pagpasok pa lang namin ay nandoon na ang mga ibang pinsan ko. Pagpasok pa lang namin sa bahay ay nakita namin may isangcamera sa harap at mga tito namin aynag-uusap lamang. Nasa isang banda ang mga pinsan ko kaya doon ako pumunta, pagkalapit ko ay nakita nila ako at niyakapko agad si Ruth. "...I am so sorry..." Sabi ko at saka bumaklas kay Ruth. "...wala kang kasalanan...okay...ramdam ko nga kahapon na gusto mo mag-sorry pero parang nahihiya ka pa kaya hindi mo muna tinuloy..." Sabi niya at napangiti na lang ako.
BINABASA MO ANG
I Promise | (boytoboy)
Fiksi Remaja[BXB] Bakit bawal magsama ang dalawang parehas na kasarian sa mundo ngayon? Meet Arolle Sheer Calaguas, isang baklang estudiyante na spoiled brat, masungit at tamad mag-aral kaya binigyan siya ng tutor ng tatay niya, kailangan pa ba pag-aralin ang...