Kabanata 14

25 2 0
                                    

CHAPTER 14



Bumaba si Papa sa hagdan at sumunod na din si Yaya. Nakakaramdam na ako ng kaba dahil baka hindi lang suntok ang magawa ni Papa kay Miguel. Kailangan ko nang iligtas siya! Tumayo ako sa harap ni Miguel at nakikita kong hinahanda ni Papa yung kamao niya. Dire-diretso lang siya sa paglalakad at nung malapit na siya sa akin ay itinulak papalayo upang mapadapa ako. "SHEER!" Rinig kong sigaw ni yaya. Nakita ko na kinuweliyo niya si Miguel at tinaas na niya yung kanang kamao niya sa may itaas ng ulo niya. "HINDI KA BA TITIGIL HA?! ILANG BESES KONG SASABIHIN SA IYO NA HINDI AKO PAPAYAG NA IKAW ANG MAGIGING KA-RELASYON NG ANAK KO!" Sigaw niya.


Pinilit kong tumayo at lumakad papunta sa kanila kahit ang sakit ng katawan ko dahil sa pagkatulak ni Papa. Pagkalapit ko ay hinawakan ko ang braso na nakahawak sa kuwelyo ni Miguel at nanlilisik rin ang mga mata niya. "PAPA! TAMA NA! PLEASE NAGMAMAKAAWA PO AKO SA IYO!" Sigaw ko binali niya ang tingin sa akin." MANAHIMIK KA! UMALIS KA!" Sigaw ni Papa. "PAPA HUWAG!" Sigaw ko ulit. "Itigil mo yan!" Rinig kong tugon kaya parehas kami ni Papa tumingin at may isang pari na katabi lang ni Marga at ni Yaya. Matanda siya at may pagkaputi na ang kanyang buhok.


"Bitawan mo ang binata na iyan at ibaba mo ang kanang braso mo." Seryosong tugon ng pari at sinunod ni Papa ang utos niya. Pansin kong nakatitig lang si Papa na may seryoso din ang kanyang mukha. "Bakit mo kailangan saktan ang binata na iyan?" Tanong ng pari. Hindi naman nakaimik si Papa ngunit ilang segundo ang lumipas ay nagsalita na siya. "Aalis na ako. Ikaw bahala diyan Lourdes." Tugon ni Papa at lumakad siya palabas ng gate ng simbahan. Binalik ko ulit ang tingin ko sa pari at buti na lang talaga dumating siya.


"Maraming Salamat ho talaga. Buti na lang dumating kayo." Sabi ni Yaya at nag-bow sa pari at napatawa rin siya. "Walang anuman iyon, masama naman talaga ang gagawin niyang pananakit mas lalo pa sa harap ng simbahan. Kaano-ano niyo ba yung tao na iyon?" Tanong ng pari. "Siya po si Edward Calaguas at yun po ang anak niya." Sabi ni yaya at tinuro ako. Ngumiti man ako kahit papano sa pari at tumango na lang siya. "Ikaw ay asawa ba niya?" Tanong ng pari at natawa naman si Yaya. "H-hindi po. Ako po ay isang kasambahay ng bahay nila." Sabi ni Yaya at tumango ulit yung pari at napatingin sa akin yung pari. "Ayos ka lang ba Hijo? May masakit ba sa iyo?" Tanong niya. "Wala naman po." Sabi ko. "Yun ba ang ugali ng iyong ama?" Tanong niya ulit. Hindi ako nakasagot dahil ngayon ko lang talaga nakita si papa ng ganyan. "Sa totoo lang po Padre, hindi po siya ganyan si Sir Edward dati, ngayon lang namin natuklasan na ganyan na siya." Tugon ni Yaya at napatango ulit yung pari.


"Ayos ka lang ba Hijo? Hindi ka ba nasaktan?" Tanong ng pari kay Miguel. "Opo a-ayos lang ho ako." Sabi ni Miguel. "O sige na, parang may lakad pa kayo. Mauuna na ako sa inyo." Sabi ng pari. "Ay! Teka lang ho! Ano po yung pangalan ninyo Padre?" Tanong ni Yaya. "Ako si Padre Valentino Rosal at ako rin ang may-ari ng simbahan na ito." Ngiting tugon niya at saka umalis na siya at nagpaalam na kami sa kanya. Buti na lang talaga dumating siya dahil kung hindi bugbog sarado na si Miguel kay Papa. Tumingin ako kay Miguel na ngayon ay nakangiti sa akin. "Salamat...dahil kahit papano ipinagtanggol mo ko..." Sabi niya. Ipinagtanggol??? Eh nakuwelyo ka nga niya eh! Pero paano nalaman na nagkita kami ni Miguel. "Buti na lang Marga, tinawag mo si Padre Valentino para itigil yung gagawin ni Sir Edward. Sabi ni Yaya. Ha? Anong ibig niyang sabihin?


"Anong ibig mong sabihin Yaya?" Tanong ko at kinuwento ni Yaya at ni Marga yung nangyari.


Pagkatapos kong magdasal ay agad kong tinago ang prayer book ko at yung aking rosaryo sa aking maliit na bag at pag talikod ko ay nagulat ako dahil bumungad sa akin si Marga. "Ano ba yan! Huwag kang manakot!" Reklamo ko at tumawa siya. "Sorry yaya he he, nasaan pala si Tito?" Tanong niya. "Aba, malamang nasa kotse. Tayo na lang tatlo ang hinihintay...teka lang, nasaan si Sheer? Hindi ba sinabi ko sa inyo na dapat kayong magkasama lagi." Seryosong tugon ko. Dapat lang sila magsama dahil noon pa man ay nawala sa simbahan si Sheer. "Nasa may harapan simbahan..kasama niya si Miguel." Sabi niya at biglang lumaki ang mga mata ko. Bakit sila magkasaka?!?! Sigurado ako na bubugbugin na naman ulit niya si Miguel!

I Promise | (boytoboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon