Kabanata 24

17 0 0
                                        

CHAPTER 24



Naglakad siya papunta sa akin, parang bumagal tuloy ang oras sa paligid namin, hindi ko mai-alis ang aking mga mata ko sa kanya na hanggang ngayon ay nakangiti , parang nawala ang aking mga problema at mga kalungkutan. "Paano ka—" Hindi ko na natapos yung aking sasabihin dahil bigla na niya ako niyakap pagkarating niya. "Na-miss kita...Arolle"


Gosh! Sinabi niya first name ko! Wahhhh!! Ang puso ko!!


LUB DUB! LUB DUB! LUB DUB! LUB DUB! LUB DUB!


Bumaklas siya sa akin, pero teka, paano siya nakalabas?? "Kutob kong nagtataka ngayon kung paano nakalabas...dinala kami sa Bilibid Prison dahil iyon ang utos ng Mayor Jose..." Sabi niya at nagulat ako, puwede ba ito gawin ng isang mayor sa ibang lugar?? "Nung makarating kami sa prisinto sa Muntinlupa ay iniwan kami ng mga pulis sa upuan dahil may aasikasuhin lamang sila, may ibang pulis din doon na nakabantay...bumulong ako kay Ama na tatakas ako at saka pansin ko naman na hindi nila hawak ang kanilang baril...sa una hndi siya pumayag pero sa huli pumayag siya...habang busy sa mga ginagawa ang ibang pulis ay chumempo akong tumakbo hanggang maabot ko na yung gate, narinig kong may sumigaw na pulis sa akin, buti na lang tulog ang pulis na nakabantay sa may gate." Sabi niya upang hindi ako makaimik. Nagaw aniyang tumakas at tumakbo ng ganong mabilis? Puwede na ata ito sumama sa marathon.

"Nakabalik ako ng maayos sa aming bahay kaya tinawagan ko na rin agad si Benjamin at nalaman din niya ang nangyari sa amin galing sa akng ina. Nabalitaan ko rin na sila din ay nasama dito...nasarado na ang paaralan..." Dagdag pa niya. Gosh...naaawa na ako sa pamilyang Asuncion at Alonte...

"Lumikas na kayo, mauubusan na kayo ng upuan sa loob ng bus." Rinig kong tugon kay Marga upang matauhan ako, tumingin ako kina Marga at Yaya at lumapit ako para yakapin. "Ma-maraming Salamat ulit sa inyo...mahal na mahal ko kayo...hindi ko ito makakalimutan...balang araw ay babawi din ako sa inyo..." Sabi ko at bumaklas na at hinawak ko ang kanilang mga kamay, binigyan nila ako ng ngiti upang lumabot lalo ang aking puso.

"Wala iyon...basta lamang masaya ka...masaya na rin kami.." Sabi ni Yaya, paano ko sila susuklian. "Sige na...hinihintay ka n ani Joshua." Dagdag pa niya at muling bumitaw sa kanilang kamay at tumakbo papunta kay Joshua at pumasok na kami sa loob ng bus, siya na rin pala nagdala ng aking mga gamit. Marami-rami man ang tao sa loob, nakita naming sina Benjamin at si Mang Raul sa likod kaya doon kami pumunta ngunit umupo kami sa may harap nila dahil may katabi na silang tao. Tumabi ako sa may bintana at siyempre katabi ko ang aking bebelabs!


Nilagay ko sa may paa ako ang bag ko at nung sumandal ako ay biglang may nagsalita sa aking likod upang tingnan ko at si Mang Raul lang pala. "Nakikiramay kami sa iyong Tito..." Sabi niya, ngumiti man ako ng marahan sa kanya. "Maraming Salamat Mang Raul..." Sabi ko at ngumiti man siya. "Huwag kang mag-alala...may rason kung bakit yun ang sinapit niya...ngunit napasama siya sa kamay ng Panginoon at alam kong...masaya na siya doon..." Dagdag pa niya at tumango na lang ako ng marahan at bumalik na siya sa kanyan gkinauupuan. Marelihiyoso talaga ang pamilya na ito. Sana ganito tayong lahat, ipagpasalamat natin sa kanya na buhay pa tayo sa mundong ito.

Umiwas na ako ng tingin, pansin ko nung umiwas ako ay parang malalim ang iniisip ni Joshua, kukulitin ko sana siya ngunit huwag na lang. Ayaw ko anuhin ang kanyang ginagawa. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Jenny sa akin na nakakadagdag ang pogi points ang mga lalaking kung malalim ang iniisip nila at tama nga ako, pogi niy hayst!

I Promise | (boytoboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon