CHAPTER 21
"Tito nandiyan na po ang anak niyo." Tas dahang dahan tumalikod si Papa. Galit na galit ang itsura niya ngayon. Nakayuko si Joshua ngayon na katabi ni Natalie at nasa gilid niya sina Marga at Yaya na nakayuko din ang ulo. Sa gilid naman ni Natalie sina Tito Anthony, Tita Helen at si Mark na mukhang seryoso ang kanilang itsura. Ito na ang aking kinakatakutan dahil..ito na..nabuko na..
"SHEER! IPALIWANAG MO ITO! ANONG IBIG SABIHIN NITO!" Sigaw ni Papa sa akin. Hindi naman ako makaimik dahil nakakatakot yung itsura ni papa ngayon. Hay, nakita ko ulit yung galit na galit na mukha niya na kulang na lang patayin ako.
"SHEER ANONG PINAGSASABI NI NATALIE HA??!?!? ANONG KLASENG KATARANTADUHAN ANG GINAGAWA MO SA BUHAY MO?!?!?" Sigaw sa akin ni Papa. Napatingin ako kay Natalie na ngayon ay galit na galit ang itsura at may mga luhang namumuo sa kanyang mga mata. Teh, ang drama mo.
"SHEER SUMAGOT KA! TINATANONG KITA DIBA!"
"Sir Edward..puwede niyo pong--" Hindi na natapos ni Yaya ang kanyang sasabihin dahil tumingin sa kanya si Papa."MANAHIMIK KA LOURDES! HUWAG KANG MAKISALI DITO! WALA KANG ALAM!" Sigaw ni Papa at ilang sandali ay napakumot sa ulo at tumingin ulit sa akin.
"Sheer! Sabihin mo na ang totoo! Ayaw ko sa lahat ng tao ay nagsisinungaling sa akin! Ano ang namamgitan sa inyo ni Joshua?!?!" Galit na tanong sa akin ni Papa at hindi pa rin ako makaimik. Wala naman talaga kaming relasyon at saka magkaibigan lang kami.
"Wala--"
"ANONG WALA?!?! SHEER, HUWAG MO NA KAMING LOKOHIN! ALAM KONG MAY GUSTO KA SA KANYA AT SIYA RIN AY MAY GUSTO SA IYO." Sigaw ni Natalie at ilang sandali ay pansin ko sa kanya na maraming luha ang namumuo sa kanya. Teka ang ibig niyang sabihin...
may gusto sa akin si Joshua?
Ilang sandali pa ay nagmura pa si Papa at humarap kay Tito Anthony. "NAPAKABASTOS AT NAPAKARUMI ANG ANAK MO ANTHONY, PAPATOL PA SA IBA KAHIT MAYROON NA SIYA! ANONG KLASE KAYONG MGA MAGULANG NI HELEN?!?" Umakbang si Tito Anthony at tiningnan ng masama si papa. Teka! Hindi naman magkarelasyon sina Joshua at Natalie diba???
"HUWAG MO IDAMAY ANG ASAWA KO! WALA KANG KARAPATAN SABIHIN NG ANAK KO AT KAMI NG GANYAN!" Umakbang din si papa sa kanya kaya napaatras si Tito Anthony.
"DAPAT LANG SABIHIN KO ITO DAHIL TINAKSIL NIYA ANG NOBYA NIYA! AT SAPAT NA IYON NA ISAN MANLOLOKO ANG ANAK MO!" Tas kinuha ni Tito Anthony ang kuwelyo niya at sinuntok si Papa ng malakas kaya napasubsob soya sa lupa. Tumingin si Papa sa kanya ng nanlilisik ang mga mata niya.
"P*TANGINA MO!" Sigaw ni papa at tumayo at sinugod si Tito Anthony para makipagsuntukan. Sinuntok ni Papa sa pisngi si Tito Anthony pero bago mangyari iyon ay nakailag siya para masuntok niya si Papa sa tiyan. Natakdiyakan tuloy ni papa ang binti ni Tito Anthony para matumba siya. Lumapit sa kanya si Papa at pinagsusuntok pa sa pisngi. Nagsisigawan si Tita Helena at si yaya nang 'Tumigil na kayo' at 'Tama Na' at ako ay wala man magawa para tigilan sila...isa akong walang kuwentang anak sa pamilya na ito..
Ilang segundo lamang ay may mga dumating na guwardiya at lumapit sila kina papa at Tito Anthony at pinaghiwalay silang dalawa.
"HINDI KO KAYO MAPAPATAWAD! MAS LALO ANG ANAK PO AT ANG PAMILYA MO ANTHONY! KASALANAN MO LAHAT NG ITO KAYA NASIRA NGAYON ANG ATING PAGKAKAIBIGAN! WALA KANG KUWENTANG TATAY KAYA NAGAWA PANG MAGHANAP NG IBA ANG ANAK MONG TAKSIL AT MARUMI! P*TANGINA MO!" Sigaw ni papa habang gusto niya makawala sa higpit na hawak ng guwardiya.
"WALA KA RIN KUWENTANG KAIBIGAN! NAPAKABASTOS AT NAPAKASAMA MONG TAO KAYA GINAGAYA KA NG ANAK MO NA PUMAYAG SA ANAK KO!" Sabi ni Tito Anthony habang pinipilit rin makawala sa hawak ng guwardiya sa kanya.
BINABASA MO ANG
I Promise | (boytoboy)
Ficção Adolescente[BXB] Bakit bawal magsama ang dalawang parehas na kasarian sa mundo ngayon? Meet Arolle Sheer Calaguas, isang baklang estudiyante na spoiled brat, masungit at tamad mag-aral kaya binigyan siya ng tutor ng tatay niya, kailangan pa ba pag-aralin ang...