Kabanata 36
Lumipas na ng tatlong araw, kasalukuyang nakaupo ako sa may hagdan ng papasok ng bahay habang hinihintay si Joshua kanina pang umaga. Hindi niya kasi binanggit kung anong oras siya pupunta kaya naisipan ko na lang bumangon ng umaga nab aka sakaling sunduin niya ako ng maaga sa bahay. Ang tatay ko naman ay usual pa rin pero bumangon na siya isang araw at nag-ayos para maging malinis tapos babalik ulit sa kuwarto para magmukmok doon. Bago naman ako umalis ay sinilip ko muna siya at nakita kong tulog siya, katabi ang mga alak.
Hindi ko nilinis ang kuwarto niya kasi kusa niyang nilinis iyon. Very good naman pala siya. Hindi na siya pumasok noong mga nakaraang araw at hindi ko alam kung nagtratrabaho pa rin ba yung employees doon. Baka nga gumuho na ang kanyang kumpanya dahil siya naman ang may kasalanan ng lahat.
Nakatirik talaga sa akin ang araw ngayon, mga nasa alas-dose yung oras. Nakabihis naman ako ng pang-alis siyempre, at hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung ano ba ang sasabihin ni tita sa akin, si Tito Rodel din ay nagtataka din tungkol kay tita at medyo weird iyon? Ay wait hindi naman talaga weird iyon na manghinala ka tungkol sa asawa mo especially kapag weird talaga ang ginagawa niya at saka bakit sa simbahan? Bawal ba sa bahay ko?
Ilang sandali ay may napansin akong nakatayo sa may tapat ng gate sa hindi kalayuan at namukhaan ko na siya si Joshua. Tumayo na ako at saka tumakbo papunta sa gate. Pagkarating ko ay nakasuot siya na parang magsasaka. Binuksan ko yung gate at hinalikan niya tuloy ako sa pisngi upang magulat ako. "...Woww pogi naman ng aking kasintahan." Sabi niya pagkatapos niya ako halikan. Inirapan ko siya at ngumiti. "Eh ikaw nga diyan, bakit ka nakasuot ng pang-magsasaka." Sabi ko at tumawa siya ng konti.
"Ehhhh wala na ako masuot na t-shirt kaya ito na lang sinuot ko, ayaw ko rin naman magsuot ng sando dahil ayaw kong makita nila yung muscles ko sa braso." Sabi niya at napatingin naman ako sa braso niya. May muscles nga siya!! Sabagay nagbubuhat ito sa Pampanga noon kaya meron siya. "At ayaw ko rin ipakita sa kanila iyon, ikaw lang dapat makakita." Sabi niya sabay ngiti upang mapakilig ako dito ng wala sa oras. ENEBE!!! KELEG NEMERN AKO HERE. HAHA
"Halika na?" Tanong niya at tumango ako. Kinuha niya kamay ko at dinala niya ako sa kanyang bisikleta at saka sumakay na kami, inayos ko yung puwesto ko. "Pasensiya rin pala kung hindi ko nasabi sa iyo kung anong oras tayo magkikita. Nakalimutan ko kasi dahil sobrang saya ko nung nagsama tayo papunta sa palengke tas nagluto tayong dalawa." Sabi niya at napatingin ako at nakatingin pala siya sa akin, ang glimmering ng kanyang mata upang tumibok ang puso ko. Hala siya! hindi naman kailangan niya magpasensiya. "Hindi! Okay lang iyon sa akin! Wala naman kaso iyon sa akin haha!" Sabi ko at ngumiti na rin siya.
"I love you." Sabi niya at napatulala na naman ako dahil bigla niyang sinabi sa akin, I MEAN HINDI KO INEEXPECT NA NAMAN! HAHA! Nakaramdam tuloy din ako ng pamumula sa aking pisngi. "I love you too." Sabi ko at tumingin na siya sa harap. "Lets goooooo" Sabi ni Joshua at nagpadyak na siya.
Hindi ko maiwasan tuloy ngumiti dahil kasama ko muli si Joshua, yung tao nagpabago sa akin ng buhay at yung tao na minahal ako ng buo.
Nandito na kami ngayon sa simbahan ng Sto. Rosario. Pinarke ni Joshua yung bisikleta sa may labas lang at doon na lang siya maghihintay para mabantayan niya iyon. Pumasok ako sa may hardin habang dahan-dahan ako naglalakad, nakikita ko na may tao din dito na nag-uusap at mga bata rin na natambay sa mga istatwa ng mga anghel. Pagkapasok ko mismo sa loob ng simbahan ay may mga nakaluhod na nagdadasal.
![](https://img.wattpad.com/cover/218171391-288-k803015.jpg)
BINABASA MO ANG
I Promise | (boytoboy)
Novela Juvenil[BXB] Bakit bawal magsama ang dalawang parehas na kasarian sa mundo ngayon? Meet Arolle Sheer Calaguas, isang baklang estudiyante na spoiled brat, masungit at tamad mag-aral kaya binigyan siya ng tutor ng tatay niya, kailangan pa ba pag-aralin ang...