Chapter 26
Makalipas ng tatlong buwan
Sabado ngayon ng Abril at kasalukuyang nasa canteen ako, nakaupo habang kinakain ko ang baon ko ng mag-isa. Nandito ako ngayon sa Far Eastern University sa Maynila dahil may summer class ako sa isang subject na Math, bumagsak ako sa entrance exam sa subject na iyan. Pinaaral na ulit ako ni Papa dito dahil yun ang utos ni Mama. Si Mama ay nakabalik na from Italy dahil pumayag na magbakasyon ang kanyang boss.
Kinwento ko na rin kay Mama yung mga napagdaanan ko nung huling taon, yung mga taong humiwalay sa aking piling at mas lalo yung aking napupusuan na lalaki...
March 17, 2017
Nakikita ko na sa kanya ang mga luha na dahang-dahang tumutulo sa kanyang pisngi nung makuwento ko ang lahat, kanina ko pang naramdamanang aking pagtulo ng aking mga luha. Nasasaktan na rin akong makitang ganyan siya. Ilang segundo ay hinawakan niya ang dalawang kamay ko at naglabas siya ng hininga.
"Huwag kang mag-alala...suportado ako para sa iyo anak...kahit lalaki man ang maging ka-relasyon mo...Kung minahal ka ng Panginoon na ika'y ganyan...iyon din dapat ang gawin ko para sa iyo..." Sabi niya at gulat na gulat akong marinig sa kanya iyon upang mayakap ko siya, at hinimas niya ang likod ko. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig, sarili kong inay ay suportado sa isang bakla na kagaya ko. "Alam kong ngayon ay walang sumusuporta sa kagaya ninyo dahil mas naniniwala sila sa kanilang paniniwalaan ngunit pagiging makasarili at hindi pagmamahal ang pinapakita, kung ginawa ka ng ganyan dahil mahal ka ng Panginoon. Mahal ka ng Panginoon...at sana matupad ang hinihiling ninyo na mayroon din kayong rights dito..." Dagdag pa ni Mama upang maging singkit lalo ang mata ko at tumulo pa ang aking mga luha. Totoong may taong nandidiri sa amin, at hindi ko alam kung paano ba magiging maayos ito sa susunod na panahon.
"Pero anak...malinaw ang gustong ipakita sa iyo ni Joshua..." Sabi niya upang tumigil ako at parang ayaw kong marinig ang gusto niyang sabihin. "...Gusto ka na niyang kalimutan..." at naramdaman ko ulit yung aking naramdaman nung huling beses kong pumunta sa bahay niya...
Bakit iyon ang naisip ni Mama? Totoo bang gusto na niya ako kalimutan? Ganun na lang baa ko kadaling iwan? Una si Miguel, tas si Joshua?? Wala lang ba sa kanya yung nagawa naming pagsasama kahit konting buwan lamang? GANUN NA LANG BA???? Bigla ako napatayo at binaba ko ng malakas ang kutsara at tinidor ko ngunit ilang segundo ay bumalik ako sa realidad at napansin kong may mga ibang estudiyanteng nakatingin sa akin. Shet, kahiya.
Dahan-dahan akong umupo, kinuha yung kubyertos ko, at kumain muli. Hay...hindi ko na napigilan ang aking sarili dahil lamang...doon...
Alas-kuwatro na ng hapon ay nandito na ako bus para umuwi. Tamang nakikinig ng music sa earphones at nakadungaw lang sa bintana.
Naalala ko tuloy yung nasa bus kami ni Joshua at magkatabi kami at paano niya sinabi yung kanyang nararamdaman para sa akin, kilig na kilig ako non ehe.
Pero totoo ba yung kanyang nararamdaman nun?...
Hindi ko na talaga alam ang aking gagawin...wala na akong kaibigan...at ayaw kong magkaroon ng bagong kaibigan dahil...natatakot pa ako sa aking naranasan...at hindi ko na rin alam kung gusto ko pang buksan ang aking puso para may taong sumama sa aking habang buhay....
BINABASA MO ANG
I Promise | (boytoboy)
Fiksi Remaja[BXB] Bakit bawal magsama ang dalawang parehas na kasarian sa mundo ngayon? Meet Arolle Sheer Calaguas, isang baklang estudiyante na spoiled brat, masungit at tamad mag-aral kaya binigyan siya ng tutor ng tatay niya, kailangan pa ba pag-aralin ang...