CHAPTER 13
BAKIT SIYA NANDITO?!?! HINDI NAMAN ITO TAGA-CALAGUAS AH!
Nilagay niya ang sombrero niya sa may dibdib at nag bow sa amin. Nakasuot siya ng barong tagalog at itim ang kanyang pantalon. Maayos rin ang kanyang buhok. "Ay! Ma-Magandang umaga rin Ginoo." Sabay sabi ni Ruth at Leah at pansin ko rin ngumiti din sila. Bakit ang pormal nila magsalita?! Grabe naman?! Tas ilang sandali ay nakatitig lang pala sa akin si Joshua. Gosh! Anong dapat gawin ko?! Bigla naman akoy siniko ni Ruth kaya tumingin ako sa kanya. Nagbukang-binig siya ng "Bumati ka rin" at tumingin ulit ako kay Joshua.
"Hello." Sabi ko. Tas ilang sandali ay sinagi ulit ako ni Ruth at tumingin ako sa kanya. Nagbukang-bibig siya ng "Kailangan pormal!". Nagbukang-bibig ako ng "Bakit ba?!" Tas ilang sandali ay may sumigaw.
"Magandang umaga sa inyong lahat!!!!" Sigaw ni Tita Helen na nakatayo sa may entrance door ng bahay. Grabe si Tita! Naka Filipiniana outfit! Nakapusod din ang kanyang buhok at may hawak siyang pamaypay. Sumunod naman si Tito Anthony na hawak sa kamay si Mark at ang kanilang suot ay Barong Tagalog din. Nasa sinauhang panahon ba sila?!?! Grabe!!!
"Helen!! Mabuti nakarating kayo!!!" Rinig kong tugon ni Tita Natasha at nakita kong palapit siya kay Tita Helen para yakapin. "Magandang umaga ho sa inyong lahat." Bati naman ni Tito Anthony at nakipag-shake hands kay Tita Natasha. "Halika na muna kayo. Alicia! Pakiasikaso yung dumating na bisita natin." Sabi ni Tita Natasha at umalis na siya. Lumapit yung isang babae na nakasuot ng baro't saya at hinatid sila sa mga bakanteng upuan.
"Patawad sa inyo pero pupuntahan ko lang yung mga magulang ko..mamaya natin ituloy ulit yung usapan natin." Sabi ni Joshua at pansin kong tumango sina Leah at Ruth. "Mas lalo sa iyo Ginoo, gusto pa kita makausap." Ngiting tugon niya sa akin at siya ay pumunta na sa pamilya niya. Napatitig na lang ako sa kanya habang napunta siya doon.
Kakaibang tao! Napaka-pormal! Pero hindi ko maintindihan na bakit ko nagugustuhan ang mga ngiti niya sa akin.
"Huy! Ikaw talaga ah!" Rinig kong tugon kaya natauhan ako. Napatingin naman ako sa kanilang dalawa na ngayon ay nakangiti ng todo at parang kilig na kilig. "Ano ba!" Banat ko. "Sus kinikilig diyan noh, mas lalo nung sinabi niya sa iyo na 'gusto ka pa niyang makausap'" sabi ni Ruth at nagtawanan silang dalawa ni Leah. Napakunot naman ako at nag cross arms. "Baliw." Sabi ko. "Huwag mo na tanggihin, kitang-kita ko sa mga mata mo na gusto mo siya." Sabi naman ni Leah. "Hindi nga." Sabi ko. "Huwag mo na lokohin sarili mo Sheer. Kung ang puso mo ay natibok sa taong iyon, ibig sabihin gusto mo siya at yun na." Sabi ni Ruth. Dahan-dahan akong tumingin kay Joshua na ngayon ay nakikipag-usap sa pamilya niya. Nangiti din siya at ramdam kong natibok na naman ulit puso ko sa kanya. Tumingin ulit ako kina Leah at Ruth na ngayon ay nakatingin pa rin sa akin.
"Oo na, gusto ko siya."
Lumaki ang mga mata nila at todo yung ngiti nila ngayon. "Sabi ko na nga ba ehhh!!!" Sabi naman ni Ruth at nagtawanan silang dalawa. Napatawa naman ako kahit papano at tumingin ulit ako kay Joshua.
Bakit natibok ba ang puso ko sa iyo?
Kung kasama kita lagi.
Kung makita ko man ang mga ngiti mo sa akin.
Kung inaasar mo ako.
BINABASA MO ANG
I Promise | (boytoboy)
Ficção Adolescente[BXB] Bakit bawal magsama ang dalawang parehas na kasarian sa mundo ngayon? Meet Arolle Sheer Calaguas, isang baklang estudiyante na spoiled brat, masungit at tamad mag-aral kaya binigyan siya ng tutor ng tatay niya, kailangan pa ba pag-aralin ang...