CHAPTER 22
"Nak, may problema ba?" Rinig kong tugon upang matauhan ako at mapatingin sa likod at nakita ko sina Yaya at Marga. "Ayos ka lang ba? Parang nakakita ka ng multo dahil lamang sa itsura mo." Sabi ni Marga. Nakatitig pa lang din ako sa kanila dahil nga sa aking nakita.
"Nakita ko kasing hinuhuli ng mga pulis si Joshua." Tugon ko upang magulat silang dalawa. "Seryoso ka?? Hinuhuli ng pulis si Joshua?? Bakit, ano ang kaso???" Sabi naman ni Marga. "Oo si Joshua, pero alam kong hindi kayang gumawa ng isang kasalanan." Sabi ko. Totoo naman ang aking sinasabi dahil naalala ko yung ginawa niya kay Mercedes nung nasa simbahan kami.
Ilang sandali pa ay lumapit sa akin si Yaya at hinawak niya ng aking kaliwang balikat. "Huwag kang mag-alala. Sang-ayon din ako sa iyong sinasabi. Mali lamang ang mga pulis sa pag-huli sa kanya." Sabi niya, sabay ngiti at ramdam kong gumaan ang aking loob kahit papano. Sana yaya tama ang iyong sinasabi, sana mali ang pulis. Hindi ako makakapayag na makukulong si Joshua sa mga bagay na hindi niya kayang gawin.
Tapos na kami mamili at nasa bahay na din kami. Pagkabukas namin ng pintuan ay nakita kong nakaupo si Papa sa may sofa sa sala habang nagbabasa lamang ng libro. Tuloy-tuloy lang kami pumasok at wala man siyang bati sa amin.
"Dali na, ilagay na natin ang ating pinamili sa kusina." Sabi ni Yaya at saka dumeretso na kami sa kusina. Habang naglalakad ay natingin ako kay Papa ngunit hindi pa rin siya natingin. Kailan kaya lilipas ang init ng kanyang ulo?
Pagkarating namin sa kusina ay sinabi ni Yaya na ilagay sa mesa at sinunod namin siya. "Salamat talaga sa inyo, magluluto talaga ako ng masarap na pagkain para sa tanghalian mamaya." Ngiting tugon ni Yaya. "Hindi yun Yaya, nagpapasalamat kaming dalawa na kahit may kasalanan kami, hindi niyo kami tinalikuran o nabago ang trato niyo sa amin..." Sabi ni Marga at lalong napangiti si Yaya at hinawakan niya ang mga kamay namin. "..Parang ko na rin kayong mga anak...at ang isang tunguhin ko ay dapat alagaan ko kayo at walang masaktan sa inyo..." Sabi ni Yaya at nakaramdam tuloy ako ng kirot sa puso dahil sa sinabi niya. Suwerte namin talaga sa kanya...
"O siya, gusto niyo ba akong tulungan?" Sabi ni Yaya at tumango si Marga. Tinanggi ko na lang dahil gusto ko rin magpahinga pa at wala akong gana tumulong, baka hindi sumarap kung tumulong ako, pumayag naman si Yaya. Umalis na ako sa kusina. Nung papaunta na ako sa hagdan ay nagbabasa pa rin ng libro si Papa. Nung nasa may ika-limang hakbang na ako ay ako'y napatigil at napatingin ulit kay Papa.
Gusto ko kasi siyang kausapin tungkol sa nakita ko kanina sa palengke at tulungan din niya si Joshua...baka doon, maging magkaibigan ulit sila! pero baka awayin o magalit lang sa akin...
Hindi! kailangan ko gumawa ng paraan! Gusto ko iligtas si Joshua at pati na rin sa ikakabuti rin sa pamilya niya!
Bumaba ako sa hagdan at ako'y yumuko papunta kay Papa. Nung nasa tapat ko na siya ay hindi pa rin niya ako kinakausap o hindi man lang napatingin sa akin.
Magsasalita na sana ako ngunit bigla siyang nagsalita. "Ano kailangan mo." Tugon niya upang makaramdam ako ng kaba. Parang galit siya at hindi ko alam kung anong puwede pa niyang gawin! Omg!!!
"P-papa...sana huwag ka magalit agad pero...puwede niyo po bang tulungan si Joshua?" Sabi ko habang nanginginig ako dahil sa kaba. "Tulungan saan." Sabi niya at pansin kong hindi pa rin siya nakatingin sa akin.
"Tu-tulungan dahil po..kanina nung nasa palengke kami...nakita ko na huhulihin ng mga pulis si Joshua...hindi ko pa alam kung ano ang kaso pero narinig ko sa ibang tindera na may babaeng gumahasa at baka yun ang dahilan kung bakit siya huhulihin....at alam kong hindi niya kayang gumawa ng ganon..." Sabi ko at hindi umumik si Papa. Ilang sandali pa ay sinara ang binabasa niyag libro at nilapag sa mesa at pansin kong tumingin sa akin.

BINABASA MO ANG
I Promise | (boytoboy)
Teen Fiction[BXB] Bakit bawal magsama ang dalawang parehas na kasarian sa mundo ngayon? Meet Arolle Sheer Calaguas, isang baklang estudiyante na spoiled brat, masungit at tamad mag-aral kaya binigyan siya ng tutor ng tatay niya, kailangan pa ba pag-aralin ang...