Kabanata 19

17 1 0
                                    

CHAPTER 19


"Joshua?" Napatigil ako at kinabahan agad dahil pamilyar yung boses. Bumaklas ako sa kanya at tumingin sa likod..at nakita ko...yung kinatatakutan ko...


Si Natalie.


"Sheer?" Lalong nagtaka yung itsura niya nung makita niya ako.


Oh no. Natatakot ako ngayon dahil alam ko na yung iniisip niya sa amin.


"Ano ibig sabihin nito???" Sabi ni Natalie habang nakakunot na ang noo niya. "Natalie wala ito--" hindi natapos yung sasabihin niya dahil tumakbo na paalis si Natalie."Natalie teka!" Sabi ni Joshua at sinundan si Natalie at ako ay naiwan.


Oh no...ito na ang sinasabi ko...bakit pa ako pumayag na sumama sa kanya! Kahit kailan Sheer, lagi mo inuuna ang sarili mo! Kaya lagi ka nakakagalitan! Yan tuloy...paano na ako kay Natalie...


"Yan kasi ang napapala sa mga taong hindi nakikinig..." Rinig kong tugon at napatingin ako sa kanan ko at nakita ko si...


Blythe.


Lumapit siya at tumayo sa aking harapan at nag cross arms siya. "Ang tigas kasi ng ulo mo...yan tuloy.." Panimula niya at saka umikot sa akin. "Sabi ko sa iyo...na kung nakita na kasama mo si Joshua...sasabihin ko kay Natalie...ehh nakita kita kaninang umaga sa simbahan at nandoon rin si Madam Natasha...kaya sinabi ko kay Natalie agad...." Sabi niya sa akin. So nakita niya kami kanina?!?! Shems! Why?!?! "Nakapagtataka nga na...bakit kayo hinayaan eh...pero nung pagkasabi ko kay Natalie tugkol sa inyo ay...hindi siya naniniwala...nagawa lang daw ako ng kuwento...kaya sabi ko na lalabas kayo para mag-date...hindi pa rin siya naniniwala...pero nung pinursiga ko siya na lumabas kami dito...dahil narinig ko kanina na ay dapat nandito na kayo bago magtakipsilim...at nakita niya kayo ay alam kong naniniwala na siya...." Sabi niya. Napapikit na lang ako sa inis dahil hindi naniniwala si Natalie na may namamgitan sa amin dalawa...bwiset itong babae na ito.

"...hindi kasi ako kagaya mo noon..." Sabi niya at ilang sandali ay napatingin ako sa kanya at nanlilisik ang mga mata ko. "Huwag mong idamay ang nangyari noon! Wala kang kinalaman doon!" Sabi ko at napangisi siya. "Bakit? Dapat kong malaman iyon dahil totoong kaibigan niya ako." Sabi niya at hindi ako nakaimik dahil sa sinabi niyang 'totoong kaibigan'.

Ilang sandali ay umalis na ako at iniwan ko siya doon, ayaw ko na makipagtalo sa kanya. Masasayang lang ang aking mga laway at kilos kung nilabanan ko pa siya at saka kailangan ko makita si Natalie, gusto ko humingi ng tawad.

Pumasok ako sa loob ng building at may naririnig akong usap sa itaas kaya umakyat ako at nakita kong nag-uusap sina Natalie at Joshua. Ilang sandali ay napatingin sa akin si Natalie. "Huwag mong sisihin si Joshua please..." Sabi ko habang napunta sa kanila at napatingin sa akin si Natalie. Pagkarating ko ay bigla akong sinampal ni Natalie upang mapadapa ako sa sahig.

"NATALIE!" Sigaw ni Joshua

"WALANG HIYA KA!" Sigaw ni Natalie. Ilang sandali ay naramdaman kong hinila ako ni Natalie para makatayo at hinarap niya ako sa kanya at sinampal ulit ako. "NAPAKAWALANG HIYA MO SHEER! WALA KA BANG AWA?!?!?!" Sigaw niya at narinig kong nagbubukasan ang mga pintuan.

"NAPAKASAMA MO! BAKIT MO ULIT ITO GINAWA?!??! HINDI KA NA BA MASAYA NA BINIGAY KO SA IYO SI MIGUEL HA?!?!" Sabi niya at hindi ako umimik. Anong ibig niyang sabihin na binigay niya sa akin si Miguel?????

I Promise | (boytoboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon