Kabanata 28

9 0 0
                                    

Chapter 28

Alas-sais y media na ng gabi nung makauwi kami ni Mercedes sa bahay ko. Wala na ako maisip kung saan ko siya dadalhin kaya sa amin na lang dahil alam kong maiintindihan ni Tita Natasha at ni Yaya ito. Umalis na rin kami agad non dahil ayaw kong matanungan pa ng mga tao, dahil wala talaga ako masasabi, kailangan ko muna itikom ang akng nalalaman bago ko sabihin sa buong bayan na isang kriminal ang pamilyang Montecillo at si Adrian. Umuwi kami gamit ang tricycle at buti na lang din na hindi kami tinanong ng drayber dahil mukha akong taong-grasa ngayon dahil sa sunog at pati na rin si Mercedes.

Nung nasa tapat ako ng gate ay nag-doorbell agad ako, buti wala pa sina Papa at Mama ngayon. Ilang segundo ay nakita kong papalapit na sa amin si Yaya at si Tita Natasha. "Sheer??? Bakit ganyan itsura mo!?? Saan ka nanggaling???" Takang tanong ni Yaya at binilisan niya maglakad at binuksan ang gate. "Sino ang bata na iyan???" Dagdag pang tanong ni Yaya at saka kami pumasok. "Sasabihin ko lahat kung nakapasok na kami sa bahay." Sabi ko at inalalayan ako ni Tita Natasha sa paglalakad.

Nung nasa loob kami, nilagay ko si Mercedes sa may sofa at mahimbing ang tulog niya. "Sino ba iyan anak? Bakit ka nagdala ng bata? Anak mo ba iyan???" Takang tanong ni Yaya at nilakihan ko siya ng mata. "Yaya! Hindi! Wala akong anak! Siya si Mercedes!" Sabi ko at napatingin si Yaya sa kanya. "Teka, iyan ba yung tumestigo laban kay Kylie?" Tanong ni Yaya at nag-oo ako. Nalaman niya iyon dahil sinabi ko sa kanya pagkatapos ng trial.

"Hindi ang pamilyang Genoroso ang may kasalanan..." Sabi ko at ako'y napaupo sa may tabing sofa na pinagtutulugan ni Mercedes. "...Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Yaya at ako'y napabuntong-hininga muna bago sabihin lahat. "...Ang sinabi ni Mercedes sa korte noon ay puro kasinungalingan...nagawa niya iyon dahil may sumuhol sa kanya sa pamamagitan ng kayaman kaya nagawa niya iyon...at yung taong iyon na tinutukoy ko ay...si Adrian." Sabi ko at hindi nakaimik si Yaya at si Tita Natasha. Kailangan ko na sabihin ang katotohanan...pero ayaw kong sabihin na malapit na ang kasal nila.

Kinuwento ko sa kanila na sinundan ko si Adrian papunta sa isang bahay na malapit lang sa simbahan at pati na rin na may plano siyang masama sa bata at pati na rin yung pagsusunog ng bahay. Sinabi ko rin na si Adrian ang pumatay sa magulang sa Mercedes at iba pang nalalaman ko at pati na rin kung paano kami nakatakas.

"Ang hindi ko pa nalalaman ay...sino ang gumahasa kay Kylie...at bakit na rin pumayag si Kylie sa plano nila kung sa huli ay nagsampa siya ng kaso...pero hindi pa rin ako makapaniwala na...

Ilang sandali ay lumuhod si yaya at hinakawan ang aking mga kamay. "...huwag kang mag-alala...sisigaraduhin natin na makukuha nila ang hustisya na dapat nila makuha...tayo ang magwawagi ng tagumpay sa huli..." Sabi ni Yaya at niyakap ako...at niyakap ko na rin siya...Sana yaya...sana Yaya....

Ilang sandali ay bumaklas na sa akin si Yaya at biglang may tumunog sa labas upang mapagtanto ko na nandito na si Papa at Mama!!! Napatingin ako kay Mercedes na ngayon ay mahimbing pa rin ang kanyang tulog. Saan ko siya puwede itago?!?!? Hindi kailangan makita nila ito mas lalo si Papa!! "Itaas mo si Mercedes at dalhin mo sa kuwarto namin ni Yaya!! Bilis!" Sabi ni Tita Natasha, tumayo na si Yaya para buksan ang gate sa labas, at daling-dali ko binuhat si Mercedes at dinala paakyat. Binuksan ko yung doorknob at saka sinipa pintuan ng kuwarto ni Yaya at daling-dali ko nilapag siya sa kama. Sinara ko pintuan ng dahan-dahan at saka bumaba.

"Tulungan mo ko sa paghahanda ng mesa para pagpasok pa lang nila dito ay diretso hapunan na." Sabi ni Tita Natasha. Nilagay ko na yung mga plato, kubyertos, at baso at si Tita Natasha naman ay mga ulam. Pagkatapos naming mag-set up ay saka pumasok na si Yaya, Papa, Mama at isang guest na hindi kong inaasahan ngayon.


Si Tito Jose.


Ano ang ginagawa niya dito?!

I Promise | (boytoboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon