Kabanata 9

58 6 0
                                    

CHAPTER 9


Si Miguel.


Nakangiti siya ngayon sa akin. Anong nginingitian niya diyan?!Anong ginagawa niya dito?!?! Ano naman ulit pakay niya sa akin?!? Iiwanan niya ba ulit ako?!?!

"Nak, bumati ka naman diyan." Rinig kong tugon ni yaya kaya natauhan ako tuloy.

"Magandang umaga po sa inyong lahat." Bati ko at ngumiti.

"Halika dito, ipapakilala ko sila sa iyo." Sabi ni yaya. Lumapit ako sa tabi ni yaya at hinawakan niya ang likod ko.

"Iyan si Sir Vincent Monserate. Siya yung kaibigan ng Papa mo at siya rin yung gumawa ng family painting natin noong Disyembre 2013." Sabi niya sabay turo gamit palad niya. Nasa halos singko na ang edad niya. Kayumanggi ang kanyang mga balat at medyo kalbo na rin siya. May MOUSTACHE din siya. Tiningnan ko rin siya ng mabuti at naaalala ko ng onti na siya yung pintor noon. Nilipat naman ni yaya yung palad niya kay Miguel.

"Iyan naman si Miguel Monserate, siya yung pangalawang anak ni Sir Vincent." Hanggang ngayon nakangiti pa rin siya sa akin. Nasa halos kasing edad ko lang siya, puti ang kanyang balat at pang cool guy style ang kanyang buhok. Nakapagtataka nga na bakit hindi niya kakulay yung tatay niya. Pero wait, may isa pang kapatid pala ito.

"Nagagalak ko po ulit na makilala kita." Sabi ni Tito Vincent. Tumango ako pero pinalo ako ng mahina sa likod ni yaya.

"Nagagalak ko din po kayo makilala hehe." Sabi ko. Aray ah! Ginawa niya yun dahil alam kong may kulang ako sa aking ginawa. Kailangan ko rin sabihin na ikinagagalak ko rin siya makilala. Hindi natanggap si Yaya ng isang tango.

"O sige, gagawa lang po ako ng makakain natin. Tulungan mo ako ni Marga." Sabi ni yaya at saka umalis. Shems! ako lang natira dito na nakatayo at nakatingin sila ng pareho sa akin. Mapupunit yung mukha ni Miguel sa kakangiti niya ng todo. Hay! Bakit pa ito ang naging anak niya! Napatingin ako sa kanan at wala na pala si Joshua. Saan siya pumunta?

"So, musta naman ikaw Hijo?" Rinig kong tugon ni Tito Vincent kaya napatingin ako sa kanya.

"Ah okay lang po hehe." Sabi ko at sabay ngiti.

"Umupo ka Hijo, baka mapagod ka." Ngiting tugon ni Tito Vincent. Wow! Ang bait pala niya! Pero itong anak niya, sus saan kaya ito nagmana. Umupo ako malapit kay Miguel. Gosh! Hindi ako mapakali dahil kanina pang nakatingin sa akin si Miguel. Parang binabantayan ka ganun! Parang may balak! Hay nako talaga! Isa siyang f*ckboy!

"Saan nga pala ang nanay mo? Parang hindi ko siya nakikita?" Tanong sa akin ni Tito Vincent.

"Oh uhhh nasa Italy po siya, nagtratrabaho po siya doon."

"Ahh, uuwi ba siya ngayong Disyembre?" Oo nga, uuwi ba si Mama ngayong Pasko?

"Uhhhhh yun po ang hindi ko alam dahil wala pa pong balita si Papa." Napatango na lang siya. Noong mga nakaraang taon, bago pa lang mag ber-months ay sinasabi na ni Mama kay Papa na kung uuwi siya o hindi at nakakauwi naman siya pero sa taong ito bakit hanggang ngayon wala pang sinasabi si Mama. Hmmm.

"Ano pala nangyari sa inyong kamay." Sabi niya sabay turo. Napatingin ako at aking naman hinimas.

"Oh..uhhh...naaksidente ko pong natamaan yung bubog ng pinggan hehe." Waw 'aksidente' ah. Haha! Napatango naman siya at tumahimik yung paligid namin.

"Ay saan nga pala yung banyo dito?" Biglang tanong ni Tito Vincent.

"Ah sige tulungan ko po na kayo hanapin." Sabi ko. Hay! Gusto ko na umalis dito dahil ang weirdo ni Miguel!

I Promise | (boytoboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon