CHAPTER 25
"Sheer, dali na, kausapin mo naman kami dito." Rinig kong tugon ni Tita Natasha. Nandito kami ni Ruth ngayon sa sasakyan ni Tito Rodel at nakadungaw lang ako sa may salamin habang dumadaan ang mga kotse.
Nung nakarating na kami ulit sa subdivision ay lumabas kami ng kotse at daling-dali kami lumaakad para sabihin ang nangyari. Wala yung guwardiyang nakabantay ngayon at nung liliko na kami ay laking gulat namin na may sumalubong sa amin, si Miss Felicidad at si Ruth na dala ang aming bag.
"Oh Ruth! Miss Felicidad?? Bakit kayo nasa labas???" Takang tanong ni Tita Natasha. "Umalis na tayo dito! Nandito ang mga kasamahan ni Mayor Jose, kutob ko tuloy na nahanap niya tayo kung saan nagtago. Buti na lang nakatakas kami sa likod at may naalala ko yung daan ng patago sa may area namin." Sabi ni Miss Felicidad at lumapit na sa amin si Ruth at binigay na yung bag namin.
"Anong nangyari?? Nasaan ang aking anak at ang aking asawa?? SI Joshua?? Si Tito Anthony?" Takang tanong ni Miss Felicidad at hndi kami nakaimik ni Tita Natasha. Napatingin sa amin si Ruth at mukhang taka na rin siya. "...Wala na si Tito Anthony.." Sabi ni Tita Natasha at napansin kong gulat na gulat si Ruth at si Miss Felicidad, napahawak din sya sa kanyang dibdib. "Dinakip na rin ng mga tauhan din ni Jose sina Joshua, Mang Raul, at si Benjamin." Dagdag pa ni Tita at hindi nakaimik ng ilang sandali si Miss Felicidad.
"Iwan niyo na ako, tumakas na kayo, hanggang mahuli pa ang lahat, sasama na ako sa kanila!" Sabi ni Miss Felicidad at nagulat kami. "Paano kayo po?" Tanong n Tita Natasha. "hayaan niyo na ako, hindi ako makakapayag na ako ay ligtas tas ang pamilya ko hindi, sige na!" Sabi niya at tumakbo na kami palayo sa kanya kasama si Ruth. Tumingin ulit ako sa likod at pansin kong nawala na siya.
Pasensiya Miss Felicidad...
"Sheer, huy, ayos ka lang ba?" Rinig kong tugon ulit kay Tita Natasha at napatingin ako sa kanya sa may rear mirror at nakatingin din pala siya sa akin. Hindi man ako makaimik dahil sariwa pa rin sa akin yung alaala na patay na si Tito Anthony. Ilang segundo ay ramdam kong may humawak sa aking kaliwang balikat. "...Huwag kang mag-alala...magiging maayos din ang lahat..."Rinig kong tugon kay Ruth ngunit hindi ko siya nilingon. Binalik ko na lang tingin ko sa salamin at napabuntong-hininga.
Kalian ba naging okay ang lahat?
Eh lalong palala ang nangyayari...
Wala na si Tito Anthony...
Wala na si Kuya Dale at si Ate Amy...
Wala na si Tito Vincent...
Wala na si Tito Randy....
Kailan ba magiging okay ang lahat?
Bakit ito ang aking dinanas sa buhay? Hindi ko ito hniling, pero bakit ito ang binigay sa akin ng tadhana??
Pero...kung may koneksiyon si Tito Randy at si Tito Jose noon...posible nga bang isang frame-up ang nangyari kay Kuya Dale at kay Ate Amy? Pati na rin ba ang kaso ni Tito Anthony? May alam din ba siya sa pagpatay kay Tito Vincent?
Kung kasama ni Tito Jose at ni Natalie si Miguel, alam ba ni papa ito? At nung makita ko siya sa araw mismo ng lamay kay Tito Randy, may kinalaman nga ba siya sa pagpatay sa aking Tito?
Nandito na kami ngayon sa bayan at pupunta sa may bus terminal dahil darating si Papa, Yaya, at Marga para sunduin ako. Pagkarating naming sa bus terminal ay nagulat kaming tatlo na madaming tao nakatayo doon sa may harap. "Ma, anong nangyayari?" tanong ni Ruth, bigla tuloy ako nakaramdam ng hindi maganda ngayon, shocks! Ilang segundo ay biglang tumigil yung sasakyan naming dahil ayaw magbigay daan yung taong nasa harap. "Ano ba ang nangyayari." Sabi ni Tita Natasha at bumaba siya ng sasakyan. Bumaba na rin kaming dalawa ni Ruth at sinundan si TIta.

BINABASA MO ANG
I Promise | (boytoboy)
Ficção Adolescente[BXB] Bakit bawal magsama ang dalawang parehas na kasarian sa mundo ngayon? Meet Arolle Sheer Calaguas, isang baklang estudiyante na spoiled brat, masungit at tamad mag-aral kaya binigyan siya ng tutor ng tatay niya, kailangan pa ba pag-aralin ang...